"Tita, may girlfriend po ako." Hindi ko alam pano siya harapin kaya umiwas ako ng tingin sa kausap ko ngayon.




"Wala na bang halaga sayo ang anak ko? Hindi mo ba siya kayang samahan sa laban niya? Sumusuko na yung anak ko, Samuel! Kami nalang ang pilit na nalaban para sakanya. Ipakita mo namang kaya mo rin siyang ipaglaban kahit kung hanggang saan mo nalang siya kayang mahalin. Kahit hanggang kaibigan nalang okay lang, basta samahan mo siya."

*end of flashback

"Sasamahan kita sa US." Gusto ko siyang samahan. Napag usapan na rin namin nila Papa at tita ang about dito na kapag pumayag si Rosher ay sasamahan ko siya. Ang sinabi sakin ni Papa ay kapag dumating tong situation na to ay kailangan ko ng kausapin si Deanna about dito.


"Sure na ba? Paano ang pag aaral mo? Love, matagal yung chemo ko dun aabutin ng buwan o taon yun."



"Pwede naman akong magstop. Ipagpapatuloy ko nalang kapag okay ka na. Pwede pa tayong magsabay ulit sa pagpasok." Pagbibigay lakas ko sakanya para lumaban.


"Sa ngayon, magpahinga ka na. Uuwi na ko. May mga tao pa kong kailangan kausapin bukas."



"Love." Napalingon ako sakanya. Palabas na sana ako ng pintuan niya.



"Kailan mo kaya ako matatawag ulit na love?"



"Rosher."


"Alam ko namang wala ng tayo. Aware ako dun wag kang mag alala. Salamat sa pagpaparamdam na mahalaga ako. Na may halaga pa ko sayo. Salamat Samuel." Tumalikod na siya ng higa kaya lumabas na ko ng room niya.







- - -

"Babe." Tawag pansin ko kay Deanna napaangat naman ang tingin niya sakin. Kasalukuyan kaming nasa SM Sta. Rosa ni Deanna. Kakatapos lang namin maglunch together at nandito kami sa food court. Kanina pa niya kinakalikot ang phone niya.





"Babe, gusto mong mag arcade?" Arcade ang madalas naming gawin tuwing magkasama kami. Kahit noon pang magkaibigan palang kami dun kami naging close sa paglalaro sa arcade.



"Sige. Tara!" Agad naman siyang tumayo kaya tumayo na rin ako. Nakakamiss siya.



"Tagal na rin nating di nakakapaglaro dito." Sabi niya habang bumibili kami ng mga token.



"Sorry." Napatingin naman siya sakin. Inatake naman ako ng konsensya ko.





"Okay lang yun. Kung ganon talaga kaimportante ang inaasikaso mo. Okay lang." Agad naman siya tumalikod sakin at pumunta sa haunt gold. Lumapit ako sakanya at tumabi sakanya sa haunt gold.



"Babe,dahan dahan lang ang hila. Baka masira mo." Biro ko sakanya.


"Babe, kailangan ko kasing malagyan yung 1 ng bola. Tatlo nalang bola ko. Nasubukan ko ng higitin ng mahina pero sa 7 pumunta baka kailangan kong lakasan para mapunta sa 1." Paliwanag niya sakin ng itigil niya ang paghila pero sa haunt gold pa rin nakabaling ang tingin niya.


Pinagmasdan ko siyang ipagpatuloy ang laro niya. Pagkatapos ng laro niya ay bumaling siya sakin.



"Kahit lakasan o hinaan ko ang hila wala pa rin. Hindi ko alam kung anong mali sa hila ko." Malungkot na sabi niya sakin.


"Babe, baka hindi lang talaga para sayo. Hayaan mo na. Marami pa namang laro dyan. Baka sa iba manalo ka na." Pagpapalakas ko ng loob niya. 1st time lang niyang damdamin ng ganito ang laro dito sa arcade. Hindi naman siya ganito noon. Para sakanya noon ay manalo o matalo man siya ang importante nag enjoy siya.






Pagkatapos namin maglaro ay napagdesisyunan na naming umuwi. Hinatid ko na siya. Tsaka ako umuwi samin. Naabutan ko si Papa sa sala.


"Anak." Umupo ako sa tabi ni Papa pagkatapos ko magmano.

"Anak, sure ka na ba na gusto mong samahan si rosher?"


"Pa, akala ko po ba okay na? Napag usapan na po natin yun di ba?"



"Okay lang naman sakin. Isusupport kita sa mga desisyon mo. Ang sakin lang pano kayo ni Deanna? Nasabi mo na ba sakanya?" Napayuko ako.



"Pa, hindi pa po. Hindi ko po alam pano sabihin sakanya. Ayoko pong saktan si Deanna."



"Anak, satingin mo ba hindi mo pa siya nasasaktan?"



"Pa, natatakot po ako. Natatakot ako na iwan ako ni Deanna pero natatakot din akong mawala ulit si Rosher."


"Nakabili na ng ticket niyo si Ruel. Sa December 4 na ang alis niyo. November 28 na ngayon. Alam mo kung gaano kasakit maiwan ng biglaan at walang paliwanag. Anak, wag mong gawin yun kay Deanna."


- - -
Deanna's POV

Nakahiga na ko sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog. 9:24pm na. 8:05pm na kami nakauwi ni Samuel kanina.

Kinuha ko ang phone ko ng tumunog.

'Gago ka! Hindi ka talaga pumunta sa birthday ni Jema.' Text sakin ni Anne.

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon