"Ha? Akala ko ba aalis ka na?"

Pakiwari ko'y hindi niya gusto ang presensiya ko. Ngunit wala akong ibang pwedeng malapitan, masyadong masasama ang ugali ng mga taong ito.

"Hindi pa ako maaaring umalis"

"Bahay mo? Bahay mo? Hiyang-hiya ako, sige ako nalang ang aalis" matapos ay naglakad na siya papalayo.

"San ka titira kung gayon?"

"Wooooooohhhh, alam mo. Rereglahin ako sayo" mataas na tono niyang sambit habang hinihila ang hibla ng kanyang buhok.

"Maari ba ginoo, ipapangako ko sayo sa oras na matapos ko ang misyong naiatang sakin.....hindi mo na ako makikita lahat t kailan. Marahil matatahimik muli ang iyong mundo"

Mga mata ko'y pangungusap, humihiling kay bathala na nawa'y mapagbigyan ang munti kong nanalangin.

Ngunit ilang minuto pa'y walang namutawing bibig sa kanya.

Kaya naman nagsimula na akong maglakad papaalis.

"Sige, pero hindi kita papatirahin ng libre"
Labis na galak ang aking nadama kaya napatakbo ako papunta sa kanya at agad siyang niyapos.

Naku, Matilda isa kang dalagang pilipina sa panahon ito. Lubayan mo muna ang pagiging sekretong alagad ng gobyerno sa panahon iyong pinanggalingan.

Napansin ko naman ang kanyang pamumula, sa palagay ko'y napakahina ng kanyang Puso. Sa simpleng mga pangyayari, agad siyang naapektuhan.

Naku, naku, mas lalo kang dapat mag-ingat, Matilda.

"Ako na muna magluluto, then, tuturuan kita para next time ikaw naman. Pati nadin mga gawaing bahay. Basta wag mong pasasabugin ang bahay ko ha"

"Labis ang aking galak ngayon, ginoo. Ngayo'y naiintindihab ko na din ang takbo ng buhay ng taong ito. Sa parang ito'y tiyak na napapadali ang aking misyon"

"Whatever"

Naku po, naibulalas ko pala ang dapat nasa isip ko lamang.

Naku.

"Mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM may pasok ako okay, kaya 3 oras lang kita matuturuan sa isang araw dahil may part-time din ako after school. Kaya wag ka mag-inarte at pabebe diyan."

Anu yung pabebe? Isa ba iyong kaugalian? Masama ba iyon?

Inilibot ko muna niya ako sa buong bahay, at siyang ipinakilala sa iba'y ibang kasangkapan. Naging madali naman para sa akin tandaan ang mga ngalan niyon sapagka't ako'y sadyang bihasa sa bagay na iyon dahil na rin sa aking mga nakaraang gawain sa taong aking pinagmulan.

Nagsimula siya sa kusina kung tawagin, gas stove na siyang bumubuhay upang initan ng pagkain, iyon rin ang hinawakan ko kanina. Sa coffee maker, na awtomatikong nagbeblend ng kape.

Anu kaya yung blend?

Binuksan naman niya yung ref na tinatawag na nagdadala ng malamig na hangin, ginagamit daw iyong upang ang mga lumang pagkain ay hindi masayang.

Maging ang mga kubyertos ang ipinakilala niya. Spoon at fork daw ba yun? At marami pang iba. Maging yung vacuum at paano gamitin ay tinuro din niya. Ang kanyang pagiging guro ay naging epektibo sapagka't mabilis akong natuto.

"Anu ang bagay na ito?" Hinimas-himas himas ko ang manipis at parihabang tila nakalutang sa pader ng tahanan.

"Ahh, t.v. ang tawag diyan, gusto mo nanood? Teka lang bubuhayin ko"

Kinuha niya ang isang maliit na bagay.

"Remote ang tawag dito, kailangan mo ito para mabuksan yang TV."

"FIRE!!!!!!!" at agad na itinutok nung lalaki sa TV ang kanyang baril sa akin.

"TAKBOOOOOO!" At tumakbo ako palapit sa kanya upang hindi kami marmtamaan pareho.

Isa pagkakamali ang ginawa ko, sapagka't natumba kami sa lapag.

"Aray!" Bulalas niya.

"Bakit mo ginawa yun?, walang mangyayari sayo, lalabas lang yan. Okay."

"Hindi ko sinasadya, ginoo. Nais ko lamang iligtas ang buhay mo"

"Hayst, yang mga taong iyan sa television ay hindi totoong nasa loob ng TV. Okay nasa ibang lugar sila. Malayong-malayo basta"

"Kung ililipat mo ito, kapag lalaksan mo ganito, kapag ayaw mo na ito. Hindi na ako makikipag-away sa iyo at baka humaba lang lalo ang usapan, wala akong panahon"

Umalis na siya ng walang pagpapaalam.

Marahil, hindi na iyon ginagawa ng amo sa alipin niya?

Century Between UsWhere stories live. Discover now