Chapter 4

57 3 0
                                    

Days have past simula nung dinala ako ni Clyde sa amusement park at nagkahiwalay kami ng landas at pagkatapos nun nakita ako Matt. But after that ilang days ko na ring nakikita si Matt na hindi mapakali at laging hawak ang cellphone niya. I don't know what happened but after someone called him naging ganun na siya. Ganito kasi yun....

*flashback*

Pauwi na kami galing sa amusement park at nasa taxi na kami na kami ngayon. Tahimik lang kami at walang nagsasalita ng may biglang tumunog na cellphone. Napatingin ako kung kanino yun kay Matt pala kaya binalik ko nalang ang attention ko sa bintana at tinitingnan ang view sa labas.

"Hello?" rinig kong sagot niya sa tawag.  

"Sorry po Lola...."  

"May inasikaso lang po...."  

"Sorry babawi po ako lola wag na po kayong magtampo..."  

"Po? Nandyan pa sila?"  

Someone screamed on the other line so that caught my attention at napatingin ako kay Matt na medyo nilayo yung phone sa tenga niya.

"Aw! Ella naman." 

"Sorry guys. May inasikaso pa kasi ako." 

"Pati ba naman kayo magtatampo sakin?" 

"Sorry na." 

"Hello?... Hello?... Oh freak." sabi niya tapos stress na sinandal yung likod niya sa backseat. Bigla atang naputol ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya habang tinatap ng right hand niya yung noo niya.

*reality*

He looks so depressed after that call. Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila pero feel ko ang bigat nung impact nun sa kanya. Kaya kahit ako hindi niya medyo kinakausap. Argh. Naiinis ako pag ganito siya. Kaya naisip kong PAPUNTAHIN DITO ANG MGA FRIENDS AT LOLA NIYA. Yehey! Nang sa ganun bumalik na sa sarili si Matt. Actually, secret lang to. Hindi niya alam na pupunta sila dito. Pinatrace ko kasi kung sino yung tumawag sa kanya kaya alam kong mga friends at lola niya yung nakausap niya. Hindi ko pa sila kilala pero mamaya dadating na sila dito.

Tumayo na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto papuntang kitchen. Gagawa ako ng tiramisu for my guests later. Oh, excited na ko. 

Nagpreprepare na ako ng mga ingredients nang pumasok si Laura. One of the maids.

"Good morning po Ma'am."

"Good morning." I replied to her with a beautiful smile. Bah.. Good mood ako ngayon e.

"Tulungan ko na po kayo."

"Hindi, okay lang. Ako na. Kaya ko na to." sabi ko tapos nagmimix na ako ng mga ingredients. Naku, sana magustuhan nila to. Hihihi excited na talaga ako.

"Ano po ba yan ma'am?" curious na tanong niya sakin.

"Tiramisu. Ahm, Laura Cindy nalang okay? Feeling ko ang tanda ko na kapag tinatawag akong ma'am."

"Hahaha. Hindi naman po. Grabe pero sige Cindy nalang po itatawag ko sayo." after that nagtawanan lang kami. Ang sarap din pala sa feeling yung makausap ang ibang maids dito. Lagi lang din kasi ako kwarto at minsan lang lumabas. Well, you know.

Ayan tapos ko na ang special tiramisu ko.

"Wow! Mukhang masarap Cindy." napatawa ako sa pagtawag niya saking Cindy. Parang nag aalangan pa kasi siya.

"Naku, sorry hindi kita mapapatikim. Para kasi to sa guest ko mamaya. Sorry talaga Lau." nakakahiya mang hindi siya bigyan pero kasi special to. Gusto ko una munang tumikim ang lola ni Matt. Ewan feel ko lang.

Wedding DressNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ