Chapter 2

82 4 0
                                    

Author's Note: Cindy & Matt on the picture. Enjoy reading :)

Lumabas na ako ng office ni papa. Pakiramdam ko may something na bumabara sa kalamnan ko. Paano ba naman kasi si papa basta basta nalang nagdedesisyon. Hindi ako informed sa mga pangyayari. Haayy..

Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa kwarto ko.

"Wow! At home na at home ah." sabi ko nung makita ko si Matt na sarap na sarap sa paghiga sa kama ko.

Hindi siya sumagot tapos tinalikuran lang ako. Aba ang lakas ng loob nitong talikuran ang amo niya ah. Hmmp! Bahala ka nga.

Pumasok na ako sa banyo at nagpalit na ulit ng pj's ko tapos nung paglabas ko ulit nakahiga pa rin siya.

"Hoy Matt! Umalis ka na nga dyan."

"Hmmm.." sabi niya. Augh!  Hinawakan niya yung unan tapos tinakip niya sa mukha niya.

"Dun ka na sa kwarto mo. Please lang. Alis na! Alis na!" shinake ko yung katawan niya tapos tinulak ko palayo.

Grabe. Mabigat po siya.

Tinanggal niya na yung unan sa mukha niya tapos tumingin sakin ng nakakunot ang noo.

"Nasa dreamland na ako e. Cindy naman.'' sabi niya tapos tinalikuran na naman ako. I can't believe he's doing that to me.

"Alam mo kung inaantok ka na edi sana dun ka na sa kwarto mo natulog hindi dito.'' maya maya ay tumayo na siya tapos bitbit pa din yung unan ko. "Hey! Unan ko yan.''

''Oh.'' hinagis niya sakin yun. Argh! Nakakainis tong lalaking to. "Bakit kasi ang tagal niyo?''

''Bakit mo tinatanong?''

''Ang tagal niyo e. Nakatulog nalang tuloy ako dito kaaantay.''

"Edi dapat pumunta ka dun para alam mo.''

''Hindi ako allowed pumasok. Si Sir Choi nga lumabas din e.''

Oo nga pala. Si Butler Choi pinalabas din ni papa kanina. Ewan ko ba. Yung plan lang naman sa kasal yung pinag usapan nila. Hindi talaga ako interisado sa kasal na yun. Wala naman akong magawa kaya oo nalang ako ng oo.

''Ano ba kasi pinag usapan niyo?''

''Kasal.'' 

''Sino ikakasal?''

''Baka si papa.''

Biglang nawala yung antok na aura tapos parang nabuhayan siya sa narinig niya.

''Talaga? Ikakasal si Sir Clero?'' nanlalaki ang mga mata niyang tanong sakin. Aiiiisshh.. Ngayon ko lang nalaman na slow siya. Tiningnan ko lang siya ng masama. ''Oh bakit ka ganyan makatingin?''

''Pwede ba Matt, hindi ikakasal si papa. Okay?'' nagroll eyes lang ako sa kanya.

''Eh? Sinong ikakasal?'' sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Ako. Okay? Ako ang ikakasal hindi si papa." napanga-nga lang siya sa sinabi ko tapos nag roll eyes lang ako sa kanya at tumalikod. Kung si papa ang ikakasal siguro mas okay sakin yun. Hindi ako tututol, dun siya masaya eh. Pero iba eh.. Ako yung ikakasal. Ako! Hindi ko nga alam kung mahal ko ba yung Clyde na yun. Basta lang siyang ipinakilala sakin ni papa bilang fiance ko. T_T

"Ganun. Sige, good night Miss Cindy." sabi niya tapos narinig ko nalang na nagbukas at nagsara ang pinto. 

Wedding DressWhere stories live. Discover now