CHAPTER 2: PHILIPPA

1.5K 86 1
                                    

PHILIPPA's POV


Ramdam ko ang mga mapanuring matang nakatingin sakin habang naglalakad ako sa hallway. Nanatili lang nakayuko ang aking ulo dahil sa sobrang hiya.


"Tsk, tsk, such a loser."


"Akalain mong may nerd pa pala sa panahon ngayon."


"Ew, why did she even exist?"


Hindi ko pinansin ang mga bulungang naririnig ko. Sanay naman na ako sa sinasabi nila. Masakit pero tinitiis ko. Mas maganda na kasing wag na lang sila patulan para hindi na lumaki pa ang gulo.


Nagulat na lang ako nang may malakas na tumulak sakin nung naglalakad na ako palabas ng gate. Narinig ko ang malakas na tawanan nila nang sumubsob ako sa daanan.


"Oops, sorry. My bad." Sarcastic na sabi ng babaeng tumulak sakin pero hindi ko iyon pinansin dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa papalapit na motor. Narinig ko ang malakas na tunog ng pagkakapreno sa motor at halos sumabog ang puso ko sa sobrang takot. Napayuko ako at ramdam ko ang panginginig na aking katawan.


"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay doon ka sa highway! Maraming truck doon! Tangina, dudumihan mo pa 'tong motor ko! Walang kwenta!" 


Narinig kong sigaw nung lalaking nagmamaneho ng motor pero hindi ko sya tiningnan. Gusto ko syang sigawan at sampalin pero hindi ko makontrol ang panginginig ng katawan ko. Idagdag pa ang mahihinang tawa ng mga tao sa paligid dahil sa sinapit ko.


"Sa susunod na bumulagta ka pa sa dinadaanan ko tutuluyan na talaga kita!" Iyon na lang ang narinig kong huling sinabi nung lalaki bago nya paharurotin ang kanyang motor paalis.


"Tsk, sayang! Dapat pinagulungan ka na lang ni Vander ng motor nya para masaya." Nagtawanan na naman sila dahil sa sinabi ng babaeng tumulak sakin.


"Let's go, girls. Baka mamaya ay mahawa pa tayo sa pagiging loser nya."


Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala na sila. Tumayo ako at pinulot ang mga gamit kong nagkalat. Pinagpagan ko rin ang damit ko at napangiwi ako dahil sa hapdi ng tuhod ko. Tiningnan ko ito at nakita ang malaking gasgas sa kanang tuhod ko. 


Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Ayokong makita nila akong umiiyak dahil mas lalo lang akong magmumukhang katawa-tawa sa paningin nila.


Tiniis ko ang saki ng tuhod ko hanggang sa makalayo na ako sa school at doon ko lang nilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naubo ako sa gilid ng kalsada at pinunasan ang sugat kong dumudugo gamit ang panyo ko.


Alam kong parang bata akong umiiyak pero wala akong pakialam. As long as walang nakakakita sakin ay ayos lang.


"Nakakainis.." Bulong ko habang humihikbi, "Bakit ba kasi napakamalas ko? Bakit ba kaso ang duwag-duwag ko at ang lampa ko?"

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon