Chapter 1:

9 1 0
                                        

Chapter 1:

Radon's Pov

"Time's up! Wala nang sasagot, ubos na ang inyong one hour."

Nage echo sa buong auditorium ang boses ng teacher na nagsasalita sa stage sabay taas ng kaniyang kamay hudyat na dapat tumigil na kami sa pagsagot.

Napatingin naman ako doon bago inilibot ang tingin.

Nagsigalawan na ang ilang estudyante at inayos ang kanilang mga papel, ginaya ko na rin sila at ni-turn sa first page ang test paper na hawak ko ngayon.

"Ang hirap ng 2nd Screening."

Mahinang reklamo ng katabi ko na kinakausap ang sarili niya na napa buntong-hininga.

Nagsimula ng maglibot ang ilan ring teachers para kunin ang mga test papers at answer sheets namin. Naka hinga na rin ako ng maluwag at natapos na ang entrance axam.

Lumapit sa akin ang isang teacher na lalaki at agad kong iniabot ang mga papel ko sa kanya. Pagkatapos noon ay umayos na ako at tumayo. Pumunta ako sa direksyon kung saan nakaupo si Issabele na nakita kong nag aayos pa ng gamit niya.

"Sabay na tayo."

Tumango na lang siya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate.

Sumalubong sa amin ang isang black na kotse, pumasok na kaming dalawa at agad naman itong pinaandar nung driver.

--

Pabagsak kong inilagay sa gilid ng kama ang aking bag at nag dive sa kama sa sobrang stress at pagod.

Nakasubsob ang mukha ko sa unan saka humarap muna ako sa study table ko na nasa gilid lang ng kama. Natatamad akong tumayo at umupo sa harap nito saka kumuha ng sketch pad at lapis mula sa pinaka ibabang drawer. Nag drawing muna ako para magpalipas ng oras.

*Kriiiinggg!!!! Kriiiiing!!!

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone na nakapatong sa lamesa.Binitawan ko muna ang hawak kong lapis saka kinuha ito at sinagot ang tumatawag.

"Hello.....kuya?"

"Punta ka dito dali. May ipapakilala ako sa'yo."

"Ok......"

Natatamad kong sabi.

Napa buntong-hininga ako bago binababa ang phone. At dahil sanay na sanay na ako, alam kong may ipakikilala nanamang babae si kuya Gero. Ilang beses niya na rin akong niyayaya sa mga blind dates pero ni isa walang pumasa sa'kin.

Dumating ako sa restaurant na sinabi ni kuya. Binuksan ko ang glass na sliding door kung saan nagre reflect ang ilaw ng maliit na chandelier sa center ng kainan.

Naglibot ako ng paningin at nakita ko rin si Kuya Gero sa pinakahuling lamesa. May kausap siyang babae na mas bata sa kanya na naka talikod sakin.

Naka pamulsa akong naglakad palapit sa akin.

"Meet my brother, Radon Casco."

Nabaling ang atensyon ni kuya sa akin ng makitang malapit na ako, saka bigla siyang nagsalita. Humarap naman sa akin yung babae na sobrang kapal ng make-up.

"And Radon, this is Clarice Encinan."

"Hi."

Malandi niyang bati sa akin at inilahad ang palad niya para makipag-shake hands pero hindi ko na ito pinansin at umupo na lang sa tabi ni kuya.

Kumuha agad ako ng isang baso ng coke na nakapatong sa mesa at ininom iyon gamit ang straw.

"So aalis na ako. Clarice ikaw na bahala sa kapatid ko, ha?"

Ngumiti na lang yung babae sa kanya na 'clarice' daw ang pangalan. Tinapik muna ako ni kuya sa likod bago tuluyang umalis.

"You look so cute."

Nakatingin pa ako kay kuyang papalabas na ng mabaling ang tingin ko sa babae. Pft.....you don't have to say that. Alam ko naman yun.

Hindi ko na rin ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-inom.

"So, sabi ng kuya Gero mo magaling ka daw mag drawing?"

I nodded. Patuloy lang siya sa pagsasalita habang nakikinig lang ako.

Dalawang oras na kami ditong nakaupo at nagkekuwentuhan, masaya naman siyang kausap. Joker pero minsan sumerseryoso. Tanging matitipid lang na salita ang sinasagot ko sa kanya 'pag tinatanong niya ako.

" And he was like... 'Ako yung umutot' pag-amin niya na ikinatawa na~~"

*Kriinng!! Kriing!!

"Saglit lang."

Napatigil siya habang kinukuha ko yung selpon ko mula sa bulsa at binasa ang nakasulat na text.

--

"So you're saying, magkaklase pa rin tayo this year?!?"

Natutuwang tanong ni Issa sa akin. Nandito kami sa likod ng bahay ni Manang Rosamie nagla landscaping. Gawain na namin 'to ni Issa as a minor job, you know naman bilang isang teenager kailangan kumita na rin para may panggastos.

"Tama ka. Buti nga naging tutor kita nung summer."

Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at nanatiling nakatingin sa pala na hawak ko. Habang siya naman ay naglilinis gamit ang leaf blower.

Tumigil siya at umayos ng tayo saka pinunasan ang namumuong pawis sa noo niya.

"Nga pala 'san ka kagabi? Isasama sana kita sa mall bumili ng school supplies."

Napatigil ako sa pagpala at nagpunas din ng pawis sa noo. Naalala ko kagabi, nagpaalam na ako kay Clarice nung may nag message sa'kin na nakapasa daw ako sa 2nd Screening para sa SPA.

"Wala."


Third Person's POV

Kalmado ang dagat sa gabi kasabay ng malamig na pag-ihip ng hangin. Sa kalagitnaan, may babae at lalake ang nakasakay sa isang coracle boat. 

"Kang Joon, il-eona. Naneun pigonhada!! (Kang Joon, wake up. I'm tired!!)

Reklamo nung babae habang kinakalabit yung lalaking natutulog at nakabalot sa kumot niya.

"Gwaenchanh-a,Gwaenchanh-a.(Okay, Okay.)"

Tinatamad na napabangon ang lalaki. Nag stretch arms siya sabay hikab saka kinuha yung sagwan na inaabot sa kanya nung babae. Nagsimula na siyang magsagwan na nakatitig sa babae.

"Nega jiongmal miwo.(I really hate you.)"

Naka poker face lang ang lalaki nang bigla siyang muntik batukan nung babae. Ilang segundo silang nakangiti ng biglang sumeryoso ang mukha ni ate girl.

Napatitig ito sa likod ni kuya boy na ikinalingon na din niya.


"Ulineun machimnae jayo lobda. (We're finally free.)"



Sabay silang nagsalita ng maaninag ang city lights, bumagsak ang luha sa mata ng babae at inakbayan ito ni kuya boy.



------


[A/N: Hi readers! Sana magustuhan niyo ang first part. Asahan niyong matagal tagal rin ang update sa Chapter 2 dahil..yah know...studies, work? Pero sana makapag hintay kayo.]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shedding LightWhere stories live. Discover now