But, he was wring again. Hindi niya inaasahang sa pagbalik nito ay tila wala ito sa sarili at bigla itong nagalit nang i-approach niya. Hindi niya maintidihan kung bakit ito galit na galit ngayon na nakatingin sa kanya.

"Don't touch me!" Puno ng iritasyon ang boses nito, tila nangingilabot na hahawakan niya ito.

"Let me explain. I know I've been jerk and all that. I'm sorry, okay? 'Wag na tayong mag-away. Come here." Muli ay nagtangka siyang lapitan ang babae ngunit umatras ito. Nasaktan siya sa naging reaksyon nito.

Tumalikod si Phoebe at patakbong bumalik sa sa silid nito. Ganoon ba talaga kalaking kasalanan ang kanyang nagawa para maging ganoon ito sa kanya? Para siyang pinandidirihan nito kung makatingin sa kanya. Kalahating oras pa ang lumipas nang lumabas muli si Phoebe mula sa silid nito, dala ang lahat ng gamit nito sa maleta.

"Phoebs, please. Pagusapan natin 'to." Biglang binalot ng kaba ang kanyang sistema nang makita itong dala ang mga gamit nito.

"No. I'm leaving you. Hindi ako makapaniwalang nagpauto ako sayo at sa mga kasinungalin mo. You manipulative prick!" Iyon lang at iniwan na siya nito roon.

Gusto man niya itong sundan, mas nanaig sa kanyang ang kanyang pride. Ito pala ang tingin sa kanya ng babae, isang manipulative na lalaki.

Ganoon ba talaga kasama ang kanyang nagawa para dito? Hindi ba't kahapon lang ay ayos pa sila? He felt like crying. Durog na durog ang puso niya dahil sa mga paratang na iyon sa kanya ni Phoebe. At ngayon, iniwan pa siya nito.

Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung paano madurog nang husto ang kanyang puso. Ideyang tinatawanan lang niya noon. Ito na yata ang kanyang karma. Kasalanan din niya. Masyado yata naging mabilis ang pagbibigay niya ng kanyang puso sa dalaga. Tuloy, siya ngayon ang higit na nasasaktan.

~•~•~•~•

Ganoon nalang ang iyak ni Phoebe nang muling makita ang kanyang mga magulang. Agad niyang inakap ang mga ito at pinugpog ng halik sa mukha. Miss na miss niya ang mga ito.

Sa labis na pangungulila sa mga ito ay hindi na niya napagilang mapahagulgol. Sa dami ng emosyong kanyang nadarama ngayon, hindi na niya kinaya pang pigilin iyon.

"Aw, anak, ganyan mo ba kami ng daddy mo?" Tila panunukso ng kanyang ina sa kanya. Kahit kailan, hindi siya naging ganoon ka-clingy sa mga ito. Ngayon lang. Tumango na lamang siya rito kahit higit pa roon ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Nagtataka siyang hindi naging masyadong matanong ang kanyang magulang, taliwas sa inisiip niyang gagawin ng mga ito sa oras na makauwi siya sa kanilam.

Inalam lang ng mga ito kung ganoon nalang daw ba talaga siya nag-enjoy doon sa poder ng lolo niya at ngayon lang niya naisipang umuwi. Wala parin palang alam ang mga ito sa nangyari sa kanya sa England.

Muli, oo lang ang sagot niya sa lahat sa tanong ng mga ito sa kanya. Ayaw niyang pagalalahanin pa ang mga ito, naisip niyang ililim nalang ang tunay na nangyari sa kanya sa nakalipas na buwan, mas maigi na iyon.

Ang akala niya, sa oras na makabalik siya sa kanila ay tuluyan nang matatahimik ang kanyang kalooban. Bukod parin sa pangambang baka nasa paligid lang ang mga tauhan ng kanyang lolo ay labis na pighati naman ang kanyang nadarama sa kanyabg loob.

She cried silently. Ayaw niyang isipin ng mga magulang niyang may nangyayari sa kanya. Pero ang totoo ay labis na para sa kanya ang nangyari ngayong maghapon, hindi na niya kaya pang i-contain iyon sa kanyang loob. Umiyak siya nang umiyak.

Nais na sana niyang patawarin si Robert sa nasabi nito sa kanya. Hindi naman iyon ganoon ka-big deal sa kanya ngayon, pareho lang silang nabigla kagabi.

Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. WrightWhere stories live. Discover now