Chapter 4

262 23 9
                                    

 The Twisted Plan

Dumaan ang mga araw na patuloy pa rin ang tatag ng samahan kahit minsan hindi buo dahil may kanya kanya kameng inaatupag. Since sina Ivo, Angelo, Dulce and Anna ay pawang First Year High School, sila ang palagiang wala sa barkadahan. Pare parehas din naman kami na abala sa pag aaral dahil papalapit na rin ang first grading examination namin at premid term naman nila.

Sa dami ng kailangan kong gawin, First in the list of things to do ko pa rin ang naging bet naming ni Ivo. Sa totoo lang naman hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ito sisimulan. Ang planong pinamagatan kong “IvoNa HEART OPLAN”. Ivo dahil obvious naman pangalan yun ng pinsan kong engot na wala yatang balak magparami ng lahi. Kawawa naman yata ang lahing Pilipino kung ganoon. Kaya dapat habang maaga pa kailangan ko nang maging Ms. Cupid. At ang NA naman ay galing sa dulo ng name ni RiNA. Isa lang naman ang tiyak dito, kailangan kong gawin ang bagay bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Gaya na lang ng maki Feeling Close. Iniisip ko pa lang yun, bumabaliktad na ang sikmura ko. Dahil kahit kailan, hindi ako naghabol. Sanay akong ako ang hinahabol. Pero waka ma do. Walang choices, wala ring options. It’s a must na kaibiganin ko si Rina. Maki Friendly girl na lang muna ang peg ko.

Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Never yang nakasaad sa dictionary ko. Kaya I decided na kaibiganin ang dapat kaibiganin. Apakan ang dapat apakan. Wala akong pakialam. Tuso na kung tuso o ano pa man yan. Talagang wala akong pakialam.

Uulitin ko, WALA akong pakialam. This is a matter of life and death!

CHOS lang naman :D hindi bagay sa beauty ko ang kontrabida role noh ;)

Pero isa lang naman talaga ang gusto kong mangyari. Hindi exactly na magkatuluyan sila kundi mawala ang kinatatakutan ko at maging 100% panatag. Minsan nga iniisip ko kung baliw na nga ba ako. Kasi, bakit? Bakit nga ba ako natatakot?

Ay ewan! Tama na muna ang pagiging GG, as in guni guni. Dapat focus! Focus! Focus! Spell nga Focus, H O N E Y :)

Kasalukuyan kameng nasa isang Coffee Shop malapit sa tahanan ni Zeejay. Nag Group Message kasi ako sa kanila. Para maisakatuparan ang plano ko, I badly need their super powers. Teamwork dapat. Hindi pwedeng ako lang ang magdusa sa kakaisip dito dapat kasali sila. Para paraan system ang tawag dito. HEHE

“Ano bang meron at bakit kailangan talaga nating magtipon tipon?” Iritadong tanong nitong si Faith. As usual!!

“Oh, tutunganga ka na lang ba dyan ng magdamag Honey?” Dagdag naman ng nababanas na si Erwin. Naudlot daw kasi ang pang chichicks niya today dahil sa akin.

“Don’t tell me we gonna order another cup of coffee eh dalawang baso na ang nauubos ko, naku magiging nerbyosa na yata ang kagandahan ko. Ano na ----”

“Katahimikan.” Putol ko sa igat na si Zeejay.

Huminga ako ng malalim. “Okay, I made a bet with Ivo. Sabi ko, I’ll do everything mahulog lang ang loob niya kay Rina at magkatuluyan silang dalawa.”

Napa O shape ang mga bibig nila except sa beking igat na nakataas pa ang kilay. Tinignan ko siya ng masama at buti nalang nakuha agad sa tingin at nag peace sign pa sa akin. (Sigh)

“Friendship, I need your help. Hindi ko matatanggap na matatalo ako sa pustahang ito.” Sabay pa cute ko sa kanila.

“Besty, ano naman ngayon kung matatalo ka, besides, Ivo is your cousin kaya it’s not a big deal.” Wika ni Sheena at nakita kong tumango ang iba.

Kailangan ko ng paganahin ang mala best actress kong talent. “NO! It’s really a big deal.” Diniinan ko ang salitang big.

“How big nga ba Honey?” Maarteng tanong ni Zeejay.

Isa pa talaga Zeejay itatapon na talaga kita sa Mars. “As big as my future.” Shit!! Kailangan ko na yata magsinungaling mapa yes lang sila.

“Kapag matalo ako sa pustahang ito, (with matching sad face) I’ll continue my study in USA.”

“WWWHHHAAAATTTTT?????” Sabay sabay nilang tanong sa sigaw mode na umalingawngaw sa boung Coffee Shop.

“Pssss. Quite lang. Hindi ito pwedeng malaman ng iba.”

Lord, patawad!

Pagkat ako’y makasalanan!

Makasalanang nilalang!

Wahhh!! Pasensya na talaga, naging liar girl ang peg ko. Marami pa sila actually mga tanong sa akin kaya ayun dumami rin ang kasinungalingan ko. Pero ang mahalaga nagtagumpay ako at maisasakatuparan ko na ang IvoNa HEART OPLAN. I smell victory :D

Una sa lahat, kakaibiganin ko si Rina at alamin ang lahat lahat tungkol sa kanya at tapos kakaibiganin ko rin itong si Angelo. Siya ang gagawin kong tulay para mapabango ang pangalan ni Rina kay Ivo dahil sila naman kasi ang parating magkasama.

Madalas kong ka text at ka chat sina Rina at Angelo. May mga time din na sinasadya naming ipagtagpo ang mga landas nila. Inaanyayahan namin din silang lumabas at binibigyan namin sila ng moment together.

May mga time rin na iniiwan naming sila para mawala ang ilangan at mas makilala nila ang isa’t isa. Kame naman ni Angelo ang laging nagmamasid sa kanila. Kaso lagi naman ako nakakatulog sa sobrang pagod eh paano naman kasi nakakaubos ng energy. Stress ako at haggard parati pero buti na lang pretty girl pa rin ako :D At buti na lang din laging nandyan si Angelo para alalayan ako. Siya ang partner in crime ko sa IvoNa HEART OPLAN. At dahil doon, nakikilala ko na rin unti unti ang tunay na pagkatao ni Angelo. Medyo mahinhin siya pero hanep naman kung magpatawa. Gentleman siya tapos kagaya ko talent din niya ang singing at dancing. Maraming bagay din kameng magkasundo. At basketball player siya ng Freshmen team. At hunk ang dating niya.

Wait! Teka lang! Did I just say HUNK??? Okay, click backspace or delete!!

Kasalukuyan kameng nasa may park ngayon nagpapahangin.

“Alam mo feeling ko tayo si kupido.” Panimula ni Angelo.

“Oo nga, love matcher ang peg.” Pag sang ayon ko.

“Alam mo, naiinggit ako sa kanila.” Aniya.

“Bakit?” Bigla akong ginapangan ng kaba sa sinabi niya. Shit. Don’t tell me may gusto siya kay Rina at dahil kaibigan niya si Ivo nagpaubaya siya or worst, naku, no, no, no. Baka naman si Ivo ang gusto niya. Sa tagal naming magkasama ni minsan hindi siya nag attempt na hawakan ang kamay ko at kahit man lang ang dulo ng daliri ko. Naku. Wag naman sana. Baka naman I am Pogay ang peg nito.

“Kasi tayo ang kupido nila.” Tumingin siya sa akin ng seryoso. “Eh ako, pwede kaya ako maging kupido mo?”

Ano raw?? Nabingi yata ako doon ahh. At teka lang, hindi naman ito kasali sa plano.

“Kasi kung pwede, papanain ko yang puso mo para sigurado ako sa akin ang magiging tama mo.”

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now