Kanta 016

2K 51 9
                                    


Napatayo akong bigla dahil turn na ni Paulo para kumanta. Buti nalang talaga kaarawan ng pinsan ko ngayon kaya may pag-asa akong marinig muli yung boses ng taong mahal ko.

Minahal kona s'ya kahit alam kong wala akong pag-asa, pero hangga't may buhay may pag-asa diba. Napangiti ako dahil dumako ang tingin n'ya sa gawi ko, kahit saglit na sulyap lang mula sa kanya sobrang saya kona.

×Ang kutis mong kaylambing, maginhawa sa piling. Ang yong ganda ang lakas ng dating, hindi ko mapigilang maakit sayo 'pag nakikita ko... Ang buhay na buhok momas lalong lumawak ang ngiti sa aking mga labi dahil nagsimula na s'yang humakbang papunta sa gawi ko. Ito naba?

×langhap ko ang simoy ng iyong pabango pag kumakapit na ito sa mga palad ko.

Hindi makatulog sa gabi 'pag naiisip na hindi ikaw... Ang katabi, pero kumapit ka mahal ko oh at wag na wag kang bibitaw.

Ang tanging hiling ko sayo...×
Papalapit na s'ya ng papalapit at medyo kinakabahan na ako kaya napayuko nalang ako dulot ng sobrang kaba.

Pero labis na pagkadismaya ang nararamdaman ko. Oo nga pala, tanga lang ang taong naniniwala sa HIMALA. Lumagpas s'ya! At huminto sa harap ni Cassie na nasa likod kolang pala, Si Cassie ang babaeng mahal ng taong mahal ko:(

Nasampal na naman ako ng realidad na OO, kumakanta s'ya ngunit hindi para sa akin, kundi para sa babaeng mahal n'ya.





DAGLIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt