Chapter XI

3.6K 95 2
                                    

* knock knock

agad binuksan ni Gerard ang pintuan

" oh Lyn salamat napa dalaw ka "

" sympre naman, oh kamusta na besfren? " bati ni Lyn habang nilalapag ang mga grocery sa lamesa

" oy salamat dito besfren ah "

" wala yun, san si Helena? "

" nandyan lang sya sa paligid, nag iikot sa bahay, minsan mas gusto nyang maglakad lang ng maglakad. "

" ahh kamusta kayo ni Helena?, tuluyan ka na ba nyang naalala? "

" ewan ko ba, minsan naalala nya ko, minsan babalik nanaman sya sa pagka walang kibo "

" ganun ba? atleast naman nakilala ka na nya diba ,magiging okay rin siguro yan "

" sana nga Lyn, kunting panahon pa siguro, handa naman ako mag hintay "

-( AAAAHHHHHHH !!!!!!!!!!!!!!! )

mula sa kusina ay narinig nila Gerard at Lyn ang malakas na sigaw ni Helena, agad nila itong hinanap at natagpuan sa C.R

" Helena! "

tinawag ito ni Gerard ngunit hindi ito lumingon naka yuko lang, at ng lapitan nila ay may hawak itong salamin at suklay.

" Helena anung nangyari sayo? " tanong ni Gerard

at ng lumingon ito, laking gulat ni Gerard at Lyn sa nakita nila, na aagnas na ng bahagya ang kaliwang pisngi ni Helena at ang hawak nyang suklay ay puno ng buhok sapagkat nalulugas na ito.

" rard! bakit ganito ang pangit ko na! " tanong ni Helena habang umiiyak

di na sumagot si Gerard ang tanging nagawa na lang nya ay ang yakapin ito. hanggang sa nawala nanaman sa sarili si Helena at natulala nanaman.

" anung nangyari sa kanya kala ko ba binuhay na sya ng matandang yun besfren ? "

" e-ewan ko Gerard, gusto mo puntahan natin si lola para malaman natin "

-

at bumalik na nga sila sa matandang mangkukulam.

" lola bat ganun si Helena, na agnas ung kaliwang pisngi nya.. at medyo bumabaho na sya, akala ko binuhay nyu sya? pano sya mamumuhay ng normal kung ganyan " galit na tanong ni Gerard sa matanda.

" natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo? na hindi na sya magiging katulad ng dati. naibalik ko lang ang kaluluwa nya, ang ispirito nya! pero ang pisikal nyang katawan patay na! "

" ang labo nyo lola pero sabi nyo- "

pinigilan na ni Lyn si Gerard

" ah ganon ba lola, hindi lang siguro naintindihan ng maayos ni Gerard. sige mauna na po kami salamat " paalam ni Lyn

at hinatak na ni Lyn si Gerard sa labas.

" Lyn pano na to? pano na kami ni Helena??? "

" rard hindi ko alam! siguro hanggang dito na lang talaga kayo "

" hinde! hinde! hinde! " sigaw ni gerard habang umiiyak

* plap!

sinampal ni Lyn si Gerard

" ayan para tuluyan ka ng magising sa kahibangan mo! "

walang ginawa si gerard kundi umiyak lang, at niyakap na lang sya ni Lyn

at nakauwi na sila ng bahay, naabutan nila si Helena na nakaupo at nakatulala lang.

" oh sya rard, uwi na ako "

" Lyn pwede bang dito ka muna ? kailangan ko lang ng kausap ngayon "

" mukang wala sa sarili si Helena ngayon, kaya kailangan mo ko ngayon. sige sasamahan muna kita. "

" Lyn.. di naman sa ganon pero- "

" hinde wag ka mag alala naiintindihan ko "

" Lyn wag ka ng mag tampo, alam mo naman na mahalaga ka sakin "

" okayy sabi mo yan besfren eh! "

at nagkatawanan na ang dalawa

" pero alam mo Lyn oras oras ko padin iniisip ang killer na yun, kung di dahil sa kanya okay sana lahat diba? " sambit ni Gerard

* knock knock knock!

natigil ang usapan dahil sa may kumatok.

" rard ako na mag bubukas " pangunguna ni Lyn sa pintuan.

" Hi ate Lyn!!!! "

" Girlie?? at ka-kasa-ma mo ang kil- " gulat na gulat na sagot ni Lyn " at bakit kasama mo si Lindsay?????"

HELENAWhere stories live. Discover now