Nakakainis >.<

82 1 0
                                    

Sa tuwing nag-iinternet ako. Si Lincole lang madalas kong kachat, kavideo-chat. Lagi akong nagpopost sa wall ng facebook niya.

-hey buddy ay ay ay ay ay lab yu!

iLalike niya lang lagi yung mga post ko. Yung mga pictures na eni-edit ko tapos itatag ko sa kanya. iLalike niya lang lagi. Bakit ba di siya magcomment. kainis!  

Naiinis ako sa kanya. Then chinat ko siya. Tinawanan lang ako sa pagrereklamo ko. Di na daw kailangan magcomment. Edi wag!

-

"Buddy!"

"Oh, kagulat ka naman!"

"Sorry ha? Late ako?"

"Okay lang. kahit kalahating oras ka lang nalate. Okay lang."

"Hehehe. Love naman kita kaya okay lang."

"Siya love din kita. Kaya kapag may lakad ulit tayo ikaw naman paghihintayin ko."

"Aba? Siya tara na nga!"

Ito ang unang buwan ng selebrasyon ng relasyon namin. Biruan niyo isang buwan na? Akalain niyo at may date kami. ShOcks!

"Ala, dapat mong makuha yan! Ala kunin mo yan. Go go go. Yan shoo- ala sala!"

"Ang hirap naman nito. Bili na lang kita ng ganitong stuff toys?"

"Ala gusto ko yan. Gusto ko yang nasa loob ng machine ang kunin mo."

"Wait bili lang ulit akong token."

Nakakainis si Lincole! Hindi man lang siya nakakuha ng stuff toys doon sa machine. Nakakainis! Sige na nga di bale na lang. Lalabas na ako ng CR ng biglang makita ko si Lincole.

"Tsaran!"

"Wah!!!" ('O') 

Napanganga naman ako ng wapak na wapak. Ang laki laki nung teddy bear na hawak niya. Malaki pa ata sa akin.

"Mas maganda naman ito kesa doon sa gusto mo."

"Bakit ka bumili niyan? Ang mahal mahal kaya niyan."

"Syempre mahal din kita eh."

"Ei, kainis ka ga. Kinikilig ako." Tapos nagdiretso kami sa isang kainan.

"Anak natin ito. Ito si... si... Ano bang magandang pangalan?"

"If babae siya, siya si Dafnie. If lalaki siya, siya si Doddie."

"Ha? Panget naman kapag lalaki."

"Okay siya si Doddie. Hi Doddie ako si Mommy."

"Yuck ha? Panget ng pangalan. Bear ito hindi daga."

"Hi Doddie. Meet your Daddy Lincole."

"Hoy ang panget ng pangalan."

Maingay kaming dalawa sa kinakainan namin. Medyo nagtitinginan ang ibang taong nandoon pero nakikitawa rin. Nakakainis bakit ang lakas ng tama naming dalawa. lalo na kapag magkasama.

-

Katatapos lang mag-usap ni Mama at ni Lincole. Umalis na si Mama kaya solo ko na sa sala si Lincole. Nanonood kami ng OnePiece yung si Luffy ang bida.

"Kainis naman, replay na naman yang cartoon na yan."

"Anime."

"Sus pareho lang yun."

"Iba ang Anime sa Cartoon, eneng."

"Parang tayo? Magkaiba?"

"Ha?"

"Kasi magkaiba tayo ng gusto."

"Tulad ng?"

 "Ano, gusto kita, tapos gusto mo ako."

"Luka ka talaga." sabay kiss sa cheeks ko

"Hala pa? Ako din."

"Ayoko nga. Dirty yang lips mo."

"Ha?"

"Joke lang."

"Hinding hindi ka makakakiss sa akin. Tandaan mo yan." -__-)

"Areh naman. Joke lang naman yun. Galit na ei."

"Nakakainis ka." tumingin lang ako sa kanya ng matalim na tingin

"Nakakatakot ka naman." pagbibiro pa nito

Nakatingin parin ako sa kanya ng halos nag-aapoy na mata. Nang biglang.

"Hala!"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. 

"Oh di ka na makatingin ngayon?"

"Kainis ka talaga. Nakakainis."

"Love you too."

"Tseh!"

"Love you more."

"Hmp!"

"Taray ni buddy."

"Alam mo. Umuwi ka na."

"Ha?"

"Baka kasi di ka na makauwi at ibulsa na kita."

Inakbayan niya ako tapos pinasandal sa dibdib niya. Bakit ganun, kinakabahan parin ako sa kanya. Nawala na lang yung kaba ko ng bigla niya akong inihehele. Kinakantahan niya ako. Ang sweet niyang boses. Pumikit ako. Ang saya ko. Nakakainis talaga, ang saya saya ko. Saka natutuwa akong binigyan ako ni God ng magandang Love Story. Thanks God.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Wrong Send(STRANGERS-BESTFRIEND-LOVERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon