Chapter 2

20.4K 581 5
                                    

DAHIL sa nangyaring eksina sa restaurant ng pamilya ng kaibigan ni Sarah na si Shanney ay naging usap usapan ngayon ang pagkakaroon ng fiance ng isa sa Guerrero clan na si Greg. Kahit saang pahayagan ay maririnig mo at makikita at nakapaskel ang pagkakaroon nito ng non-showbiz fiance. Ang iba ay nagulat may natuwa at kinilig at syempre ang mga insecure ay napaismid nalan. Dahil hindi nila akalain na agad-agad mayroon ng fiance ang isang gaya ni Greg.

Habang nanonood ng TV si Sarah ay biglang nagflash ang mukha nila ni Greg sa TV.

TV news.....

Magandang araw po mga viewers ng TV news ngayon, narito po ang pangunahing hot chicka ngayon sa showbiz.

→Isang sikat sa music industry na si Greg Guerrero one of the Guerrero clans ay mayroon ng non-showbiz fiance. Kahapon lang po ito kinumperma ni Greg ang pagkakaroon nga niya ng non-showbiz beautiful fiance. At kung nakikita po niyo sa ating mga TV screen ay kapansin pansin po ang suot ng kanyang fiance na white diamond ring. Ayun sa ating sources ay isa umanong archetic graduated in Australia ang fiance ni Greg. Unica iha umano ito ni congressman Alcantara. Abah! Malihim din itong si Mr. Guerrero mga bes. Pero, pang FHM ang beauty ng fiance niya." Anang nagbabalita na tila kinikilig.

Dahil sa inis ni Sarah ay agad niyang ini'off ang TV sabay bato niya ng remote control sa couch. "Grrrrrr. Pahamak talaga. But ko pa kasi pinakialaman. Yan tuloy nadamay ako sa siraulong yun." Sita nito sa sarili. Maya't maya ay biglang nagring ang phone niya at ng makita kung sino ang tumatawag ay dinidma lang niya ito.

"Manigas kang Unggoy ka." Anito. Ngunit dahil makulit ito ay walang babalang sinagot niya ang tumatawag.

"Anong kailangan mong Unggoy ka?" Anito sa kabilang linya.

"Whoa. Take it easy honey, wag ka masyadong HB. Dahil mas lalo kang gumaganda at mas lalo akong maiinlove niyan sa'yo." Anang kausap ng dalaga. Samantala, pulang pula na ang ilong ni Sarah sa inis sa binata. Dahil ang akala nito ay nagpapalipad hangin lang siya dito, pero para kay Greg ay pawang totoo ang mga sinabi nito.

"Be ready honey, susunduin kita ngayon dyan sa house niyo, mayroon tayong pupuntahang film viewing sa araneta." Ani Greg dito.

"Tse! Pumunta ka mag-isa mo." Inis naman nitong aniya kay Greg.

"Honey, you can't do that. Bakit hindi ka tumingin sa labas ng mansyon niyo." Na siya naman ginawa ni Sarah at dito tumambad sa kanya ang mga reporter at mga paparazzi na nag-aabang sa labas ng mansyon nila.

"Kasalanan mo 'to impakto ka, matadyakan talaga kita sa bayag kapag nagkataon." Anitong naiinis kay Greg.

"It's okay! kung ikaw lang naman ang tatadyak sa'kin ay walang problema." Pang iinis lalo dito ni Greg.

SAMANTALA habang hinihintay ni conggressman Alcantara ang kanyang asawa ay agad nitong binuksan ang TV. Kaya hindi nakalampas sa ginoo ang balita tungkol sa kanyang nag-iisang anak at sa pagkakaroon nito ng fiance.

"Stellah, totoo bang fiance ng unica hija natin ang apo ni Mr. Arman Guerrero?" Ang tanong ni ginoong Alcantara sa kanyang asawa habang nakatutuk parin ang kanyang mga mata sa harap ng flat screen TV nila.

"Abah! Malay ko dyan sa anak natin Henry. Dahil wala naman nababanggit sa'kin si Sarah." Anang asawa ng ginoo na napapailing. "Pero, kung totoong fiance nga ng anak natin si Greg ay maganda yun. Pabor yun sa'min ni Rina. At magiging magbalae rin kami sa wakas." Saad ng ginang na nakangiti. Si Rina na tinutukoy ni ginang Stellah ay ang ina ni Greg na dating kaibigan nito.

"Oh! siya, handa kana ba ng makaalis na tayo?" Anang congressman sa asawa.

DAHIL sa kaliwat kanan ang naglabasang balita tungkol sa pagkakaroon ni Greg ng fiance ay naisip nitong makakabuting isama niya ang dalaga sa mga public gathering in showbiz. Nang mas makilala ito ng lahat. Kaya agad nitong tinungo ang bahay nila Sarah. At gaya ng inaasahan ng binata ay nagkalat sa labas ng mansyon ng mga Alcantara ang mga taga midea na nag-aabang.

For The First Time(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon