CH. 3: Sakay!

2 0 0
                                    

Paola's P.O.V.

(TUESDAY - AUGUST, 20xx)

Second day pa lang ng klase pero tamad na tamad na ako. Wala pa nga kaming mga projects at assignments eh. Paano pa kaya kung meron na? To be honest, matalino naman ako eh. Palagi akong nasa top. Yes, matalino talaga ako. Pati rin si Tef. PERO. Yes, there's a catch. Kapag na-distract ako ng kahit ano o sino pa yan, tumatagilid ako sa pagaaral. In short, I'm easily distracted.

Tulad na lang nung una kong dinate, remember? Yung bwisit na manliligaw kong bigla bigla na lang huminto sa panliligaw after 6 months tapos biglang nagka-girlfriend na iba? Ano nga bang pangalan non? Hahaha. Joke, I sound so bitter. I'm not, really. Hehe. Si Benj, Benj Madrigal to be exact. Simula nung niligawan niya ako at na-fall ako para sakanya, na-distract na ako sa pagaaral kaya tumagilid ako sa studies, pero nakabawi din naman ako. It took me some time, but I got there.

Ngayon, hindi ko na alam kung nasan siya. Ang huling balita ko sakanya, nag-migrate na daw sila sa London. Oh well papel, I don't care. At bakit ko nga pala siya nakwento? Hahaha. Sorry.

BEEP! BEEP! BEEP!

"O, iha nandyan na ata yung kaibigan mo." That's Manang Josy, head ng mga maids dito samin.

"Ah, sige manang. I'll go ahead na po." Inubos ko lang yung orange juice at lumabas na.

Pagkalabas ko, ibang kotse ang sumalubong sakin. Imbis na isang white Honda Civic ang makita ko na sasakyan ni Tef, ay isang black Audi R8. Tinted yung mga bintana kaya hindi ko makita kung sino yung tao sa loob.

Nagtataka pa din ako kung dito ba talaga dapat ang hinto ng sasakyan na to, o namali lang siya ng daan. Unti-unti akong lumapit para maaninag yung tao sa loob pero no use. Hanggang sa lumabas yung tao sa loob. Aba, naka-shades, V-neck tshirt na may graphic design at pantalon. Hindi ko makita yung sapatos eh. Hehe. Ang gara ni kuya!

Aba't! Teka nga! Kilala ko tong mokong na to ah. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako, pero hindi ako pwedeng magkamali. Siya to eh!

"Hoy, Miss Tapi. Tutunganga ka na lang ba dyan?!" Siya nga! Si yabang! Porma naman dyan.

Teka, breathe in, breathe out. Repeat. Para akong tangang nagiinhale-exhale dito. Trying to process what's happening right now. Why is this jerk here? At paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"HOY!" Sigaw nito tapos winave pa yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Hindi ko napansing nasa harap ko na pala siya.

"A-anong gi-ginagawa mo dito?!" Okay, bakit ako nauutal? Ts!

"Edi, sinusundo ka? Halika na. Ayaw kong ma-late." Sabay hatak niya sa kamay ko. Wala na din naman akong nagawa kaya sumunod na lang ako sakanya. WOOOOW. Ang ganda ng kotse ni Kenzi. Mayaman!

Nakafocus lang siya sa pagmamaneho at walang umiimik samin. Malapit na kami sa school nung tanungin ko siya, "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Bakit mo ko sinundo? Sinabi ko bang sunduin mo ko? Stalker ka no?!" Hindi ko na napigilan yung mga tanong ko hanggang sa napalakas na lang yung boses ko sa huli kong tanong.

"Shut up, pwede ba! Ang dami mong tanong. Sinabi lang sakin ni Aldrin na sunduin ka, he gave me your address. And heck no! I'm not a stalker. Psh! Baka ikaw dyan." Tumahimik na lang ako. Iniisip ko kung paano nakuha ni Aldrin yung address ko at kung bakit niya sinabing sunduin ako ni--

"TEF!" Hindi ko na natapos yung mga iniisip ko ng bigla kong maalala ang lokaret kong bestfriend. Of course, duh! Who else would it be?! Walang iba kung hindi si Tef Dantes.

"Ano ba?! Wag ka ngang sumigaw!" Ang sungit nitong lalaking to ah! PMS?

"Sorry na! Sorry!" Masungit kong sagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're EverythingWhere stories live. Discover now