"I just want to forget about it even just for a night, Xy..." Selena reasoned out.

Tinignan ko ang reaksyon ni Deia na pinipigilan nalang ang inis at pag-aalburoto. Napailing nalang ako at hinawakan ng marahan ang braso ni Selena.

"Alam niya na ba na buntis ka?" I softly asked.

Napatigil ito sa tanong ko at ilang sandali lang ay unti-unti itong umiling. "H-Hindi..." nauutal na sagot nito.

"Eh bakit ayaw mo pang sabihin?" angal ni Deia pagkarinig na pagkarinig sa sagot ni Selena. "Huwag mo sabihing ayaw mong ipaalam dahil ayaw mong masira ang buhay nang lalaking 'yon dahil hindi ito ang oras para magpaka-martyr ka. Kailangan ng magiging anak mo ng isang amang mag-aaruga at magmamahal sa kaniya. Kung hindi niya man tanggap na buntis ka, he should atleast support his child dahil hindi mo 'yan kaya ng mag-isa." dire-diretsong sabi ni Deia.

"Hindi naman 'yon ang dahilan eh..." sabi naman ni Selena. "If I were to decide, baka nga sinabi ko na sa kaniya agad."

"Eh kung ganon, ano?" tanong naman ni Deia.

Napabuntong hininga naman si Selena. "Hindi ko alam kung paano ko siya mahahanap..."

"Ha?!" napatayo si Deia sa kaniyang kinauupuan. "Paanong hindi mo mahanap? Ano yun? Nasense niya na agad na nakabuntis siya at nagtago na?"

Umiling-iling naman agad si Selena. "Hindi! Hindi!" sabi ni Selena. "Pumunta ako sa condo kung saan namin ginawa 'yon pero ang tinanong ako kung ano ang pangalan ng bibisitahin ko. I don't even know his name! I tried to wait for him for almost a whole day yesterday but I didn't see him. Maaga rin akong pumunta doon kaninang umaga dahil baka maaga siyang umaalis pero inabot na ako ng tanghali doon at wala pa rin siya. I don't think that he always live there in his condo. Baka may bahay siya or another unit... Hindi ko alam kung paano siya hahanapin."

Selena can't live on her own now. She needs someone that will take care of her. Hindi namin alam na baka mamaya kung mag-isa siya, kailangan niya pala kami. It's more convenient if she will live with me since I have a spare room.

"Dito ka nalang tumira sa akin, Selena." I decided. "We will get your things from your apartment tomorrow. Dito ka na muna hangga't buntis ka."

"Huh?" wala sa sariling sabi ni Selena saka umiling. "Huwag na! Kaya ko pa naman mag-isa. Saka nalang kapag malapit na akong manganak. Ayokong makaabala."

"Kaibigan kita Selena. And I know that you need me... kami ni Dei. Kailangan mo kaming dalawa ngayon." I said. "Mas ikapapanatag ng loob ko na dito ka na tumira sa akin kaysa mag-isa ka lang doon sa apartment mo."

"Xy's right, Sels." pagsang-ayon naman ni Deia. "Madalas na rin akong makikitulog dito para kaming dalawa na ang magbabantay sa'yo. Kahit sabihin mong kakasimula palang nang pagbubuntis mo ay kailangan paring magdoble ingat ka. Kung pwede nga lang ay kukuhaan ka na ni Xy ng private nurse eh." sabi nito at agad napakunot ang noo ni Selena.

"Bakit si Xy ang kukuha ng private nurse para sa akin?" nagtatakang tanong nito.

"Oo nga. Ikaw ang nagsuggest eh." pagsabat ko.

"Syempre wala akong pambayad sa private nurse kaya si Xy nalang." she chuckled at lahat na kami ay natawa.

I'm really blessed to have bestfriends like the two of them. Kahit wala na akong pamilya basta nandiyan si Selena at Deia ay okay na ako.

"Labas lang ako ah?" I mouthed at Selena while she's talking to her ob.

She smiled and nodded at me.

Lumabas naman ako sa clinic at saka nilabas ang aking cellphone upang itext si Kiel na hindi kami tuloy umalis ngayon dahil sasamahan ko pa si Selena sa kaniyang apartment upang kunin ang mga gamit niya na kailangan nang dalin sa aking condo.

To: Dr. Kiel

Kiel, I'm sorry. I can't go out with you today. I'll help my friend pack her things dahil sa unit ko siya titira for a long time. Maybe next time.

Ibinalik ko naman ang aking cellphone sa bag at hindi na hinintay ang reply ni Kiel.

"Xylia?" I heard a familiar voice called but not using the nickname he gave me.

Nilingon ko naman si Brendt na ngayon ko nalang ulit nakita matapos ang anim na araw. He's eyes are looking at me before it went up to the sign of the clinic.

"S-Sir..." nauutal kong sabi dahil sa sobrang kaba.

Kumunot naman ang kaniyang noo. "You're that fast, huh?" he said, amazed and sarcastic.

Napakunot din naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinasabi.

What the hell is he talking about?

"I'm only gone for a few days tapos buntis ka na?" natatawang sabi nito. "And you even have the guts to tell me that you like me? Are you playing with me, huh, Cindy?" he asked with sarcasm and even chuckled.

"I'm sorry but I think you've mistaken me for someone that I'm not." sabi ko at pinipigilan ko ang sarili kong sampalin siya kahit na nanginginig na ang aking kamay.

"Oh really?" he became serious now.

Kita ko ang pagdilim ng kaniyang mga mata habang pirming nakatingin sa akin.

"Isa pa sa mga ayaw ko? I hate liars. Telling me that they like me when the truth is they like someone else." sabi niya. "If you like my best friend then stick up to him. Huwag mo na akong isali sa laro mo. I already played that game for years and I'm already done with it. Spare me from being played at. Para naman magkaroon pa ako ng kahit kaunting respeto sa'yo."

I don't know why his words affect me so much. Kahit na wala naman akong ginagawang mali ay feeling ko mali pa rin ako.

"I really hate girls like you." he stated.

I was about to defend myself and give him a piece of me without thinking that he's my boss when the clinic's door opened up.

"Xy, binigyan ako ni doktora ng mga vitamins para kay baby." masayang sabi ni Selena nang harapin ako na hindi pa ata napapansin ang presensya ni Brendt sa harap namin. "I'm so excited na makalabas na ang baby ko. I have a feeling na magiging healthy and good baby siya." sabi niya't tinapik pa ang kaniyang tiyan na hindi pa naman halatang buntis siya.

Napakunot ang kaniyang noo nang mapansing hindi ko siya pinapansin. I eyed her to the man in front of us.

Unti-unti naman siyang lumingon at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang nasa aming harapan.

"Is that... Brendt?" she whispered, asking me.

"He doesn't matter anymore." sabi ko nalang at saka siya hinarap nang nakangiti. "Tara na! Let's go and get your things sa apartment ko."

Hindi ko na ulit nilingon muli si Brendt at marahang hinila na si Selena paalis doon.

I am so done with him. Ayoko na talaga!

Make Him Move On In 50 Days [#Wattys2017 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon