Chapter 6

205K 5.4K 1K
                                    

Chapter 6
Meant

"Hello, Sir! Good morning!" maligayang pagbati ko kay Brendt nang pumasok ako sa loob ng kaniyang opisina.

His secretary surprisingly let me in without any appointments needed. Siguro'y hindi siya busy ngayon at magbababad lang sa kaniyang opisina.

Nakakunot-noo naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. He raised his eyebrows when he saw me.

"I don't recall calling for you to come hear inside my office." mataman niyang sabi.

Inangat ko naman ang dala-dala kong paper bag saka inilabas ang lunch box na nakalagay dito. I cooked breakfast for him earlier. Maaga akong gumising para maipagluto ko lang siya ng umagahan. Hindi ako papayag na hindi niya 'to kakainin.

"I made you some breakfast!" sabi ko at nilagay sa coffee table ang lunch box pati na rin ang tumbler na mayroong malamig tubig.

Hindi ko ang kaniyang pagkain at pinunasan rin ng tissue ang mga kubyertos na dala ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

His forehead is still creased. Mukhang wala siyang balak tumayo sa kaniyang kinauupuan para kainin na ang dinala kong breakfast para sa kaniya.

"Baka lumamig 'to. Mas masarap kumain kapag mainit ang pagkain." sabi ko naman siya at iwinagayway pa ang hawak kong tinidor.

"Just leave it there. I'll eat it later. I'm busy." sabi niya naman at binaba ang tingin sa mga papel na hawak.

"Lalamig 'to, Brendt." giit ko at hindi ko na ginawang pormal ang pagtawag ko sa kaniya.

I want him to realize that I'm not doing this because I'm his employee, but because I want to him to see me as a girl that can be his friend or... perhaps, his lover.

"Halika na dito." muli kong pag-aya sa kaniya nang muli siyang mag-angat ng tingin sa akin. Tinapik ko pa ang space sa tabi ko upang ituro kung saan ko siya gustong maupo. "Kumain ka na..." malambing kong pagpilit sa kaniya.

I let out a deep sigh before he stood up from his swivel chair. He loosened his necktie as he walked towards me.

I can see in his eyes that there are a lot of questions that he wants to ask me or maybe... he just wants to scold me because it's still office hours and I'm here, not doing my work.

"Eat, first. Questions, later." I stated as I handed him the spoon and fork.

Tinignan niya lang ako ng matagal at nang mapagtantong seryoso ako sa aking sinabi ay nagsimula na rin siyang kumain.

Pinanood ko kung paano niya kainin ang luto ko nang walang karekla-reklamo at naramdaman ko ang pag-init nang puso ko habang pinapanood siya.

I'm actually confident with my cooking skills because I always cook for myself and for my friends, but still... kapag may ibang tao nang kakain ng luto ko ay hindi ako ganoon kapanatag.

"You're not going to eat?" tanong niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin at nakitang hindi pa ako kumakain.

Umiling ako at ngumiti. "Niluto ko talaga 'yan para sa'yo. And I already ate my breakfast before I left my unit."

"Next time, huwag mo na akong ipagdala ng breakfast." he coldly said before he continued to eat his breakfast.

He didn't take back what he said and finished his food. Of course, I'm still going to bring him breakfast if that's what it takes to win him and get the deal done.

Make Him Move On In 50 Days [#Wattys2017 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon