Wizard's Tale 2: Chapter 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uwaaaaaaah! Huhuhu!" Nahawakan ko kasi yung salamin na isa sa mga pamana ni Mama Allina sa akin. At dahil doon, aksidente kong nakita ang ubod ng panget kong mukha! "Nakakatakot ang itsura ko! Bakit hindi niyo man lang sinabi?"

Mukha akong Animus Ogreblin! Ang pinagsamang mukha ng Animus Reaper, Ogre at Hobgoblin! Ganun ka-panget at talagang nakakatakot!


* * *


Tuluyan nang nagtakip-silim pero hindi pa rin ako nakakaget-over sa nakita ko sa harap ng salamin. Feeling ko babangungutin ako.

Minabuti ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa gubat na kinaroroonan namin. Iba talaga kasi rito sa Otherworld. Ngayon lang ako nakakita na may ilaw sa mga ugat ng puno. Ito ang nagsisilbing liwanag namin ngayon bukod sa bonfire na ginawa nila kanina.

Tinabihan ako ni Brylle nang mapansin niyang tahimik lang ako sa pwesto ko. "Okay ka na?"

"Okay naman ako. Yung itsura ko lang ang hindi."

"Pft! Wala namang masyadong ipinagbago."

"Sinasabi mo bang mukha akong halimaw noon!"

"No, not that. Kahit ganyan pa ang itsura mo, ayos lang, dahil alam kong ikaw pa rin 'yan."

"Wushu! Pero ang lakas mong magpigil ng tawa sa tuwing tumititig ka sa akin!" Pero mabuti na rin at sinabi sa akin 'yun ni Brylle. Kahit alam kong pampalubag-loob lang 'yun, gumaan naman ang loob ko. Kinilig pa ako!

"Brylle, may gusto lang akong itanong. Kanina ko pa kasi napapansin 'yung mga punong may ilaw dun sa ugat! Ang galing! Anong klaseng puno 'yun?"

"Mga ordinaryong puno lang 'yun." Ordinaryo, eh may ilaw nga sa ugat! "Kaya lang nagka-ilaw dahil—" Napatigil siya at napaisip bigla. "Tara, ipapasilip ko na lang sayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa isa sa mga punong tinutukoy ko. Nang silipin namin ang ilalim nito, "Yung glowing birds na first time kong nakita sa Necro Market! Zhar-ptitsa ang tawag dun, di ba?"

"Yep! Sa ilalim ng puno namumugad ang mga Zhar-ptitsa para kapag umulan ay hindi sila mabasa. Kapag nabasa kasi sila, nawawala ang natural glow nila."

"Astig!" It's amazing, magical and out-of-the-Mortal-World talaga! Ibang klase! Napawi ng kagandahan ng buong lugar na ito ang kapangitan ng itsura ko ngayon!

"Gusto mong subukan natin silang basain?" Ano naman kayang pumasok sa isip nitong si Brylle at nag-suggest pa ng ganun?

"Baliw! Ibang klase talaga yang sama ng ugali mo! Nananahimik 'yung mga ibon tapos babasain mo lang?"

"Para lang makita mo kung paano sila nawawalan ng glow. Hindi naman sila masasaktan."

"Kahit na! Eh di tayo naman ang mawawalan ng ilaw!"

Nagkulitan na lang kaming dalawa bilang pampalipas-oras. Pero kung hindi pa kami tiningnan noon ni Prince Rouel, baka siguro nagtuluy-tuloy ang paghaharutan namin.

"Kumain na po tayo para pagkatapos ay makapagpahinga na kayo, Princess Alyanna. Alam kong napagod kayo sa paglalakbay at maaga pa tayo bukas."

Sinunod na lang namin ang Prinsipe. Masyado siyang kill-joy pero ayos na rin. Alam ko namang ginagawa niya 'yun para sa amin—sa akin.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon