CHAPTER 6: PHILIPPA

1.3K 105 8
                                    

PHILIPPA’s POV

Mabilis na pinaharurot ni Van ang motor ni papa palayo sa school. Huminto kami sa isang park na walang tao.

“Bitaw!” Singhal nya pagkahinto ng motor kaya bumitaw naman kagad ako. Bumaba na sya at tinanggal ang helmet sa ulo nya, “Pesteng buhok! Sarap putulin!”

Nanlaki ang mata ko. Not my hair!

“Subukan mo lang galawin ang buhok ko! Ipapakalbo ko ‘tong buhok mo!” Sabi ko at tiningnan naman nya ako ng masama.

“Subukan mo lang at tatamaan ka sakin.” Banta nya. Sa inis ko ay padabog akong bumaba ng motor at naupo sa malapit na bench. Nakanguso akong nangalumbaba. Nakakainis! Nao ba talaga ang nangyayari sa amin at bakit kami biglang nagkapalit ng katawan ni Van?

“Hoy, Pippay! Umayos ka nga! Binababoy mo ang katawan ko! Wag kang ngumuso dyan dahil nagmumukha akong bakla!”

Mas lalong nanghaba ang nguso ko sa sigaw nya.

“Tangna! Nang-iinis ka bang babae ka?! Padudugoin ko ‘yang nguso mo!”

“Padugoin mo! Nguso mo naman ‘to!”

“Anak ng—”

“Sandali nga! Sa halip na mag-away tayo ay mag-isip na lang tayo ng paraan kung paano makakabalik sa katawan natin, pwede?” Natahimik sya sa sinabi ko at naupo sa bench sa tabi ko.

“Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit tayo nagkapalit ng katawan?” Tanong ko.

“Malay ko! Tangna! Wag ako ang tanongin mo!”

Hinarap ko sya at tinampal-tampal ang bibig nya which is ang bibig ko.

“Fuck! Ano bang problema mo?!” Sigaw nya at tinabig ang kamay ko.

“Pwede ba huwag kang nagmumura! Katawan at bibig ko ‘yang gamit mo sa pagmumura. Never akong nagmura buong buhay ko tapos ikaw hindi ko na mabilang ang murang lumabas dyan sa bibig mo which is bibig ko!”

“Paki ko?” Ang tumataginting na sagot nya. Kainis! Sa oras na makabalik ako sa katawan ko ay magma-mouthwash talaga ako gamit ang holy water.

I sighed.

Pilit kong inisip kung ano ba ang mga ginawa ko bago ako matulog kagabi pero normal na gawain ko lang naman ang mga naiisip ko. Biglang pumasok sa isip ko ang matandang nakausap ko kahapon. Bukod sa kanya ay wala naman na akong ibang nakausap pa na kakaiba.

“Sinisigurado kong magbabago ang iyong buhay kinabukasan pagkagising mo..”

Nanlaki ang mata ko nang biglang nag-echo sa isip ko ang mga binitawan nyang salita sakin bago sya nawala sa harap ko.

“Sinisigurado kong magbabago ang iyong buhay kinabukasan pagkagising mo..”

Ito ba ang ibig nyang sabihin sa magbabago ang buhay ko kinabukasan paggising ko?

“That damn old hag..” Napalingon ako sa bulong ni Van. Nakasandal sya sa bench habang nakapikit ang mga mata nya at nakahalukipkip.

“Anong sabi mo?”

Ang weird pa rin na makita at makausap ang sarili ko mismo sa harap ko.

“Mukhang ang matandang hukluban na ‘yon ang may gawa nito.”

Nanlaki ang mata ko, “Nakausap mo rin sya?” Gulat na tanong ko. Napadilat naman bigla si Vam at gulat rin na napatingin sakin.

“Ikaw din?”

Tumango ako.

“Damn! Makita ko lang talaga ang matandang ‘yon makokonyatan ko sya!”

“Ano sinabi nya sa ‘yo?”

“Hindi ko na matandaan! Letse! Baliw na ang matandang ‘yon!”

“Pwes, alalahanin mo!”

“Tsk!” Kumunot ang noo nya at mukhang pilit na inaalala ang sinabi ng matanda sa kanya, “Ang sabi nya ay sinusumpa nya raw ako at malilipat daw ang kaluluwa ko sa huling taong inapi ko. The fuck is that?”

“That’s it!” Napapitik pa ako sa hangin. Kunot noo naman nya akong tiningnan, “Ibig sabihin totoo ang sumpang sinabi sayo ng matanda. Nalipat ang kaluluwa mo sa huling taong inapi mo at iyon ay...katawan ko? Eh? Bakit sa akin? Did you bully me yesterday?”

Kahit na sya ang number one bully sa school ay never pa nya akong na-bully. Kadalasan ay mga kaklase ko lang naman at ibang taong walang magawa sa buhay ang nangbubully sakin. Sa pagkakaalam ko kasi ay bully si Van pero iyon ay sa mga taong naagrabyado sya. ‘Yung tipong masanggi mo lang sya o humarang ka lang sa daanan nya ay bu-bully-hin ka na nya. Never naman akong humarang sa daanan nya at ilag talaga ako sa kanya. Tama na ‘yung mga kaklase ko ang nangbubully sakin baka kapag dumagdag pa sya ay baka maisipan ko na lang mag-drop out sa school.

“I didn't.” Sagot nya.

“Kung ganon sino ang huli mong na-bully kahapon bago mo na-meet ‘yung matanda?”

“The fucking dude who stepped on my shoe! Langya! Nababadtrip talaga ko kapag naaalala ko!”

Humalukipkip ulit sya at nagdekwatro ng panlalaki kaya pasimple kong binaba ang hita nya. Shems! Ang iksi pa naman ng shorts na suot nya! Buti na lang ay walang tao dito sa park.

“Anong ginawa mo sa kanya?”

“Pinaliguan ko ng orange juice tapos pinalayas ko rin.”

“Tapos?”

“Anong tapos?”

“Wala ka na talaga ibang na-bully mo?"

“Wala na! Anak ng! Umuwi na rin ako noon dahil sa sobrang pagka-badtrip sa unggoy na ‘yon! Tapos letse, may babaeng tanga pa ang sumubsob sa daanan kahapon nung paalis na ako kaya mas lalo akong nabadtrip!”

Nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi ni Vander. Naalala ko na! Binanggit nga pala ng mga mean girls na tumulak sakin ang pangalang ni Van. Sya nga pala ang nagmamaneho ng motor na muntik nang sumagasa sa akin kahapon! Oh my God!

“Pesteng babae ‘yon. Nuknukan sa kalampahan at katangahan!”

I gulped.

“A-Ako ‘yon.” Pikit matang sabi ko. Natatakot ako sa kanya. Feeling ko kaya nya akong sapakin kahit ba nasa katawan nya ako.

“What?!” Galit na sigaw nya kaya mas lalo akong napapikit sa takot.

“A-Ako ‘yung lampang babaeng sumubsob sa daanan mo kahapon.”

“Anak ng!” Narinig ko ang malakas na pagbuga nya ng hangin. Dinilat ko na ang mata ko at sinilip sya. Halatang pinapakalma nya ang kanyang sarili kaya nanatili naman akong nakatungo.

Now that explain what's happening right now kung bakit kami nagkapalit ng katawan. Pero bakit ako nadamay? Ang sabi pa ni Lola ay babayaran nya raw ang kabutihang pinakita ko sa kanya.. Ito na ba ‘yong bayad na sinasabi nya? Pero parusa ‘to eh! Mukhang nagoyo ako ni Lola!

“Let’s go.” Tumayo bigla si Van.

“Ha?”

“Tumayo ka na dyan at hahanapin natin ang matandang ‘yon!”

***LOVING THIS STORY? THEN PLEASE VOTE AND COMMENT! 😚

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon