Were Friend's ^.^

66 1 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ano yun, destiny? Wrong send tapos ayyy."

"Ewan nga ba Jenny. Textmate kami kagabi. Pero masaya ako. Mamaya nga magkikita kami sa canteen. Vacant din kasi sila mamayang 11."

"Baka naman nang gogoodtime lang din?"

"No, hindi naman siguro. Napaka-nega mo ga!"

"Advice lang. Wag mag-eexpect?"

-

"Tagal naman? 11:30 na ahhh? Tama siguro si Jenny? Makaalis na nga." palabas na ako ng canteen ng biglang may tumawag sa akin. "KENNETH?" Lumingon ako. Lumapit siya sa akin.

"Sorry ha. May tinapos lang ako. Di ako makatext."

"Ha? Ahhh, okay?" Ang gwapo niya talaga. Bakit ganun? Kainis!

"Tara, kain tayo."

Pina-upo niya na ako. bahala na daw siya sa kakainin namin. Pero bigla rin siyang bumalik agad ng walang dala.

"Ayaw ko ng pagkain dito. Pwede bang sa bayan na kita itreat?"

"Ha?"

"1pm pa naman klase mo diba? may mahaba pa tayng time. Tara?"

-

Wag niyo pagsasabi na nasa greenwich kami ha? Kumakain ng chicken joy, kanin at pizza! Tapos nagde-date pa kami. ASSUMING

"Natatawa talaga ako."

"Bakit?"

"Kasi nawrong send ako sayo. May tama kasi ako nung araw na yun."

"Nag-iinom ka?"

"Medyo lang? Saka brokenhearted eh."

"Bad yun sa health? Bakit nagbreak ba kayo ni Babes mo?"

"Nakipaghiwalay siya sa akin dahil may iba raw akong babae."

"Mukha naman eh."

"No, siya lang naman mahal ko. Paano ko magagawang mangbabae? Saka mukhang gumagawa lang siya ng paraan para makipaghiwalay sakin."

"Eh bakit ka nagsosorry?"

"Kasi nga nagalit siya sa akin kasi raw may babae ako."

"Pinakikita mong guilty ka. Meaning totoo."

"Ha? Ganun ba yun. Basta alam ko ayoko lang siyang mawala sa akin."

SAKIT naman, topic namin ang babae niyang iniirog. "Swerte niya tapos sinasayang lang niya."

"Mas swerte ako kay Bevien. Tahimik, mahinhin, mabait, matalino, higit sa lahat siya yung pinapangarap ko."

"Bevien? Bevien Lopez?"

"Ay, Accountancy rin siya. Kaklase mo ba siya?"

"Ha, oo. Totoo niyan kasabay ko siya kahapon paglabas ng gate."

"Close na ba kayo? Tulungan mo naman ako sa kanya. Ha? Total were friends na diba? Friends na tayo? :)

Ang cute niyang ngumiti. Makakatanggi pa ba ako?

Wrong Send(STRANGERS-BESTFRIEND-LOVERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon