Twenty-nine

61.5K 1.2K 75
                                    

"Pucha! Nililigawan mo si Erin?!" sigaw sakanya ni Mico.

Napangiwi si Vin sa lakas ng boses ni Mico. Inis na sinundot niya ang tenga. "Bakit ka ba sumisigaw?"

Napailing nalang si Mico at inulit ang sinabi kanina pero hindi na pasigaw. "Pucha! Nililigawan mo si Erin?"

Humalukipkip si Vin at prenteng sumandal sa pader ng café ni Erin. Nandito sila sa labas ng café dahil sa hindi niya malamang kadahilanan ay dito siya dinala ng mga lalaki nang hatakin siya palabas sa opisina ni Erin. "Ano naman kung nililigawan ko siya? Alam niyo namang matagal ko naman nang mahal si Erin."

Tinapik siya ni Marco sa balikat. "Alam namin pare, kaya nga nagulat kami."

"Congrats Vicente! Graduate ka na sa Torpe University!" biro sakanya ni Jeremiah.

"Ulol!" sabi niya rito.

Natawa lang naman ito sa sinabi niya. Naupo sa upuang nasa harap niya si Dylan na may malaking ngisi sa labi. "So may nangyari daw sainyo sa opisina ni Erin?" nakakalokong tanong nito na may nalaman pang pataas-baba ng kilay.

"Kahit kailan ang dumi ng isip mo!" bulyaw niya sa kaibigan.

"Eh, ano iyong nakita ng sweetie ko? Hindi nagsisinungaling ang sweetie ko!" depensa ni Mico sa asawa.

Napabuga nalang si Vin ng hininga at humilig sa lamesa. "Sabi ng asawa mo, naghahalikan kami. Iyon lang iyon. At bakit ko ba kasi kinwekwento sainyo ito?" napailing nalang siya sa sarili.

"Kasi mahal mo kami." nakangising wika ni Marco.

"Si Erin ang mahal ko." pagtatama niya rito.

"So, hindi pa kayo ni Erin?" paninigurado ni Jeremiah.

Binatukan ni Dylan si Jeremiah. "Tanga naman pare! Nanliligaw pa nga lang 'di ba?"

Mahinang hinampas ni Jeremiah si Dylan sa tiyan. "Tangina! Masakit ah!"

"Hindi pa kami. Nililigawan ko pa nga lang." saad niya.

"Bakit pa nililigawan? Mahal mo naman siya, mahal ka niya -"

"Hindi niya ako mahal ... hindi pa." putol niya sa sasabihin ni Mico.

Napamaang lang sakanya ang apat na lalaki. "What?" tanong niya.

"Sa dami nang ginawa mo para kay Erin, hindi pa siya nahuhulog sa'yo?" nagtatakang tanong sakanya ni Marco.

Bumuntong-hininga siya at tinignan ang loob ng café sa window wall nito. "She said that she's falling for me. Pero wala pa sa love. Yet."

Nagulat siya nang tawanan lang siya ng mga kaibigan. Sinasabi na nga ba niya, dapat hindi nalang siya nagkwento. Dapat alam niyang tatawanan lang siya ng mga gago.

"Grabe Vin! Tangna! Ang bagal mo!" kantiyaw sakanya ni Dylan.

"Kantahan ka nalang namin ng turtle song! Bagay!" natatawang saad ni Jeremiah.

Inis na tumayo siya. "Mga gago!" napailing nalang siya nang mabilis na sumunod sakanya papasok sa loob ng café.

"Sasagutin ka din ni Erin! At naniniwala kaming mahal ka niya. Kung babae nga lang ako, baka ni-rape na kita. That how irresistable you are." nakangiting wika ni Mico.

Tinignan nila si Mico na parang sira-ulo. "Ayos ka lang ba?" kunwaring nag-aalalang tanong ni Marco.

Siguro narealize ni Mico ang pinagsasasabi nito kaya ay napailing nalang. "Shit! I can't believe I just said that. I need to get laid tonight. Sweetie!!!!"

It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now