Thirty-two

59K 1.6K 237
                                    

Palabas na sana ng restroom si Erin nang marinig niya ang boses ni Leila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at piniling huwag munang magpakita rito. She leaned on the door to hear Leila, mukha kasing may kausap ito.




"I don't care,kuya, I like Vin!"




Sabi na nga ba niya eh. Alam niyang may gusto si Leila kay Vin. Siguro sa mga lalaki, hindi nila kaagad na maiisip iyon unless the guy is full of himself. Pero si Vin ito eh, kahit kailan hindi nito iisipin na may gusto si Leila rito. But she's also a woman. Alam niya ang bawat habi ng bituka at isip ng kalahi niya.



"Enough! May girlfriend na si Vin at si Erin iyon!"




Napakunot ang noo niya nang mabosesan ang lalaking kausap nito. It sounds like it's Baro. Oo nga pala, kanina nasabi nila na magpinsan nga raw ang dalawa.




Napakaliit nga naman talaga ng mundo nila. At nakakainis talaga! Sa dami ng babaeng pwedeng maging pinsan ni Baro, bakit si Leila pa?




"So? Girlfriend palang naman kuya. Pwede pang agawin."




Tumaas ang kilay niya sa narinig na sinabi ni Leila. Mas lalo pa niyang idiniin ang tenga sa pintuan pero wala na siyang narinig. Mabilis na pumasok siya sa isang cubicle nang marinig ang tunog ng takong na palapit.





Naghintay muna siya ng ilang minuto bago lumabas. Sakto namang naglilipstick si Leila at nagtama ang kanilang mga mata.



She tried to ignore her and washed her hands. Lalabas na sana siya nang magsalita si Leila.



"You're Erin, right?"



Nilingon niya ito at bored na sinagot ang tanong nito. "Yeah, why?"



Leila extended her hand to her. "It's nice to meet you again. We've met before, remember?"




Tinignan niya lang ang kamay nito. "Yeah, I think I remember."




Nakuha siguro ni Leila na ayaw niyang tanggapin ang kamay nito kaya ibinaba na nito ang kamay. She was about to leave again, when Leila called her.




"Are you really Vin's girlfriend?"




Tinaasan niya ito ng kilay. "Oo. Bakit? Nagdududa ka?"



Ngumiti ito. "Nagtataka lang naman ako, kanina ko pa kasi napapansin na hindi kayo nag-uusap tsaka hindi kayo magkatabi."



Tumawa siya nang nanunuya. "Dear, hindi porke't hindi kami magkatabi at nag-uusap ay hindi na kami."



She really mastered the art of lying. Grabe na ang mga kasinungalingang nahahabi niya. Lalo na ngayon nanggagalaiti siya sa inis sa babaeng nasa harapan niya.



Leila shrugged and continued applying her lipstick infront of the mirror. "I'm just asking, baka kasi break na kayo or something."



Nagulat siya sa sinabi nito. Naningkit ang kanyang mga mata, tinabihan niya ito at sumandal sa sink. "Bakit mo naman naisip iyan?"



Tinapos muna ni Leila ang paglalagay ng red lipstick nito at tsaka siya hinarap. "Wala lang." she smiled at her.




Kahit na gustong-gusto na niyang ingudngod ang pulang nguso nito sa mamahaling bathroom sink ng restaurant ni Jeremiah, pinigilan niya talaga ang sarili sa gagawin. "C'mon Leila, I know you like my boyfriend. It's pretty obvious." prankang sabi niya rito.



It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon