Chapter 22

8.9K 283 14
                                    

NAKAPAMULSANG nakatayo si Rowan habang nakasandal ito sa sasakyang dala. Kanina pa ito nababagot sa kahihintay.

"Are you sure about this?" Tanong niya muli sa kasama. "Kailan ba ako hindi naging sigurado sa plano ko?" Balik tanong ng kasama sa kanya.

"Fine. Gusto ko lang matapus ito agad.  Dahil ayaw kung mapahamak ang pinsan ko," saad nito. "Ouch. Bakit mo ako sinapak?" Reklamo nito agad.

"Gago. Kung makaasta ka e parang ikaw lang ang pinsan ni Sarah. Ano ako, alien?" Saad nito kay Rowan na natawa.

"I'm sorry naman. Akala ko kasi ay hindi ka niya pinsan." Natatawang ani Rowan. "Tangna mo---

Natahimik agad ang dalawa ng bumukas ang pinto ng bahay na inaabangan nila ang pagbukas. Naging alerto ang mga kasama nila bago makalabas ang inaabangan nila.

"A-anong ibig sabihin nito?" Kinakabahang tanong ni Ciara sa nabungaran nila ng ina sa labas ng bahay nila. "Hinuhuli po namin kayo sa salang pagpatay----

----ano? Nababaliw ba kayo. Ano namang pakulo itong ginagawa niyo? Gusto niyo ba talagang siraan ang anak ko." Pagalit na anang ina ni Ciara.

"I'm sorry, ma'am. Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Kaya sa police station na lang kayo magpaliwanag." Anang police sa harapan ng mag-ina sabay taas nito ng kamay. Agad naman itong nakuha ng mga kasama niya at mabilis na pinusasan ang mag-ina.

"Pagbabayaran niyo itong ginawa niyo. Kaya humanda kayo at magkikita tayo sa korte." Nagpapalag na ani Ciara. "R-rowan?" Gulat niyang aniya ng makita niya si Rowan na kampanting nakatayo.

"How dare you. Isa ka ba sa kanila?" Mangiyak-iyak nitong tanong kay Rowan na hindi natinag. "Hayop ka." Sigaw nito kay Rowan.

"You betrayed me. Hayop ka." Nanggagalaiting sigaw ni Ciara kay Rowan. Ngunit wala namang pakialam dito ang binata.

"What?"

"Tangna mo. Pati ang babaeng yung pinatulan mo?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng kasama sa kanya. "Kasalanan ko ba kung gwapo ako." Nakangisi naman niyang sagot.

"Crap. Magsama kayo nila Lawrence. Mga babaero." Iiling-iling nitong aniya kay Rowan na natawa. "Ganyan ba talaga kapag nakapag-asawa na ang tao?" Tanong nito.

"Kahit wala pa akong asawa. Hindi ako hayok sa babae. Tangna mo." Anito bago tinalikuran si Rowan at pumasok sa loob ng sasakyan. "Bro, naman. Minsan na nga lang tayo magkita galit ka pa." Ani Rowan na pumasok rin sa loob ng sasakyan.

"Shut up."

"Renan Jade Trinidad. Hindi mo ba ako namiss?" Nakangisi niyang tanong sa kasama. "Manahimik ka kung ayaw mong ihulog kita." Pagalit parin na anang kasama sa kanya. At dahil namiss itong asarin ni Rowan ay susulitin niyang magkasama sila.

"Oh! Come on. Bro, ayaw mo ba talaga makita ang kagwapohan ko?" Nakangising tanong dito ni Rowan. Ngunit sa halip na sagotin siya nito ay binato lang siya nito ng empty bottle ng mineral water. Panay naman ang tawa dito ni Rowan na kinailing ng kasama niya.

"But you know bro. I'm proud of you. Dahil pinapatunayan mo sa lahat na hindi lahat ng mga police ay police patola," ani Rowan sabay saludo kay Renan. "Hindi lahat ng mga police dito sa bansa natin ay kasing gwapo mo. At idagdag mo pang tapat sa trabahong sinumpaan. Wow. Amazing brother of mine. I'm really proud of you buddy. Ituloy mo lang yan ha. Wag mo gayahin ang ibang mga police na nakukuha sa salapi, kaya siguro lumulubo ang mga tiyan nila." Saad nitong binuntutan ng biro ang tinuran.

"Just shut up, Rowan. Ang ingay mo." Sita sa kanya ng kasama na seryuso sa pagmamaneho ng sasakyan. Sa halip na makinig ito ay ngumisi lang si Rowan. Kaya naiiling ang kasama at kung hindi ito nagmananeho ng sasakyan ay baka nabugbug na niya ang kasama.

For The First Time(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon