Chapter 7: The Outing

26 2 0
                                    

"SEI sasama kaya si Sir Vince?"

"Bakit ako tinatanong nyo?"

Kasalukuyan kami ngayong naghahanda para sa outing namin bukas. Nirequest namin yun kay Vince at dahil nga ang alam nila friends kami  kasi nakikita nila kaming laging magkasama kaya ayun, ako yung inutusan nilang mag sabi. Pumayag naman.

Sa isang kundisyon.

Dapat kasama sya.

"Eh close kayo eh."

"Psh di kaya."

"Tangi ka pa. Eh usap usapan na nga kayo ng buong department. Baka nga di lang kayo friend eh. Kitang kita kaya kung pano dikit ng dikit sayo si Sir. Anong pinakain mo dun? Nung nakaraan lang napakasungit nun ah. Tapos bigla nalang.."

"Magtigil ka nga. Hindi ganun yon."
Sa totoo lang naiilang na ako sa mga tingin nitong babaeng to eh.

"Oh sya sige. Bilisan na natin dito para okay na bukas.

"Saan nga pala yung outing?"
Tanong ko kay
"Ang sabi ni Ms.Gelli surprise daw."

Si Miss Gelli ang head ng buong department namin. She's already 48 years old kung hindi nyo natatanong. Miss padin kasi tumandang dalaga. Pero hindi gaya ng iba mabait si Ms. Gelli sya din ang nagpasok sakin dito sa kompanya nato. At super close kami. Well share ko lang naman.

Maaga kaming pinauwi ni Boss. Para daw makapaghanda kami para sa Outing bukas.

"Hindi ka talaga sasama bakla?"

"Oo girl. May date kami bukas ng boylet ko eh."

"Bahala ka. Basta wag mong sasabihing di kita sinabihan ha. I think magiging masaya pa naman yun."

"Don't worry day. Mas masaya ang days ko bukas. Di lang happy kundi heaven na heaven."

"SEI na kasya eh."

"Ano? Pano yan?"

Dalawang bus lang lasi ang nakahanda para sa lahat ng empleyado. Lahat yun parepareho ang sinasabi na puno na daw.

Hindi ba nila alam na nakikita ko dito mula sa labas na marami pang empty seats. Pinagloloko ba nila ako?

"Hoy kayo mga dipungal kayo. Wag nyo akong pinagloloko. Patingin ako."

"Wala na nga Sei." Sabi ni Amy tapos ay humarap sa driver.

"Manong tara na alis na tayo."

Ilang segundo pa ay naiwan akong nakatunganga dito sa harap ng Salvatore building.

"P****** nyo! Hirap na hirap ako sa pagpili ng panty na dadalhin ko kahapon tapos iiwan nyo lang ako!"

Para na akong tanga ditong pasigaw sigaw. Napapatingin nalang din ang naglalakad.

"Hanggang kailan mo ba balak na sumigaw dyan?"

Napalingon ako sa nagsalita.

It was Vince. Nakalabas ang ulo nito sa bintana ng sasakyan nya.

Tiningnan ko sya na tila naghihinala.

"Plinano mo ba to?"

"No. Why would I tell them na wag kang pasakayin sa bus? "

"And how did you know na hindi ako makasakay sa bus?"

Kitangkita ko sa pagmumukha ng lalaking ito na nagsisinungaling sya. He's tense that's why.

"Ahm t-tinext ako n-ni ano ni Ainy!"

"Ainy? Sino naman yun?" Sunod na tanong ko pasakay ng sasakyan nya nang hindi tunatanggal ang tingin sa kanya.

"Yung kaibigan mo?"
Nagiwas sya ng tingin habang sinisinulang paandarin ang sasakyan.

Ikinabit ko muna ang seatbelt bago ibalik ang atensyon kay Vince.

"Si Amy ba ang tinutukoy mo?"

"S-si Amy? Ah oo si Amy nga. Bilisan na natin."

Naging mabilis lang ang byahe dahil maaga pa naman. Wala din masyadong traffic. Isang oras lang ang byahe bago kami makarating sa destinasyon namin.

"Wag ka munang bababa ha."

"Ha?"

Akala ko kung ano na. Ipagbubukas lang pala ako ng pinto.

Maganda ang venue. May mga nakalinyang puno ng niyog sa likuran ng mga nakahilera ding mga cottage. Puti ang buhangin at malinaw ang tubig sa dagat.

Tanaw ko mula sa entrance ang isang malaking mansyon sa pinakadulo ng resort.

"You like it?"

"Pwede na."

"Why? Bakit pwede lang? Sabihin mo kung anong mali para maayos na natin."

Pinanlakihan ko sya ng mata dahikml sa sinabi nya.

"Tumigil ka nga. Ang O.A. mo. Minsan ang tao pag sinabing 'pwede na' ibig sabihin non gusto nila. Hindi nila sinasabi ng direkta ang talagang gusto nilang sabihin dahil feeling nila hindi sapat o hindi pa dapat."

"Bakit feeling ko may pinanghuhugutan ka sa mga sinabi mo?"

"Wala no. Feeling mo lang yon."

"Oy nandyan na pala kayo Sir Vince. Kanina pa namin kayo hinihintay." Pagsalubong sa amin ni Jeoffrey na isa sa officemates namin.

"Sorry for that. You may go to your respective rooms guys. Mukhang pagod na kayo sa byahe. Bukas nalang."

TEKA bakit sila tagiisa ng kwarto tapos ako kasama ang manyak na to.

"Ang unfair Vince ha! Ikaw na lalaki ka napaghahalataan na kita eh."

"We just run out if rooms babe. Kaya tama na yan at tabihan mo na ako dito." Sabi nito at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi.

Tiningnan ko sya ng matalim at ipinagkrus ang mga braso sa aking harapan.

"Eh paano ba naman na di mauubusan? Tig iisa nga sila diba?
50 ang rooms dito at 52 tayo lahat. Sina Gerald at Simon okay lang na magkasama sa isang kwarto dahil pareho naman silang lalake pero ikaw? Kasama ako? Pwede namang si Amy nalang diba?"

"Oo na sabi mo eh. Tama na yan. Tabi na dito bili."

"Ayoko. Manigas ka dyan."

"Babe kanina pa matigas kaya sige na. Come here. Kunyare pang ayaw mo eh mas nauna ka pa ngang pumasok dito kanina na parang excited ka pa. Tingnan mo nga may pa-lingerie ka pang nalalaman. Hindi ka naman dati nagsusuot ng ganyan ah." Patuloy na pag-aaya nito sa higaan.

Muli ko syang pinanlisikan ng tingin. Angkapal. Hindi totoo yun. Medyo lang.

"Lika na babe. Come to me and let the love begin."

Tsk.

Bandang huli ay ako rin ang sumuko. Lumapit ako sa higaan at pagapang na nahiga.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa bewang ko.

"Vince."

"Hmm?"

"Subukan mo lang na gapangin ako makikitamo. Huhubuan kita."

Nagsumiksik ito sa likuran ko. Ramdam ko ang init ng hininga nya sa may batok ko.

"I'll try babe. I'll try."

Get You Back (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon