"Akala ko tayo lang?" Baling ko kay Anne.


"Ay! Ayaw mo ba akong nandito?" Paglingon ko ay nakasad face na si Jema. Natawa naman ako dahil alam kong nagpapaawa lang siya.


"Hindi naman sa ganon. Nabigla lang ako." Nakangiting baling ko sakanya na ikinangiti din niya.


"Akala ko ayaw mo e. Sabihin mo lang, aalis na ko." Biro niya pero ng nakita niyang di ako natawa ay tumingin siya sa milktea niya.


"Sorry" bulong niya. Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi magandang pakinggan paggaling sakanya.



"Guys wait lang. I just take this call." Lumayo na agad si Anne pagsabi niya hindi na kami hinintay makasagot ni Jema.

Walang nagsasalita samin hanggang sa makabalik si Anne.

"Guys sorry ha. Pero I need to go na. Kailangan ako ni Dave. I think it is really important kasi hindi naman niya ko papapuntahin sakanya if na hindi." Si dave ay long time boyfriend ni Anne. 2 yrs na sila.


"It is okay. Go." Sabi ni jema sakanya. Bumaling naman sakin si Anne kaya nginitian ko siya sinyales ba okay lang.


"Thanks guys. Bawi ako next time promise! Bye!" Agad na umalis si Anne sa harap namin. Now it is me and jema.




"Gusto mong maglakad lakad muna? Maaga pa naman 5:30." Nginitian ko siya sabay tayo. Naglakad lakad kami habang umiinom ng milktea.





"Gusto mong pumunta sa school? May park kami dun magandang tambayan." Suggest ko sakanya kasi palakad lakad nalang kami dito sa SM.



"Hindi ba nakakahiya? Papasukin kaya ako?" Tumigil muna kami ng paglalakad tutal malapit na naman yung exit.


"Kahit hindi nakauniform pinapapasok sa school namin. Hindi naman mahigpit dun. Tsaka konti nalang student dun ngayong oras. Dun nalang tayo ha?" Second time niya to makakapunta sa school ko kasi pinunta ko na siya dun noong kami pa. Dun kasi ako naghighschool pinuntahan kasi namin noon yung mga school ko from elem to highschool.



"Sige. Tara na." Kaya tumuloy na kami sa paglalakad.









- - -

"Ang ganda talaga ng school niyo no? Puro puno." Natawa naman ako sa description niya. Yup mapuno ang school namin. Nandito na kami sa park nakaupo.





"Bakit ka umalis dito? Bakit di mo agad dito tinuloy yung pagcollege mo?" She's referring sa pag iiba ko ng school .


"Nagsawa ako." Sagot ko habang nakatanaw sa mga puno.



"Ang dali mo namang magsawa." Is she referring to my school or to something between us before?



"Grabe ka naman. Hindi naman. 4 yrs ako dito. 1st yr to 4th yr. So gusto ko ng new environment kaya lumipat ako." As much as possible ayokong lumayo ang usapan namin. Mas maganda yung ganito lang.





"Bakit ka bumalik?" Tanong niya bago bumaling sakin ang mga tingin niya. Kaya tiningnan ko din siya.




"Wala naman sigurong masama kung bumalik ako di ba? Alam mo naman yung reason bakit umalis ako sa school natin nung college kasi I didn't passed the qualifying exam. And then dun sa pinaglipatan kong school ang toxic ng mga tao. And now I'm here I guess because this school become my comfortzone. Bumalik ako kasi pakiramdam ko dito safe ako." Bumaling ang tingin niya sa paligid namin.




"10 yrs from now. Ano kaya satingin ang buhay mo?" Ang random ng pinag uusapan namin. Ganito kami before.





"I guess teacher na ko nun. May family na. May anak na." Nakangiting sabi ko habang nakatanaw sa malayo. I really like kids. I love to have one.





"Family? Child?" Tanong niya bago binaling ang tingin niya sa milktea na hawak niya. Paubos na.





"Family? Yung family na masaya syempre. Family na buo. Gusto kong magkaroon ng asawa na handa akong pakasalan at handang bumuo ng pamilya kasama ako. Gusto ko ng isang tahimik na family without complication."



"Kay Samuel mo nakikita yan?" Nabaling ang tingin ko sakanya. Nakatingin pa rin siya sa miktea niya.




Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.


"Samuel is a nice guy. Sweet, loving, and kind. I guess being with him my life will not be complicated. How about you? Anong family ang gusto mo? " Napatingin siya sakin.





"Family? I don't know. Before I was so sure about my dream family. But now? I don't really know. It become blurred all of a sudden."

Dare or ConsequenceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora