"Dapat pala ginalingan ko rin para may pa gshock si boss. Angas nito Vhong ha?" tinitignan namin yung relo na bigay ni Sir, gshock siya, tho mahal naman talaga yon pero ito yung klase na parang di rin talaga biro ang presyo.


"Nga pala... May regalo rin kami ni Jojo sayo. Congrats pre" inabot sakin ni Gilbert yung paperbag, laman nun ay isang polo shirt


"Pagpasensyahan mo na pre ha" bat ganon? parang may naghihiwa ng sibuyas dito sa tabi? halos maiyak ako, pero nakakatouch kasi na alam ko na di rin naman sila nakakaluwag-luwag.. parehas silang pamilyado na.


"Bagay naman sayo yung kulay eh.. sukat mo nga pre" agad kong hinubad yung suot kong pangitaas at sinukat yung bigay nila. Ang ganda


"O, sabi sayo Geng bagay kay Vhong yan eh!"


"Salamat mga tol.." niyakap ko silang dalawa. Ang swerte ko talaga sa mga taong nakakatrabaho ko. Kahit mahirap ang buhay, biniyayaan naman ako ng mga taong kagaya nila. Kahit ganon, may mga tao parin talaga na tutulong at tutulong sayo.





Nakatambay lang kami sa shop dahil tapos na namin yung mga nakapilang mga gawain. Sa wakas ay nagreply na rin si Annieka sa text ko sakanya kaya tinawagan ko nalang siya. Pagsagot niya parang may something na kakaiba, parang ang sungit ata? pero di ko na siya kinulit pa dahil baka mabugahan ako ng apoy. Mapuntahan na nga lang.

Pagdating ko sa bahay nila, si Nanay ang sumalubong sa akin. Kahit pa okay na kami, bakas pa rin sakanya na nagugulat parin siya sa tuwing nagpupunta ako ron.


"Nanay, si Annieka po?" tanong ko nang makapasok ako.


"Nasa kwarto niya, di siya pumasok sa office ngayon" napakunot yung noo ko, akala ko busy siya?


"May sakit po ba?"


"Silipin mo nalang sa itaas" tipid niyang sagot sa akin.



Nakailang katok ako sa nang mapagtanto ko na di naman pala naka lock yung pinto. Dahan dahan kong pinihit iyon. Pagbukas ko kay nakita ko siyang nakahiga habang nanunuod sa tablet niya. Di man lang niya napansin na nandon ako dahil naka-earphones siya.


"Hello" umupo ako sa kama, nang dahil don ay napabalikwas siya ng slight


"What are you doing here?" medyo mataray yung boses niya at nakasimangot siya, mukhang wrong timing ata ako.


"Masama ba pakiramdam mo?" naglean ako tapos sinuklay ko yung buhok niya pero mas lalo ata siyang nairita sa ginawa ko.


"No. Bakit ka ba nandito?" napakamot nalang ako ng ulo, mukhang di talaga maganda yung timing ko ngayong araw ha.



"Can you please get out?" grabe naman, pinalayas ako.


"Sige, Annieka.. sorry" medyo nalungkot ako, namimiss ko na rin kasi siya tapos ganon lang pero ayos lang, baka masama nga talaga yung pakiramdam niya.



"Nay.. uwi na po ako" paalam ko, next time nalang ako babalik siguro.


"Nasungitan ka ba? pagpasensyahan mo na, may dalaw eh" medyo natawa si Nanay sa sinabi niya.


"Ay ganon po ba? kaya po pala.. Nay, alis lang po ako.. may bibihin lang po." iniwan ko muna yung bag ko dun dahil babalik pa naman ako.






Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now