This is the Moment

57 1 0
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Wow, ang cute ng dog tag mo bruha."

"Bigay ni Lincole." nakangiti kung pagmamalaki

Napatingin ang iba sa amin ni Jenny. "Kayo na ba?" tanong ni Bevien

"Hindi ahh. Mag-Bestfriend kami."

"Bestfriend? Happy ako if Boyfriend na."

Ayaw na ba talaga ni Bevien kay Lincole? Wala kasi ang kahit anong pagsisisi sa kanya. Mukha ngang masaya pa siya sa sinabi niya. Na sana kami na lang ni Lincole? Bakit nga ba niya iniwan at pinagpalit si Lincole kay Joma. Oo, si Joma yung lalaking panget na pinagpalit niya kay Lincole. Ang totoo niyan di naman panget si joma, may malaki lang itong scar sa mukha.

"Baka kayo talaga sa isa't-isa Kenneth. Bagay naman kayo. Sexy ka, mukha siyang macho."

"Bakit parang katawan lang namin ang bagay?"

"Hahahaha, yun kasi ang  mas attractive sa inyo."

"Ganun? Mga manyak kayo."

***

"Kamusta na si  Bevien?" OUCH naman OUCH talaga!

"Hayun, masaya. Maingay na nga siya eh. Lagi din siyng pinupuntahan ni Joma."

"Maingay siya? Paano yun nangyari?"

"Ewan nga. Nasa loob ang kulo ng luka. Nakakatuwa siyang kasama ang saya niyang kasama."

"Kaya siguro pinagpalit niya ko kay Joma. Kasi boring namin kapag magkasama."

"Ikaw ha. Move on na."

"Diba nga. Naaalala ko lang siya."

"Wala ka bang crush sa room niyo?"

"Hindi na uso sa akin ang crush. Ewan. Ikaw ba sino bang crush mo?'

"Ikaw."

"Ako?" o_O)

Bigla na lang ako natauhan. Nasabi ko yun sa kanya. Tatakbo kaya ako pabalik ng room. Anong gagawin ko? "Crush nga kita. Kaso ngayon gusto na kita." Ha, ano gang sinasabi ko. bakit ko ito sinasabi. May sanib ako, oo may sanib ako. Multo ng pag-ibig umalis ka sa katawan ko!

"Nang go-good time ka ano?"

"Bakit mo alam, bestfriend?" buti na lang. -__-)

Bigla niya na lang ako kinurot sa pisnge. "Cute Cute mo!"

"Hoy, hindi ako tuta. Pretty ako pretty. Para girl na girl."

"Choosy mo. Cute mo talaga." Ginulo naman niya ngayon buhok ko.

"Punta na akong room." Kailangan ko ng umalis. Masyado na akong kinikilig. Baka sumabog ako dito sa sobrang kilig.

"Balik na rin ako sa room. Gagawa pa ako ng assingment."

"Sipag. Geh Bubye."

"What time nga ulit labas mo?"

"5pm. Ikaw?"

"3pm. Sige alis na. Ike'y mag-aral ng ayus!"

***

"Wow naman, Kenneth."

"Oh, nag-CR ka lang nagkaganyan ka na."

"Si ano mo kasi nasa labas. Mukhang may hinihintay."

"Si Lincole? Bakit daw?" gusto siguro makita ni Lincole si Bevien. Okay lang. Pero ang lungkot ko.

"Ewan nakita ko lang siya eh. Di ko naman kinausap."

Lumipas ang dalawang oras. Ayan, uwian na. Pero ang lungkot ko talaga. Lumabas agad si Bevien kitang kita ko. Magkikita nga siguro sila ni Lincole.

"Pahiram ng cellphone mo Kenneth." Bigla na lang kinuha ni Jenny cellphone ko sa bag ko. Tetext nito siguro jowa niya. Mukha namang si Jenny ang sunod sunuran. Buti na lamang at di ako ang napili ng lalaking yun.

"Oh my goshness!"

"Bakit, nasa labas ang jowa mo? Aba'y himala." Himala at si Jenny naman ang pinuntahan ng lalaking yun. Malimit kasing si Jenny ang pumupunta ng room nito.

"Hmp! Hindi! Ano kasi may text ka, galing kay Bestfriend? Sabay tayo ha? Nandito lang ako sa labas naghihintay sayo." Binasa ni Jenny ang text bigla na lang akong nagwala sa kilig. Pumasok si Aileen. "Hoy, Kenneth. Naghihintay sayo si Lincole mo."

"ow girl. this is it! This is the moment!"

"Okay, okay! this is it!" Mabilis akong nagpahid ng powder sa mukha. Nagpabango. Charan. Lumabas na kami ni Jenny.

"Best?" bungad sa akin

"Uy, ngayon ko lang nabasa text mo."

"Kaya pala di ka nagrereply. Tara na."

"Sige Jenny, Bye. Sabay kami ng BBF ko. Bye bye." bumaling na ko kay Lincole. "Tara na, baka umulan pa. Mabasa pa tayo."

"Sige, huy Lincole ingatan mo yang bestfriend ko."

"Sira ka! Geh uwi na kami. ikaw din uwi na ha!"

-

"Ako na magbabayad, baka magbayad ka pa."

"Hindi naman talaga ako magbabayad. Kaya nga ako sumabay sayo para libre."

"Ahh, ganun? Luka ka talagang babae ka."

Nag-usap lang kaming dalawa. Saka ko na malayang malapit na pala akong bumaba. kainis. "PARA PO.. Sige, dito na ako. Ingat ka pag-uwi." Pagkababa na pagkababa ko, saka naman bumuhos ang malakas na ulan! Paktay. Tatakbo ako sa may shed. Bigla na lang kumidlat. Takip agad ako ng tenga. "Wala kang payong?" Napatingin ako sa nagtanong.

"Lincole?"

"Don't tell me, wala kang payong?"

"Wala eh."

"Hindi nga?"

"Wala nga. Ayoko maglagay sa bag masikip. Saka pagnagdadala ako. Ayokong mabasa ng ulan yung payong ko."

"Sira ka talaga. TARA?"

"Saan?"

"Hatid na kita sa sakayan ng tricycle." Naglakad na kami papuntang sakayan. Buti pa ito nagdadala ng payong. Ahahaha, tamad ko kasi magdala. Kaso nung pagsakay ko ng tricycle. Sinita na niya saka binayaran. "Hatid niyo po siya ng maayos ha. Sige po." Bumaling naman siya sa akin. "Ingat ka. Bye."

"Salamat, ingat ka rin. Buhbye."

Wrong Send(STRANGERS-BESTFRIEND-LOVERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon