second

7.9K 139 66
                                    

Dedicated to my awesome kachika about everything Until Trilogy and QueenJ, A&G.:) Minamahal ko lalo si Azi dahil sa conversations natin. Kyaaah!:">

September 19, 2014 | 2:30 AM
____________

second

Maaga akong nagising nang sumapit ‘yung Sabado. I don’t usually get up early in the morning, especially that it was a weekend, but since I was feeling good, nag-decide akong mag-jogging.

“Mom, jog lang ako,” paalam ko kay Mommy nang maabutan ko siya sa dining table. Kumakain na siya ng agahan habang nagbabasa ng isang business magazine. Tulog pa yata si Dad. Maging si Claudette ay hindi pa bumababa.

Sinalubong ako ng tingin ni Mommy. “Good morning, Son. Hindi ka ba muna kakain?”

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi, saka kumagat sa sandwich na hawak niya. “Later po pagbalik ko. Good morning.”

Sa loob ng village lang ako umikot ng ilang beses. I did not push myself too hard. It’s been a while since I last visited the gym kaya medyo nanibago ang katawan ko. Matagal na rin kaming hindi nagba-basketball ng mga pinsan ko. Palibhasa, busy na sa kani-kaniyang buhay.

Hingal na hingal ako nang huminto ako sa tapat ng gate namin. Uminom kaagad ako ng tubig at ibinuhos sa ulo at mukha ko ‘yung natitirang laman no’ng bote. Nang bumalik na sa normal ang breathing pattern ko, pumasok na ako sa bahay.

I took off my sleeveless top and running shoes then went straight to the shower. Agad din akong nagbihis nang makatapos.

While eating breakfast, I got a call from Damon.

“Dame.”

“Birthday na ni Xian next week,” he informed. “You have to come. And don’t forget to bring gifts for my son.”

Napangiwi ako sa sinabi niya. “You sound just like a dad, man. Ganiyan ba talaga kapag may anak na?” I teased na siyang itinawa na lang ng pinsan ko.

He’s asking all of us to attend the party. Dapat daw wala ni isa sa amin ang absent. Dame wanted us to all be part of his son’s special day.

“Of course, I’ll be there. I won’t miss my inaanak’s birthday.” Sumubo ako ng bacon.

Narinig ko si Eba sa background. Hinahanap na raw siya ni Xian. “Okay, thanks, man.” Agad niyang pinutol ‘yung tawag. Napangisi na lang ako. Dame has changed a lot since Xian came. He has become a… man.

Hindi man kami naka-attend nang binyagan ‘yung anak niya, nag-assume na kaming lahat ng pagiging ninong at ninang no’ng bata. He’s the first-born of the 3rd generation after all. At unang pamangkin namin siya. It was but right to have us all as his godparents.

Ang swerte nga no’ng bata, busog sa pagmamahal at pag-aalaga naming lahat. And we have Klare to thank for for that. Kung hindi niya ipinilit iyong pagkikita nina Eba at Damon, marahil ay wala sa amin si Xian, at hindi magiging ganoon kasaya ang pinsan namin.

Hindi ko na inabala ‘yung kasambahay namin. Ako na ‘yung naghugas ng mga pinagkainan sa sink. Nang matapos, umakyat na rin ako.

Bago ako tumuloy sa kwarto, dumaan ako sa kwarto ni Claudette.

“Dette Dette, can I come in?” Sumilip ako sa loob. Nakita ko siyang nakadapa sa higaan. Tulad noong mga nakaraang araw, tulala na naman siya sa kaniyang cellphone na parang parating may hinihintay na tawag o text.

Kumatok akong muli. Hindi ko ugali ang basta na lang pumapasok sa kwarto ng kahit sino kahit pa ang tingin sa akin ng iba ay wala akong manners. I respect people’s privacy, especially when it is my sister’s.

Never Enough (An Azi Montefalco III Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon