Chapter 34: VANDER&PHILIPPA

1K 71 9
                                    


Vander’s POV

Wala na ang sumpa! We are finally back in our own bodies! And you don't get to tell me what to do anymore.”

“Yeah, right, Pippay. Tell me about it,” bulong ko habang tinititigan ko ang aking kamay.

I sighed. It’s 6 o’ clock in the morning and I can almost imagine the look on Pippay’s face right now.

“Pippa! Get your ass up! Breakfast is ready!”

Tinitigan ko ang babaeng nakapameywang sa harap ko ngayon.

“What? Wala ka bang balak pumasok ngayon? Tumayo ka na dyan baka ma-late ka pa,” sabi ng ate ni Pippay bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Why did we switch back? Akala ko ba wala na ang sumpa? Bakit nagkapalit ulit kami ng katawan ni Pippay?

Kinapa ko ang ilalim ng unan ko nung maramdaman kong may nagba-vibrate doon. Probably Pippay. She must be freaking out right now–

Nik: Hi, good morning Philippa! 😊

“The fuck? Sino ‘tong Nik na ‘to?”

May panibagong text na dumating mula kay Nik. Balak ko na sanang basahin nung biglang magring ang cellphone ni Pippay.

“Sino si Nik?” bungad na tanong ko kagad kay Pippay pagkasagot ko sa tawag nya.

“Ha?”

“Nagtext sayo si Nik good morning daw!”

“Ah. Teka nga! Wag mo ngang basahin ‘yung mga text dyan sa phone ko! Tsaka bakit tayo nagkapalit ulit?! Shems! What’s happening?!”

“Hindi ko rin alam, okay? Sino kako ‘tong Nik na ‘to?”

“Bakit ba mas pinoproblema mo pa ‘yan? Hindi ka man lang ba maiinis at nagkapalit ulit tayo?”

“Ewan! Bahala ka nga!”

Sa inis ko kay Pippay ay binabaan ko sya ng telepono.

“Pippa!!”

Napairap ako sa hangin nung marinig ko ang sigaw ng ate ni Pippay.

“Tsk. Pababa na!” sigaw ko pabalik bago padabog na bumangon at lumabas ng kwarto.

“Kaaga-aga nakasimangot ka. Wala ka bang balak pumasok, ha?” sabi kagad ng nanay ni Pippay nung makababa ako.

“Di ako papasok. Tinatamad ako.”

“Aba, aba. Ngayon ka lang yata tinamad pumasok. Anong trip mo? Nagrerebelde ka ba?” sabi ng ate nya pero hindi na ako sumagot.

Pagtapos kong kumain ng agahan ay bumalik na kagad ako sa kwarto at pikit matang nagpalit ng damit. Habang nagpapalit ako ay tunog ng tunog ang cellphone ni Pippay. Kanina pa sya tawag ng tawag at dahil badtrip ako ngayon bahala sya sa buhay nya.

“Pippa!”

Napairap ako sa hangin nung marinig ko na naman ang tawag ng ate nya. Nawawala ba yon at parati akong tinatawag?

“What?!” sigaw ko. Hindi ko na binuksan yung pinto dahil tinatamad ako.

“May poging naghahanap sayo!”

Pogi? Wtf. Wag mong sabihing yung Nik yon?!

Mabilis kong tinapos ang pagbibihis ko at lumabas na ng kwarto.

“Hanep! Nakarinig lang ng pogi ang bilis kagad na lalabas.”

Narinig ko pang sabi ni Ate Coleen pero hindi ko na sya pinansin pa at dumiretso na sa baba.

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon