Galit 021

1.2K 37 2
                                    

Tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa sampal ng aking Ina. Galit na galit s'ya dahil sa katangahan ko. Well, halos araw araw naman yata nagagalit s'ya sa akin.

Minsan nga iniisip ko kung mahal kaya ako ng nanay ko? Kase hindi ko maramdaman eh, puro palo n'ya na lang at sumbat ang nalalasap ko.

Ako si Mica, walong taong gulang pero kung itrato ako ng nanay ko ay parang ang tanda ko na. Magkamali lang ako ay nagagalit na s'ya.

Pero matapang ako, kaya kahit sobrang hirap pigilan nitong mga luha ko ay pinilit ko pa rin.

"Anak naman, kailan ka ba magtitino? Diba sinabi ko na sayong huwag kang sumasama sa mga kaibigan mo ngayon? Alam mo namang mapapariwara lang ang buhay mo kung sila ang kasama mo." Napahinga ako ng maluwag dahil ang hinahon na ng boses ni nanay ngayon. Ibig sabihin, lumipas na ang galit n'ya sa akin.

Pero bakit ko naman lalayuan ang mga kaibigan ko? Ang saya kaya ni lang kasama. Bumuntong hininga na lang muli ako dahil kahit ilang ulit sabihin ni nay na layuan ko ang mga kaibigan ko ay hindi ko pa rin gagawin. Hinding hindi!

---------------------

Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Ngayon ko lang kase ulit nakita ang nanay matapos kong maglayas sa amin noon.

"Anak ko, ano na ang nangyari sa iyo?" Tanong nito na naging sanhi ng mas lalo ko pang pag-iyak.

"Hindi ko din po alam nay.
Nay tulungan mo ako, ayokong makulong dito habang buhay." Pagmamakaawa ko kay Nay, habang pilit akong sumisiksik sa pagitan ng mga bakal na ito upang makalabas. Pero imposible.

Dapat pala hindi ko sinuway si Nay noon, kung sinunod ko sana s'ya ay wala ako sa kulungan ngayon. Ang tanga ko kase, naniwala akong hindi ako mapapahamak kasama ang mga kaibigan ko pero nagkamali ako.

Ngayon ko lang rin naisip na sana ok pa ang lahat kung sinunod ko ang payo ni Ina. Nagagalit lang naman pala s'ya dahil nais n'yang gumanda ang buhay ko ngunit binigo ko lamang ang aking Ina.

Ano ba akong klaseng anak? Walang kwentang anak!




DAGLIWhere stories live. Discover now