Chapter - XVIII LAST CHAPTER

3.9K 88 12
                                    

after 6 months~~~

" Happy Birthday honey!! " bati ni Lyn habang hawak ang cake

" Thanks honey! i love you Lyn "

" i love you too rard! oh blow the candle na and make a wish! "

" sana po ikiss ako ng napaka gandang binibini sa aking harapan, amen "

" haha baliw ka talaga rard! " at sabay hinalikan ni Lyn sa pisngi si Gerard

* knock knock knock

" mukang may bisita yata ako ah sandali lang at silipin ko "

agad binuksan ni Gerard ang pintuan at dito ay nakita nya ang kapatid na si Girlie

" Happy Birthday kuya! "

" Girlie!! i miss you! tara pasok ka! "

" i miss you too kuya! "

at sabay sabay na silang kumain at ipinag diwang ang kaarawan ni Gerard...

-

"di ko inakala na sa lahat ng pinag daanan ko ay makaka move on pa pala ako, mabibigyan pa pala ng chance ang puso ko na mag mahal muli at mabibigyan pa pala ako ng pag asa para ipag patuloy ang buhay, minsan kung saan saan pa tayo nag hahanap ng pag mamahal, minsan napapalayo tayo pero ang hindi natin alam nasa tabi lang pala natin sya" sambit ni Gerard sa kanyang isip lang habang nag papahangin sa labas.

- AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! tulungan nyo ko!!!!

narinig ni Gerard ang malakas na sigaw ni Girlie kaya agad nitong pinuntahan sa kanyang kwarto hawak ang isang baril, at dito ay naabutan nyang muli ang killer na naka jacket na may hood at natatakpan ang mukha. huli na ng dumating si Gerard dahil napaka raming saksak na ang natamo ni Girlie.

" Girlie!!!! " sigaw ni Gerard

" Kuyaa..... " sambit ni Girlie hanggang tuluyan ng pumikit ang mga mga mata nito

" hayop kang killer ka bakit mo ba sinasaktan ang lahat ng mahal ko sa buhay! duwag! ipakita mo ang mukha mo! " sigaw ni Gerard habang naka tutok ang baril sa ulo ng killer

" ano natatakot ka ba? humarap kang killer ka! una si Helena, Lindsay si Lyn at ngayon pati kapatid ko dinamay mo pa!!! "

unti unti ay humarap ang killer, takot na takot si Gerard ngunit hindi nya pinapakita ang takot na nadarama at nag papaka tapang sa harap ng killer, habang naka tutok parin ang baril dito

" ipakita mo kung sino ka! "

habang naka yuko, unti unti nitong ibinaba ang Hood ng jacket, at unti unti rin inalis ang tela na naka takip sa bibig

laking pagka gulat at dismaya ang naramdaman ni Gerard sa nakita, sa sobrang pagka gulat ay naibagsak nya ang kanyang baril

ang killer ay walang iba kundi si Lyn

" Lyn????? papaano mong nagawa sa akin ito???? " galit at naiiyak na sigaw ni Gerard

" rard nuon pa lang minamahal na kita, pero kahit anong gawin ko napaka manhid mo!! "

" kaya ba pinatay mo si Helena? "

" oo! dahil nakita kong napakalaking hadlang nya saakin dahil nakita ko kung gaano mo sya kamahal! "

" Lyn di ko matanggap at lubos akalain magagawa mu ito! napaka bait mo! at ikaw ang besfren ko!! "

" yun na nga eh! hanggang besfren na lang ako sayo!! hindi mo ko mamahalin kahit kailan!! "

" Lyn mahal na mahal kita at mahalaga ka para sa akin pero ito ang ginawa mo sakin sinira mo ang buhay ko! "

" dahil manhid ka !!! "

" kunwari pa tinulungan mo ko, para mabuhay muli si Helena para magkasama kami uli, eh ikaw pala ang pumatay sa kanya! "

" oo, dahil alam ko naman na kahit mabuhay sya ay hindi rin naman sya mag tatagal, tulad ng nangyari.. at alam kong mapapa sa akin ka rin " sigaw ni Lyn habang tumawa ng napaka lakas

" hayop ka napaka sama mo Lyn! "

" akala ko wala na akong kaagaw sayo, pero bigla nanaman sumingit ang malanding si Lindsay... kaya isinama ko na rin sya kay

Helena HAHAHAHA !!! "

" pe-pero minsan ka rin naging biktima ng killer panong nang yari na ikaw pala ang killer? "

" kasama sa palabas yon, nag hire ako ng mag papanggap na killer.. para iligtas mo ako, para ma-realised mo ang halaga ko sayo.....at 2nd para di mo ko pag dudahan, ang galing ko diba? HAHAHA "

" pero bakit pati ang kapatid kong si Girlie dinamay mo Lyn!!!?? "

" dahil narinig nya ang lahat ng plano at ginawa ko.. napaka careless ko kasi at naiwanan kong bukas ang pinto sa kwarto habang may kausap ako sa phone, at mag susumbong daw sya sayo sisirain nya tayo rard!!! "

" napaka demonyo mo Lyn, di ko akalain nag mahal ako ng tulad mo, ang galing mo umarte! akala ko totoo lahat ng pinakita mo! "

" rard yung pag mamahal ko sayo totoo lahat yon, mahal na mahal na mahal kita rard higit pa sa buhay ko "

at lumapit si Lyn kay Gerard upang yumakap

" wag kang lumapit nandidiri ako sayo! demonyo ka Lyn! "

" mahal kita rard! at sinabi mong mahal mo rin ako diba!!! " sigaw ni Lyn

" at sa lahat ng nagawa ko yan ang pinaka pinag sisisihan ko! ang mag mahal ng Hayop na katulad mo!! "

" sa lahat lahat ng ginawa at sakripisyo ko para sayo? hayop ang itatawag mo sakin? hayop pala ah? "

agad na umatake si Lyn kay Gerard at sinaksak ito, tinamaan ito sa braso.. nahawakan nya si Lyn na pilit inilalapit ang kutsilyo sa kanyang Leeg, bagaman ay babae ito napakalakas din nito.. malapit ng umabot ang kutsilyo sa kanyang leeg ng biglang may humatak kay Lyn at itinulak ito ng napakalakas.

natulala na lang si Gerard sa kanyang nakita at di nakapag salita

" He-le-na ???? multo ka lang di mo ko mapapatay! " gulat na gulat na sambit ni Lyn

maputla na ito at halos agnas na ang kalati ng katawan, nanlilisik ang mga mata kay Lyn

agad na lumapit si Helena kay Lyn at sinakal ito hanggang tuluyan ng mamatay.

" mahal? " sambit ni Gerard

lumapit si Helena kay Gerard at unti unting nag bago ang itsura nito mula sa maputla at na aagnas na mukha , ay bumalik ang ganda nito na parang nabuhay muli.

" rard i miss you, paalam "

" Helena i love you wag ka umalis "

ng naka lapit si Helena ay inabot nya ang kamay kay Gerard.

" mahal ko, paalam rard.. " naka ngiting paalam ni Helena

kakaibang liwanag ang sumilaw sa mga mata ni Gerard at mula dito ay unti unti ng naglaho si Helena.

* WANG WANG WANG.

dumating ang mga pulis dahil may nakapag sabing dito nag tatago si Gerard at dito rin itinago ang bangkay ni Helena, nakita ng pulis ang mga bangkay nila Helena, Lindsay, Girlie at Lyn.. agad na dinampot ng mga pulis si Gerard at isinakay na sa kotse.

-THE END-

HELENAWhere stories live. Discover now