7: Humble

8.7K 444 9
                                    

Her sister was crying that night when she called. Ipinapakiusap nito na hanapin niya si Ayder Filan at sabihin sa binata ang nangyari rito. Ibinigay pa nito ang address ni Ayder sa bahay at sa opisina nito. She just told her to forget about the man.

Doon na siya nagkaroon ng agam-agam sa kapatid. However, she knew her sister very well. She was never an attention-seeker. Mahina lang ang loob nito pero hindi naman gagawa ng ganoong bagay kung hindi talaga nasaktan. But then again, she has been away for quite some time.

Kaya napagpasyahan niyang dumistansiya muna kay Ayder. Kailangan muna niyang timbangin ang sitwasyon at alamin ang totoo. After that night, they were civil. Pinabayaan na siya nito sa gustong gawin pagkatapos ng trabaho. Hindi na rin siya nito pinapaalalahanang sumabay sa pagkain.

They've been to Cebu and Davao. Hindi siya masyadong lumabas doon at namasyal. She had been there for quite some time plus it was too commercialized. Saka lang siya namamasyal kapag last day na nila. In turn, there was no argument between her and Ayder. Nag-uusap lang naman kasi sila kapag may ipapa-take note ito sa kanya.

Again, she couldn't see anything wrong about Ayder. Mukha talaga itong mabait lalo na sa pakikitungo sa mga empleyado. He wasn't too authoritarian neither linient.

Their next destination was Bohol. It was an island resort. The resort don't have a hotel. Hile-hilerang cabin lang sa tabing dagat na nagmumukhang kabuti sa malayuan.

Kumunot ang noo niya nang igiya sila sa isang cabin. Pagbukas ay bubungad ang living room na kumpleto sa gamit. May maliit na bar counter na nagsisilbing divider nito mula sa maliit na kusina. It was fully furnished and has a modern look.

"Dito---?" she wasn't able to think of the correct words to say. Nagtapos doon ang pangungusap niya.

"Yes. You'll occupy the room on the left. I'll stay on the other room on the right," Ayder told her as if reading her mind.

Ang tinutukoy nitong kuwarto ay may magkaharap na pintuan. Kalahati yata ng buong cabin ang kabuuan ng dalawang kuwarto. Kinuha na ng staff ang luggage nila at dinala roon.

Wala na siyang nagawa kundi tumango na lang. Umupo si Ayder sa long couch pagkaalis ng staff na nag-usher sa kanila.

"This resort is my favorite," he told her. Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung uupo rin siya sa kaharap na silya o magpapaalam na maglalakad-lakad muna sa labas.

She watched as Ayder stood up and walked towards the wall facing the ocean. Inililis nito ang kurtinang tumatabing sa glass wall. Mula roon ay tanaw na tanaw ang asul na dagat na may puting buhangin. He opened the sliding door leading to the veranda. Dumampi sa balat niya ang malamig na hangin. The sun was nearly setting and the view was spectacular.

"Walang signal. Walang bars. Walang restaurants. You will be at peace with nature," he stated. She didn't know how to react when Ayder looked back and stared at her. Her breathing hitched that she had to inhale deeply.

"Would you like to walk around?" tanong nito. Napalunok pa siya. Kanina pa niya iyon gustong gawin. Para kasi itong katulad ng private resort nila. Na-preserve ang natural na ganda ng kapaligiran. Maliban sa cabins, wala na siyang nakitang ibang kongkretong estruktura.

"Kung hindi ka pa pagod," dagdag nito.

Tumango siya at ngumiti ng tipid. "Sige."

Sumunod siya nang lumabas na ito. He waited for him to lock the cabin. Magkasabay silang naglakad. Sinundan lamang niya ito.

Wala siyang nakitang artificial umbrella sa paligid. Mga punong kahoy ang nagsisilbing lilim sa tabing dagat. May mga duyan sa pagitan ng mga puno. There were guests on the hammocks. Ang mga upuang pahingahan na nasa mga lilim ay gawa sa driftwood. May mangilan-ngilan ring nakaupo roon.

Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)Where stories live. Discover now