Chapter 37

47 1 1
                                    

Decision

"Both of you disappointed us!"

That was short yet made our whole system frightened.

"Ma?"

Tangi kong nasambit at agad akong sinugod ni Tita. Isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya. Agad akong dinaluhan ni Ivo.

"Ma! Stop it"

Aniya at agad siyang pumagitna sa aming dalawa. Nakita ko si Mama na dinadamayan si Rina habang nakatingin nang masama sa akin. Mga mata niya, nag aalab sa galit. Si Papa nakatayo lang at nakatitig sa amin. Wala akong mabasang emosyon mula sa aura ni Papa. Unti unting lumapit sa amin si Tito at agad niyang sinuntok si Ivo dahilan upang madapa ito.

"Tito. Please?"

Sabi ko at agad kong inilalayan ang nanghihinang tumayo na si Ivo. Alam kong masakit yun hindi dahil malakas ang pagkasuntok sa kanya kundi dahil ang kanyang sariling ama ang nanakit sa kanya.

I was about to talk once more, nang bigla akong sinugod ni Rina. Pinagsasampal niya ako.

"Wala kang kwentang anak. At wala kang kwentang kaibigan!"

Sigaw niya sa akin habang hinihila ang buhok ko. I saw Ivo was being cornered by Tito and Papa. Mom and Tita were trying to stop Rina. I was about to fight back ngunit unti unti kong nararamdaman naninikip na ang dibdib ko at unti unti na rin nang didilim ang paningin ko.

---------

Bigla akong napaupo mula sa higaan ko. Malakas ang pintig nang puso ko at higit sa lahat namamasa ang mga pisngi ko dahil gaya nang ilang gabing lumipas patuloy pa rin ako sa pagluha sa nangyari sa amin ni Ivo. Ilang gabi at araw na akong ganito. Yung tipong umiiyak nang gising at umiiyak pa rin habang natutulog at umiiyak pa rin kapag nagigising. Masyado nang OA ang mga luha ko pero anong magagawa ko kung tunay akong nasasaktan.

Pagkatapos nang araw na yun, walang kumausap sa akin. Wala akong balita sa labas. Wala akong ibang nakikita kundi ang babaeng nasa edad na 30 na siyang taga dala nang pagkain sa aking kwarto. Hindi ko alam pero I guess bagong yaya namin siya. Di ko alam kung nasaan na si Manang, sina Papa at Mama, sina Tito at Tita at higit sa lahat, hindi ko alam kung nasaan na si Ivo. Kumakain ba kaya siya sa tamang oras. Nakakatulog ba siya nang mahimbing, nakakangiti kaya siya kasama ang mga kaibigan namin o di kaya kagaya ko, siya ay naghihirap at nagdurusa. O di naman kaya mas sobra siyang nahihirapan kesa sa akin.

Sa tuwing naiisip ko ang mga sari saring senaryo na umiikot sa isipan ko, mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo akong nahihirapan. Mas lalo akong nawawalan nang pag asa na muling makasama at makita siya. Ang isiping hanggang duun na lamang ang pag ibig na aming iningatan ay parang unti unting dinurog ang puso ko. Sa bawat segundo na dinudurog nang katotohanan ang puso ko ay ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat sistema nang buhay ko.

Dahan dahan akong tumayo mula sa aking higaan. Humakbang ako patungo sa aking human sized mirror, nang maabot ko to, tumingin ako sa may salamin at tinignan ang aking sarili.

"Kaya mo to."

Ka'ko sa sarili ko. Hanggat wala akong naririnig mula kay Ivo na kailangan ko nang sumuko, hinding hindi ako susuko. Magiging matatag ako kahit anong mangyari. Kahit na buong magdamag akong iiyak, hinding hindi ko susukuan ang lahat nang ito. In right time makakayanan ko ring ipaglaban ang lahat nang mayroon kami ni Ivo. Sasabihin ko sa kanya ang lahat lahat. Yes. We will fight together.

Babalik na sana ako sa aking higaan nang bumukas ang pintuan nang aking kwarto. Bigla akong nanginig sa nakita kong lalaking medyo tumatanda na ngunit matipuno pa rin habang suot ang kanyang eyeglasses.

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now