3: The start.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Naitapon mo kamo" Ck.

"O kaya na-mis place" Lourie.

Nangangatog na ako dahil sa sobrang kaba. Paking tape talaga! Bakit nangyayari sa 'kin ang mga bagay na 'to?

"Where's your assignment?" Lumapit pa sya sa 'kin, inikutan ako habang tinitignan 'yung papel ko.

"Na-iwan nya Sir." Sabi ni Green.

"Opo, hehehe!" Sagot naman ni Ck at Lourie.

"Oh, really?" Sarkastikong banat naman ni Sir. Montenegro.

Hindi na ako nakapagsalita, nilalamon ako ng kaba ko. Grabe talaga! Yung pakiramdam na parang nasa death chair ka, parang gano'n 'yung pakiramdam. Shet ka talaga Storm! Humanda ka sa 'kin 'pag nakita kita! Huhu.

"Ms. Forbes, do you still remember my house rules?"

"Ye—yes Sir." Pati 'yung boses ko nanginginig na.

"What's the number two? Forgive my ignorance, I just forget the number two" He said sarcastically.

"Copying is strictly prohibited." Napayuko ako habang binabanggit ko ang mga salitang 'yon.

"Great!" Ang sarcastic talaga! Nakakainis!

"So, Ms. Forbes, get your bag now, go out and see me in the faculty"

"Pero Sir..."

"Get out!"

Bull sheep!

So ayun nga, kinuha ko 'yung bag ko saka ako umexit. Naiinis talaga ako! Naiinis ako kay Storm, naiinis ako kay Sir. Montenegro, at naiinis ako kay Storm! Letse!

Bwisit na bwisit akong naglalakad sa corridor ng may isa pang bwisit na balak pa yatang bwisitin ako. Kainis talaga!

"Hi!" Hinarang nya pa ako saka bumati.

"Hi" Sagot ko naman sabay iwas sa kanya. For sure, aasarin nanaman nya ako.

"Ui!" Pinipindot pindot nya 'yung tagiliran ko habang sinusundan ako sa paglalakad.

"Ui!"

"Ano?! Ui ka ng ui d'yan!"

"Ang sungit mo kasi eh" Natatawang sabi nya pa.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon