“Dette?”

“Kuya!” Napapitlag siya nang maramdaman ang presensiya ko. “Come in.” Umayos siya ng upo at sinulyapan pang muli ang cellphone niya bago iyon ibinaba sa side table.

Ngumisi ako at tumabi sa kaniya sa kama. “Waiting for somebody’s text?”

Umusog siya at tiningnan lang ako. Kitang-kita ko sa mukha niya ang halong lungkot at pagkairita.

“Namamaga na ‘yang mata mo, Dette. Sino ba ‘yang madalas mong—”

“Kuya Azi, stop. Please?” nakabusangot na aniya.

“What? Wala pa akong sinasabi.”

“E, alam ko naman na mang-aasar ka lang.”

Lalo akong natawa. “Come on, Dette. I’m your Kuya. You don’t have to keep secrets from me. Spill it.” Siniko ko siya ng dalawang beses.

“Exactly the reason why I shouldn’t tell you anything. You’re my Kuya. And you are Azrael Ian III.” Humalukipkip si Claudette pero mas halata pa rin ‘yung lungkot sa mukha niya.

“Wait until Kuya Knoxx arrives. Tingnan natin kung hindi ka no’n kulitin," pang-aasar ko pa kahit alam kong naiinis na siya.

My sister glared at me, her cheeks turning a shade redder. "Minsan talaga I feel so unfortunate that I have you as a brother," she scowled.

"Whoa! Easy there, young woman. Harsh, ha.” Tinaasan ko siya ng kilay. Kailan pa naging ganoon ka-mean ang kapatid ko? ‘Yun ba ‘yung resulta ng heartbreak o ng kung anumang pinagdadaanan niya?

She brushed her long hair with her hand and stared blankly at me. “Bakit ka ba kasi nandito?”

The corner of my mouth twitched. “Bakit? Hindi ko na ba pwedeng kamustahin ang kapatid ko? Seriously, Dette. What's wrong with you?" Alam ko na hindi kami gano’n ka-close but for her to treat me that way? That's below the belt. "I'm being your brother here. 'Wag mo akong ganiyanin."

She released a sigh. Her face became blank of any emotion again besides the evident sadness in her eyes. "Don't ask, okay?"

"Talagang tatarayan mo ako, Claudette Jamila? I am your Kuya, just in case you forgot.”

Hindi siya sumagot pero nanatili akong nakatitig sa mukha niya. Sinulyapan niya lang iyong cellphone niya na umiilaw. Nataranta siya kaagad at hinablot iyon mula sa mesa. Sinilip ko ‘yun at napangisi na lang ulit nang makita ‘yung pangalan na naka-display sa screen.

“Pierre, huh?”

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago itinulak patayo at palabas ng kwarto niya. “Kahit kailan ka talaga. Alis nga!”

“What? What did I do?” natatawang tanong ko. Nakipaglakasan ako sa kaniya pero hinayaan ko na lang siyang magtagumpay na mapalabas ako ng silid.

Padabog niyang isinara ‘yung pinto at narinig ko ‘yung pag-click ng lock.

Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak. “So all this time, si Pierre Ty ang katawagan at ka-text mo, Dette? Alam ba ‘yan ni Klare at Hendrix?” Napapalakpak ako. “Pierre pala, ha?” pasigaw na pang-aasar ko.

“Go to hell!” inis na sigaw niya pabalik.

“Oh, I will.”

Tatawa-tawa akong pumasok sa kwarto.

So, si Pierre pala ang boyfriend ng kapatid ko. Who would have thought? Lakas din ng appeal ng bunso namin. First, there was Spike. He was her first love. I don’t exactly know what happened between them. Nalaman ko na lang umalis na si Spike. Niligawan din siya ni Silver Sarmiento, iyong kapatid ni Eion na ngayon ay ex na ni Erin. Tapos si Pierre Ty na kapatid ni Klare sa ama.

Never Enough (An Azi Montefalco III Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon