"Thanks." Pagkuha ko ng inabot niya sakin ang bulaklak. Nilapag ko muna sa kama ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko. Dumaretso naman kami sa sala.



"Pa." Naabutan namin paalis na sila Papa.

"Dito muna ba kayo? o aalis din kayo mamaya?" Tanong ni Mama ng kunin niya ang shoulder bag niya.


"Aalis ba tayo?" Balik ko na tanong kay Samuel na binalingan ko ng tingin.


"Dito nalang tayo." Sabi niya kaya sumang ayon nalang din ako.



"Sige alis na kami. Kapag umalis kayo ay wag kalimutang saraduhan ang pintuan ha." Paalala ni Papa bago sila lumabas ni Mama.



Magkatabi kaming umupo ni Samuel sa sofa sa sala.

"Nag almusal ka na?" Baling ko sakanya. Tumungo naman siya.

"Ikaw ba?" Tanong niya habang nakatingin sakin.


"Hindi pa e. Kain tayo. Tara samahan mo ko." Sabi ko sabay tayo at daretso sa dining area namin. Nakasunod naman si Samuel. Umupo siya sa harapan ko.



Pinaglagyan ko siya ng plato pero pinigilan niya ko.

"Wag na. Busog pa ko. Papanoorin nalang kita." Nacoconscious man ako na may nanonood saking kumain ay hinayaan ko nalang siya. Ramdam kong titig na titig siya sa bawat galaw ko. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na kami sa sala.





"Bakit nga pala may paflowers ka? Hindi ko naman birthday. Hindi rin natin monthsary. Anong meron?" Magkatabi kami sa sala pero magkaharap kami ng tinginan. Pakangiti siya sakin.




"Wala naman sigurong masama kung bigyan kita kahit walang okasyon. Gusto ko lang." Sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.



"Deanna." Ngayon nalang ulit niya ko tinawag sa pangalan ko kaya medyo nagulat ako pero nasa harapan pa rin namin ang tingin niya habang ako nakatingin sakanya.



"Deanna pano kapag bumalik yung ex mo babalikan mo ba?" Binalikan ko ba?



"Depende. Kung handa ka ulit magrisk para sainyong dalawa why not di ba? Kapag siya pa rin, siya pa ring yung nagpapasaya sayo. Then, go. Bakit mo natanong? Bumalik ba ex mo?" Biro ko sakanya. Napangiti naman siya ng slight.




"Mahal kita. Alam mo yun di ba?" Tumungo tungo naman ako. Alam kong nakita niya ko kaya pinagpatuloy niya.


"Alam mong ayokong saktan ka di ba?" Naguguluhan ako sa mga tanong niya. Naramdaman kong may pinupunto siya.



"May problema ba tayo?" Tanong ko sakanya. Sumagi naman bigla sa isip ko yung nakita ko siya sa McDo. Wait lang! Eto na ba yung puntong iiwan niya ko?





"Kailangan niya ko deanna." Ha? Nabingi ata ako.



Bumaling na ang tingin niya sakin kung san nakikita kong teary eyes na siya.





"Hey babe, wag kang umiyak." Natawa ako ng mapakla ng sabihin niya yun. Gago ba siya? Alam ko kung san patungo to tapos sasabihin niyang wag akong umiyak? Mahal ko siya. Kahit hindi pa kami umaabot ng taon mahal ko na siya. Sinubukan ko siyang mahalin then ngayong napamahal na ko sakanya bigla niya to sasabihin? Gago nga!



"Sino ba yang may kailangan sayo? Siya ba yung lagi mong inaasikaso kaya lagi kang walang time sakin? Samuel, pano naman ako? Kailangan din kita!" Tuloy tuloy na ang tulo sa mga mata ko. Nakita kong umiiyak na din siya.




"Sorry." Sorry? Yun na yun? Satingin niya ba magiging okay ako after niyang sabihin ang sorry!?





"Sorry!? So totoo ngang may iba? Niloloko mo ko! Nagbulag bulagan ako ng makita kong may kasama kang iba! Nagmanhid manhidan ako ng maramdaman kong iba na ang pakikitungo mo! Nagtanga tangahan ako Samuel! para lang ituloy to. Kinalimutan ko lahat ng nakita't naramdaman ko kasi alam kong worth it ka! Kasi sabi mo hindi mo ko sasaktan! Sabi mo ako lang! Sabi mo ako na talaga!" Bawat salita ko may diin! Gusto kong ilabas lahat! Ang sakit kasi!




"Sorry." Lalong napalakas ang iyak ko ng marinig ko ulit yun. bakit wala siyang ibang masabi? Yun nalang palagi! Hanggang sorry nalang ba? Hindi ba ko karapat dapat bigyan ng eksplanasyon!




"Sinubukan kong mahalin ka. Then ngayong mahal na kita tapos ganto? Anong mali? Bakit biglang nagkaroon ng siya sa ating dalawa?" Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko agad.


"Kailangan niya ko deanna. Ayokong mawala ulit siya. Natatakot ako. Ayokong iwanan siyang mag isa. Gusto ko siyang samahan sa lahat ng laban niya. Kailangan niya ko. Kailangan ko siya Deanna." Hindi ko maintindihan naguguluhan ako sa paliwanag niya. Pero nadurog ako sa huling salitang binitawan niya.




"Hindi ko maintindihan." Mahinang bulong ko pero sapat na para marinig niya.


"Rosher. Rosher ang pangalan niya. First love ko siya na bigla nalang nawala. Hindi ko alam na kaya pala siya nawala dahil lumalaban siya mag isa sa sakit niya. Ngayong bumalik na siya ulit ayokong hayaang lumaban siya mag isa. Gusto ko siyang samahan Deanna." Pinagmasdan ko siya. Ramdam kong nasasaktan siya sa kinukwento niya. Napangiti nalang ako ng mapait habang umiiyak sa harapan niya.



"Mahal mo?" Nilingon niya ko pero hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko.


"Siya pa rin?" Nginitian ko siya kahit masakit.


"Sorry." Natawa naman ako sa sagot niya. All this time. Ano to? Laro? Mahal pa pala niya ex niya, so ano to!? Hinawakan ko ang kwintas na bigay niya sakin at kinalas ko yun.





"Oh. Sakanya mo ibigay yan wag sakin. Halata namang sakanya ka talaga sigurado. Sakin nagsigusiguraduhan ka lang. Sa kanya mo nakikita yung future mo no? Wala naman talaga sakin. Dahil kung nasakin, sana hindi mo ko iiwan para sakanya." Inabot ko sa kamay niya yung kwintas na may singsing na bigay niya. Umasa ako. Masakit pala.





"Sorry, Deanna." Tinanggap naman niya ang kwintas. Pinunasan ko ang mga luha ko. Humarap ako sakanya kinalma ko muna ang sarili ko at hindi nagpakita ng emosyon sakanya.


"Sayang Samuel. Botong boto pa naman sayo parents ko. Akala ko ikaw na pero para ka pala sakanya. Umalis ka na. Gusto kong mag isa." Nag aalangan man pero tumayo na siya at umalis.

- - -
A/N: Gusto ko sanang icaps lock yung sinasabi ni Deanna kay Samuel para intense. Kaso tinatamad akong iretype 😐

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon