Chapter 16 (Her feelings xx)

Start from the beginning
                                    

"Bitawan mo na ako, may pupuntahan pa ako." sabi niya na tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya pero hinila ko siya papasok sa loob, hindi siya pwedeng umalis dito! Baka mapaamin ako ng wala sa oras kay Naomi tapos baka mandiri sa akin si Naomi kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya kaya mas ayos na rin na meron akong kasama para wala akong masabi o gawin na kakaiba.


"Hindi ka pwedeng umalis! Magbabantay tayong dalawa!" sabi ko sa kanya kaya naman sumama ang tingin niya sa akin.


"Ayaw ko ngang magbantay!" pagpupumilit niya pero hindi ko na siya pinansin, pinagpahinga ko na muna si Naomi doon kaya naman dalawa lang kami ng kambal ko ngayon ang nag aasikaso.


Habang may mga ikinakasal, ako yung nagpapanggap na pare at siya naman yung nag-aayos ng damit ng bride at groom.


"Heeey!" habang nagpapahinga kami dito ay biglang may isang babae na sumulpot, halata mong tibo siya dahil na rin sa porma at tindig niya. Siguro sa section c siya kasi hindi ko masyadong kaclose ang nasa section na yon.


"Gusto kong magpakasal kami ng babaeng yan!" sabi niya at pumunta sa direksyon ni Naomi tapos kinuha ang kamay niya sabay hila sa kanya sa pagkakaupo.


"W-wait!" sabi ni Naomi na nagulat sa nangyari, pati rin naman kasi ako nagulat.


"What do you think you're doing?!" pero mas lalo akong nagulat sa nangyayari ngayon at sa reaksyon ng kambal ko. Hawak ng kambal ko ang kamay ni Naomi tapos medyo nakayakap siya sa kanya, parang nanonood ako ng teleserye na pinag-aagawan ang isang babae.


"What?! Sabi ko gusto ko siyang pakasalan tsaka magbabayad naman ako kaya alisin mo yang pagkakahawak mo sa kamay ng gusto kong pakasalan!" sabi ng babae at nagpupumilit na tanggalin ang pagkakahawak ng kambal ko sa kamay ni Naomi.


"Huwag mong pilitin ang ayaw sa'yo! Tsaka hindi mo ba nakikita na nagpapahinga siya!" sabi ng kambal ko na hindi nagpapatalo. Bakit ba siya nagkakaganito?


"Tsk! Wala siyang sinasabi na ayaw niya sa akin, huwag kang epal! Taga-bantay ka lang dito!" sabi ng babae na hinila na si Naomi. Nagtitigan silang dalawa ng masama kaya naman pumagitna na ako at pinigilan silang dalawa sa pag-aaway.


"Hayaan mo na Monica." sabi ko at hinila na yung kambal ko.


"Ayaw kong suotan yan ng groom!" sabi ni Monica at umupo lang doon sabay nag-headset, pssh! Kahit kailan talaga itong kambal ko.


"Dito tayo, bibihisan ko kayo." sabi ko at pumunta kami sa dressing room. Binihisan ko na silang dalawa, pagkatapos ay lumabas na ulit kami at pumunta na ako sa harap para maging pare nila.


Kahit man ayaw ko itong ginagawa kong magpanggap na isang pare tapos ikinakasal sa iba itong babaeng mahal ko, wala rin naman akong magagawa kasi taga-bantay lang ako.


Nasa parte na kami na tinatanong ko silang dalawa kung gusto nilang maging parte ng buhay ng isa't isa pero biglang may sumigaw.


"Tama na nga yan! Nakakairita na kaya! Pati pagmumukha nilang dalawa nakakairita eh!" sabi ni Monica at inirapan yung babae.


"Tama na! magbayad ka na doon na babae ka! Tapos na ang kasal!" sabi niya na kinuha yung bayad ng babae tapos tinanggal yung ribbon sa damit niya at hinila na palabas sabay tulak sa kanya kaya natameme lang kami doon ni Naomi sa ginawa niya.


"What?!" pagkalingon niya sa amin na nakataas ang kilay.


"Bakit mo pinalayas?! Hindi ko pa nga tapos yung wedding ceremony eh!" sabi ko.


The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now