Chapter 16 (Her feelings xx)

970 40 19
                                    

Weirdness xx

-

Monik's POV

Mabuti na lang at hindi nahalata ni Naomi yung pagbanggit ko sa pangalan ni Nathalie kahapon, iniisip niya kaya si Nathalie non?


"Yow twin sister!" may biglang umakbay sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Ang kambal kong sobrang lawak ng ngiti.


"Hi" sagot ko habang naglalakad kami papuntang booth para magbantay.



"Ba't ang lungkot mo ata?" tanong niya.


"Hindi ah! Masaya nga ako eh." sabi ko na ngumiti pa talaga, naalala ko kasi si Naomi.


"Aaah." tinanggal na niya pagkakaakbay niya sa akin at hindi na muling nagsalita.


Netong mga nakaraan na araw, ang weird ng mga kinikilos ng kambal ko. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may problema siya.


"Tinatamad akong magbantay Monik!" sabi niya habang nakasimangot doon na nakatingin na sa booth na babantayan namin. Tinanong ko kasi siya kagabi kung gusto niyang magbantay at pumayag naman siya pero bakit ngayon tinatamad na siya?


"Pumayag ka na kagabi! Wala ng bawian." sabi ko na hinila ang kamay niya papunta sa booth. Nadatnan namin sila Naomi, Aubrey at Nathalie na nag-aayos na doon. Maaga palang kasi kaya wala pa masyadong tao. Diba dapat hindi na magbabantay si Naomi dahil nagbantay na siya kahapon?


"Nasaan si Allison?" tanong ni Monica kay Nathalie pero nagkibit-balikat lang si Nathalie.


"Bakit hindi mo alam? Diba magkasama kayo sa condo?" tanong niya ulit kay Nathalie, bakit ba niya gustong makita si Allison? Pero nasaan nga ba si Allison?


"Oo kasama ko siya sa condo pero pagkagising ko kanina, wala na siya." sagot ni Nathalie na walang karea-reaksyon ang mukha, umupo naman si Monica doon sa isang upuan at kinuha ang cellphone sa bulsa.


"Hi guys!" bati ko sa kanila kaya ngumiti naman sila sa akin.


Tumulong na ako sa pag-aayos at natapos rin naman namin agad. Umalis muna si Nathalie pati si Aubrey para maglibot-libot kaya naiwan kaming tatlo dito. Ako, si Naomi at ang kambal ko.

"Bakit nandito ka? Magpahinga ka na lang muna dahil kayo naman ang nagbantay kahapon." Sabi ko kay Naomi kaya naman naupo na siya doon.

"Aalis na rin muna ako." sabi ni Monica pero sinamaan ko siya ng tingin.


"Anong aalis ka diyan! Ni hindi ka nga nagbantay dito kahapon kaya kasama kitang magbabantay ngayon, kailangan namang magpahinga ni Naomi ngayon dahil sila ang nagbantay kahapon dito." sabi ko na hinarangan siya kasi lalabas na siya.


"Psh! Ang daming alam! Tinatamad nga akong magbantay! Kayo na lang, tsaka Monik alam mo?" sabay bulong sa akin ni Monica.


"Chance mo na rin ito para ma-solo mo siya." nagulat ako sa ibinulong niya kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot noo.



"Anong sinasabi mo?" tanong ko na bumulong rin.



"Alam ko Monik, alam kong gusto mo si Naomi." sabi niya na tinanggal na yung kamay ko na humaharang sa kanya sabay labas pero mabilis ko siyang pinigilan.


"Sinabi mo ba sa kanya?!" tanong ko na napapalunok.


"Hindi, hindi dapat ako ang magsabi." sabi niya na ngumiti pero halata mong peke, wait. Bakit pekeng ngiti lang? hindi ba siya masaya? Nandidiri ba siya sa akin kasi ang gusto ko ay isang babae?


The Girls (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon