Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter Eight

28.5K 547 34
                                    

PAGKABABA MULA SA MOTORSIKLO, kinawayan ni Nena sina Tanya at Keith na sakay pa rin niyon.

"Mag-iingat sa pag-uwi!" ngiti niya sa dalawa.

"Ikaw din," masayang kaway ng kaibigan bago umusad ang motor.

Tulad ng dating gawi, nasa waiting shed siya ngayon at maghihintay munang huminto ang mga sasakyan bago tumawid. Nakahanda na ang payong ni Nena kung sakaling umulan na naman. Umatras siya nang kaunti para makihanay sa mga nakatayo rin sa waiting shed na iyon nang may humintong kotse sa kanyang tapat at bumaba ang bintana.

"Nena!" tawag sa kanya ni Clint kaya nagsalubong ang mga kilay niya.

Kakanta na ba siya ng O, tukso, layuan mo ako?

Buong linggo niyang hindi nakita si Clint sa firm. Inisip niyang baka may iba itong lakad kaya ganoon. Freelance naman kasi ito kaya may mga araw talagang wala ito sa Salvadores Law Firm.

Tulad ng payo sa kanya ni Tanya, inignora niya si Clint. Iniwas ni Nena ang mga mata sa lalaki at nag-abang na lang kung kailan hihinto ang mga sasakyan sa daan na iyon.

Nagulat na lang siya nang malingunan ang lalaki. Lumabas na ito ng kotse at iniwanan ang pinto niyon na bukas. Malalaki ang mga hakbang na lumapit ito at hinila siya sa braso para mapatitig sa mga mata nito.

"Halika," hila nito sa kanya.

"Teka, teka!" bawi niya agad sa sariling braso. "Hindi mo ako pwedeng basta-basta na lang hilain!"

"You saw me, and you are clearly ignoring me," he hissed. Bakit ba galit na galit ito sa kanya? "Is that what you do to a man after he confessed that he likes you?"

Huwag kang magpapadala. Huwag kang magpapadala sa mga pinagsasasabi niya, paulit-ulit na paalala ni Nena sa sarili.

"Ano na naman ba ang gusto mo?" kwestiyon niya rito. "Wala nga akong idea kung saan mo ako dadalhin, hila ka lang nang hila sa akin."

"I'll take you out for a dinner," nagtitimpi nitong sagot. "And I am in a hurry dahil bawal pumarada dito," turo nito sa kinahihintuan ng sasakyan. "Baka may makakita sa akin na officer. So, can we just hurry up and let's go?"

"Ayoko sumama," giit niya. "Kung sinabihan mo ako nung nakaraan pang mga araw, baka pumayag pa ako."

"This is supposed to be a surprise," he leaned close, his eyes burning into hers.

Para siyang matutunaw sa intensidad nito. Nanunuot sa pagkatao niya ang determinasyon sa boses nito na makuha siya at madala sa dinner na sinasabi nito.

Iyon ay kung doon nga talaga siya dadalhin ng lalaki.

Napabuntong-hininga na lang siya at nagpatiuna ng lakad patungo sa kotse nito. Mabilis na inunahan siya ni Clint para pagbuksan ng pinto. Sumakay si Nena bago nito sinara ang pinto at umikot para okupahin ang driver's seat.

Ini-start nito ang kotse at pinatakbo iyon. Kinandong ni Nena ang bag.

"Saan mo naman ako dadalhin?" lingon niya rito habang hinuhubad ang blazer ng kanyang uniporme.

Medyo mahihiya siya kung sa mamahaling restaurant siya dadalhin ni Clint. Naka-uniporme pa kasi siya at feeling lang ni Nena hindi magandang iyon ang attire niya sa isang restraurant. Lalo na at may ideya naman siyang hindi business meeting ang ipupunta nila roon ng lalaki.

"You guess," he hissed.

"Galit ka ba sa akin?" paglilinaw niya.

Paano'ng hindi siya magtatanong ng ganoon? Nakabusangot ang gwapo nitong mukha, malapit nang mag-criss cross ang makapal na mga kilay at matalim ang titig. His hands held the steering wheel too tight instead of the usual relaxed way he used to hold it. Rinig niya ang pagdadabog sa kilos nito nang tinulak at hinila ang stick shift ng kotse.

THE GENTLEMAN'S SECRETWhere stories live. Discover now