POEM 28

40 0 0
                                    



Poem 28


"Binibini"

Isang pigura ng obra maestra
Dilag na napakaganda
Kilos na napakamalumanay
Katulod ng kanyang buhok na nakalugay
Suot niya'y baro't saya
Sa kaniyang simpleng mga salita
Siya'y nakapagdadala ng saya
Binihag ang puso ng isang maginoong ginoo
Dahil sa kaniyang busilak na puso
Binibining hinaharana
Inaalayan ng naggagandahang mga tula
Ngunit sa paglipas ng panahon
Kultura'y sa limot unti-unting nababaon
Ang iba'y nakakaranas ng pang-aabuso
Tinatapakan pati ang pagkatao
Bakit, ang tingin ng iba'y hindi namin kaya?
Kailan kami maging tunay na malaya?
Kahit anong klaseng babae ka man
Hinihingi nami'y konting respeto naman
Maari nga na kami'y tignan niyo na mahina
Ngunit hindi niyo pa kami ganoon kakilala
Kung wala kaming mga binibini na masyadong inaabuso niyo
Walang binibining bubuo sa bawat pagkatao niyo



SpokenDär berättelser lever. Upptäck nu