Paano ang tamang paggawa ng Dagli?

18.6K 40 20
                                    

Hi! Idinagdag ko lang ito para ipaalam sa inyo kung ano ang mga RULES sa paggawa ng Dagli.

May mga nababasa po kasi akong mga Dagli pero pambungad pa lang ay mali na. Hindi lang dito sa wattpad ko nababasa.

Kahit sobrang ganda ng paggawa mo, mawawalan pa rin iyan ng saysay kung hindi mo naman susundin ang mga panuntunan nito.

Hindi ako perpektong tao pero gusto ko lang ibahagi sa inyo ang mga natutunan ko sa paggawa nito. Maraming salamat sa teacher ko sa Filipino.

Isinulat ko ito dahil gusto kong maibahagi sa inyo ang mga panuntunan na alam kong tama. Pero kung hirap kayong magtiwala, i-search niyo na lang sa google.

Mas mabuting bago niyo basahin ito ay alam niyo na kung pa'no gawin. Mas nakaka-proud kasing mapuri ka lalo na't sarili mong likha. Mas feel.

PAALALA: Gaya nga ng sabi ko ay hindi ako perfect so 'yung ibang rules ay hindi ko na nasunod sa bandang dulo. Pero inaayos ko na naman siya. Tinamad lang ako nung ginagawa ko ito. Salamat.

1. Ang Dagli ay mas maikli pa sa maikling kwento. (Ang dagli ay isang maikling maikling kwento. Pwedeng kalahating pahina lang o hindi hihigit sa isang pahina. Kung may sobra ay ok lang, pwedeng i-edit para mas paiksiin, para mas malakas ang impact. Malaking challenge kasi pagtitipid ito ng mga salita sa isang kwentong buhay na may tauhan, milyu, dialogue, conflict at sub conflict, may plot at sub plot at higit sa lahat may statement. crdt.)

2. Kailangan 'yung pambungad na salita ay nagsisimula sa aksyon. (Halimbawa: Sinampal ako... Naglalakad ako... Nadapa ako... etc.)

3. Hindi po dapat na third P.O.V (Ang paggawa ng Dagli ay hindi ka nagku-kwento kundi ikaw mismo 'yung nakakaranas no'n. First Point of View ang dapat na gamitin.)

4. Lagyan ng punchline ang dulo (Mahirap ipaliwanag eh. Basahin niyo na lang 'yung story ko.)

5. Dapat na dalawa ang meaning ng Title

So ayun lang 'yung natatandaan kong rules ng Dagli. Nakalimutan ko na rin 'yung buong detalye dahil halos isang taon na ang nakakaraan mula ng isinulat ko ito. Baguhan pa lang ako sa pagsusulat no'n.

Sana, kahit papaano ay may natutunan kayo mula sa akin. At sana, makagawa kayo ng Dagli na kaya niyong ipagmalaki sa buong mundo na inyo talaga at hindi kopya lang.

WELCOME IN ADVANCE!

-jurealcantara



DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon