"Crush din ako ng crush ko eh" tapos pinilipit-pilipit ko yung basahan sa kamay ko.

"Ha? Crush? Anu yun? At bakit mo ginagawa yang.."tapos ginaya niya yung pagpilipit-pilipit ko.

Tsk.

Akala ko ba aware na siya sa mundo. Pero sabagay ilang oras palang naman siyang nagbabasa.

"Ahh, yun yung tawag sa taong nagugustuhan mo dahil mabait siya sa iyo"

"Ahh, pwede din ba kita tawaging crush"

Napatigil ako sa kilig session ko.

Ako? Crush niya?

"Ha? Gusto mo ba ako?"

Dug...dug...dug..

"Oo...."

"..... Mabait ka at pinatuloy mo ako sa bahay mo, bukod sa iyo wala na akong kilala kaya gusto ko ang pag-uugali mo"

"Ahhh, ganun ba. Hindi pwede pero pwede mo na akong tawaging Nate dahil Malay mo, maging mgakaibigan tayo"

"Kaibigan?"

Bingi ba to.

"Oo, as in ka-i-bi-gan"

"Sige, mukhang magandang ediya yan, ka-i-bi-gan" ginaya niya yung pagputol-putol ko
Natawa nalang ako at nakitawa nalang din siya.

Inayos na namin lahat ng gamit na nakakalat. Hanggang sa may nalaglag na kalat sa sahig, parang picture.

Nakita ko namang pinulot niya. Napansin ko naman na nakipagpalit na siya ng damit, HAHHAHAHAH mukha siyang hanger, bukod sa flat cheated siya sobrang laki ng damit para sa kanya. Pati na yung basketball shorts ko. Tas ang gulo-gulo pa nung buhok niya na mefyo nagbabrown sa sinag ng papalubog na araw HAHAHAHHAHA
Nakatitig lang siya sa piraso ng papel na pinulot niya habang nakakunot ang noo.

"Sino ito?"

At lumapit ako sa kanya.

Tiningnan ko yung picture

"Ahhh, wala" at hinablot ko yung picture sa kamay niya.

"Patanong wala, eh Nakapunta siya sa papel na iyan oh"

Nacutan naman ako dun sa pagsabi niya ng 'oh' parang bata lang na hindi convince.

"Ex ko..."

"...anu yung ex?"

".. Yun yung dati mong syota na babae, sinta , irog, at kung anu Mang tawag mo dun. Basta. Yung mahal na Mahal mo at gusto mong makasama uli"

Nabalot ng lungkot ang boses at sigla ko. Hanggang ngayon Amber, hanggang ngayon, ikaw parin.

"Siya ba ang tinutukoy mong crush kanina?"
Aba masyado namang matandain tong babae na toh

"Ahh hindi siya yun, iba yun"

"Madami kang iniirog, isa kang taksil sa pagmamahal."

Wow. Ako taksil?

"Wow, wag kang judgemental. Ang tawag dun moving on stage"

"Whatever"

Napahagalpak naman ako sa tawa sa panggagaya niya ng 'whatever' ko.

Hayst. Masaya din palang may kausap kahit papaano.

Nagpahinga muna kami at nanood ng TV.

"Pwede na ba akong magtrabaho" pag-oopen niya ng topic.

Tiningnan ko siya from head to toe.
At itinabon niya ang palad niya sa dibdib niya.

Akala mo naman may natatakpan Hahhahaha

"Hindi"

"Bakit namn, marunong na ako ng gawaing bahay."

"Kahit na, hindi pa yun sapat. Dapat makaisang buwan ka  muna dito at marami ka pang dapat matugunan"

"Ngunit ito pa lamang ang ikatlong linggo ko, sabihin mo anu bang dapat kong matugunan"

"Una, yang pananalita mo. Hindi yan uubra dito baka pagtawanan ka lang."

"Anung problema sa pananalita ko?"

"Pure tagalog, masyadong formal"

"Pangalawa, pagkilos mo"

"May mali ba sa kilos ko?"

"Masyado kang mahinhin, demure, conservative at sensitive"

"Naiintindihab kita, anu pa?"

"Kaalaman mo"

"Kulang pa ba ang pagbabasa ng mga librong ito?"

"Oppsss rule number one, the talking"

Pagpigil ko sa kanya

"Pwede mong sabihing 'sorry' instead of paumanhin, 'thank you' kapalit ng salamat at 'bye' kapalit ng paalam"

"Sige, susubukan kong gayahin ang paraan ng pananalita ninyo"

"Kapag nagawa ko na yun, maari na ba akong magtrabaho?"

"Ahhh, titingnan"

"Yes, ba ibig sabihin niyan. Sumasang-ayon ka"

Tumango nalang ako.

Nanonood kami ngayon ng seven sundays, feeling ko nagmomovie marathon kami.

"May pamilya ka ba?, Tell me about them"
Wow, napapahanga na talaga ako sa panggagaya niya. Pero parang masyadong perasonal ng tanong.

"Wag mo na itanong"

Tinatamad din kasi ako mag-explain

"Nagtataka lang ako, bakit mag-isa ka lang dito. Wala na ba sila?" Curious na curious talaga siya.

"Buhay pa naman, pero may problema kmai eh"

"Yung KATOTOHANAN na buhay pa sila, ay napakalaking kayamanan na"

Sabay buntong hininga

"Ikaw nasan pamilya mo?, bakit ka palaboy-laboy? At bakit sinasabi mo na galing kang 18th century?"

"Ahhh hindi kita pinipilit na maniwala, ngunit kailangan kung hanapin ang tunay na kaaway upang mapigilan ko ang mas malaking problema sa nakaraan, panigurado akong naapektuhan ang hinahaharap kapag nagkataon"

"Woooo, so isa kang sundalo o secret agent. Mala-james bond ka pala eh"

"Well, anu naman kinalaman niyan sa pamilya mo?"

"Ahhh, mamamatay sila dahil sa akin, kaya kailangan ko itong gawin para mabuhay sila"

"Paano kapag ikaw yung mamatay?"
Bigla nalang lumabas sa bibig ko yung tanong

"Yan na ang tadhana ko, hindi ko na yan mapipigilan"

Nalungkot ako bigla dahil Ramdam ko din sa tono ng pananalita niya.

"Wala na bang paraan?"

Napakunot yung noo niya?

"Crush mo ba ako?"

"Wooo, woo ,wooo tropa-tropa tayo walng talo-talo"

Pambawi ko naman. Hala, feeler din siya eh.

"Wala na, "sa pangalawang buhay na ang katapusan ng lahat" sabi niya sa akin."

"Sinong siya?"

At nanahimik na siya ng tuluyan.

Binitin ba naman ako, lakas din ng topak ng babaeng ito ahh.

Century Between UsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz