Malakas na napatawa si Vin sa mga sinabi niya. "Damn! You are so hot when you're being possesive. I love you too, Erin."




Pagkatapos sabihin nun ay hinalikan na siya ni Vin sa labi.


-----------



Kanina pa nakatanga ang buong barkada sa magkahugpong kamay nila ni Vin. Pinatext kasi niya si Vin sa barkada na magkita sila sa restaurant ni Jeremiah na official tambayan nila.




Nahuli sila ng dating ni Vin dahil dumaan muna sila sa bakeshop para bumili ng cake. Pagkarating nila sa loob ng private room sa restaurant ni Jeremiah, naabutan nilang masayang nagtatawanan ang mga ito hanggang sa matigil iyon nang bumaling ang mga ito sakanila.




Unang nakabawi si Mitch. "Ah, ibig bang sabihin ng holding hands while standing ninyo ay kayo na?"




Itinaas ni Vin ang magkahugpong kamay nila at hinalikan ang likod ng palad niya. "Yes, finally. Nabihag ko na rin ang puso ni Erin." sagot ni Vin habang nakatingin sakanya.




Malakas na umubo si Mico para makuha nito ang atensyon nila. "Medyo corny pare, pero ganyang talaga ang inlove. Congratulations!!!" sabay sigaw nito.




Isa-isa namang tumayo ang mga ito. Binati siya ng mga babae habang ang mga lalaki naman ay kinakantiyawan si Vin.




"Sa wakas! You finally admit it to yourself." sabi ni Adie.




"Medyo matagal, pero masaya ako na naamin ko narin." nahihiyang sabi niya.




Iyon ang sabi ng mga kaibigan niya. Na matagal niya na raw mahal si Vin at nabubulagan lang siya sa pagkakaibigan nila. Malay ba niyang totoo pala? Hindi naman niya aakalaing maaamin niya sa sarili na mahal niya nga si Vin.




"So, kailan ang kasal?" nakangising tanong ni Ellaine.




"Matagal pa, ano. Kakasagot ko pa nga lang kay Vin." sagot niya sa kaibigan.


Niyakap siya ni Colyn. "We're happy for you, Erin."



Nginitian niya ang mga kaibigan at nagpasalamat. Malaki ang naging tulong nila para ma-realize niya ang totoong nararamdaman para kay Vin.


Masaya rin siyang binati ng mga lalaki at sabay-sabay silang nag-lunch. Masaya silang nagtatawanan lalo na nung nag-asaran sila Jeremiah at Mico.



"Hindi pare, mas gwapo ako sa'yo!" sabi ni Mico. "Hindi ba, sweetie?"

Natatawa namang hinalikan ni Ellaine si Mico sa labi. "Oo naman. Ikaw ang pinakagwapong magsasaka na nakilala ko."



Mas lalong napatawa si Jeremiah. "Hanggang magsasaka lang ang kagwapuhan mo! Mas gwapo ako sa'yo, pare. Tanggapin mo na."



"At bakit?" mataray na tanong ni Mico.



"Kasi magkakaanak ulit ako." proud na deklara ni Jeremiah.



Napatigil silang lahat sa pagkain at nabaling ang atensyon nila sa mag-asawang Santillan.



"Buntis ka?" bulalas niya sabay tingin kay Colyn.



"Kailan pa?" sunod na tanong ni Ellaine.


"Pucha pare! Naka-shoot ka nanaman?!" sigaw ni Mico sabay palo sa balikat ni Jeremiah.



"Three weeks na akong buntis. Si Je kasi, ayaw akong tigilan." sabi ni Colyn.



"Wow! Naunahan niyo pa kami. Tina-try rin naming makabuo ulit eh." sabi ni Mitch.



"Tayo, love? Kailan tayo ulit bubuo?" narinig niyang bulong ni Marco kay Adie.


Napatawa nalang siya. Masaya siya sa mga kaibigan. Nakikita naman niyang masasaya ito sa kani-kanilang pamilya. Kung tutuusin, dapat narin siyang magkapamilya pero ayaw naman niyang madaliin. Darating din siya diyan.


----------

Katatapos lang ng lunch date nila kasama ang barkada nang maisipan na nilang magsiuwi na. Pabalik na siya sa café dahil ayaw niya pang umuwi, tsaka kawawa naman ang kaisa-isang business niya kung hindi niya pa matutukan.



"Erin.."


"Oh?" tanong niya habang naglalaro sa phone ni Vin ng piano tiles. Naisipan niya na i-download din ito pagkauwi niya.



"Sa bahay tayo mag-dinner ah?"


Napalingon siya kay Vin sandali tapos ay napamura siya nang ma-tap niya ang white tile. Natalo tuloy siya nasa five hundred narin ang score niya.



"Ano ulit iyon?" tanong niya ulit.


"Sabi ko sa bahay tayo mag-dinner mamaya."



"Bakit?"



"Gusto kong ipakilala ang girlfriend ko sa pamilya ko." sabi nito tapos ay hinawakan ang kamay niya ng mahigpit.



Kinagat niya ang labi para pigilang mapasigaw. Grabe na talaga ang kilig niya sa mga ginagawa ni Vin. Hindi na niya kaya. Sabi nga ng barkada nila, kulang nalang raw ay langgam sa sobrang sweet nilang dalawa.



"Sige, namimiss ko narin sila Tito't tita pati na si Vai."



Napailing si Vin. "Nakikinita ko na ang mangyayari mamayang gabi."



Natawa naman siya. "Bakit?"



"Alam mo namang inlove sa'yo ang kapatid kong iyon."



Mas lalong napalakas ang tawa niya. "Strict ka kasi sa kapatid mo." pisil niya sa pisngi ni Vin.


Hindi na ito nakasagot pa dahil narating na nila ang café niya. Bumaba na siya ng kotse nito. Dinungaw niya si Vin sa loob ng kotse.


"Susunduin mo ba ako, o ako nalang pupunta sa bahay niyo?" tanong niya.



Napasimangot naman si Vin. "Ano ka ba? Of course I'll pick you up. Silly. I'll be here at exactly six-thirty. Dadaan lang talaga ako sa opisina saglit."



Hinalikan niya si Vin sa labi. "Ayos lang, ano ka ba. Sige na, ingat ka."



"I love you, Erin."


Napangiti ulit siya nang sabihin ni Vin iyon. Grabe, para siyang teenager na ngayon lang nagka-boyfriend.



"I love you too."


---------------

Short update. Sweet nila no? There's more to come. :)

Sa mga nagtatanong, hanggang 40 chapters lang po ito.

Vote and Comment.
Follow me! @kendeyss

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon