2: Her Car

13.9K 688 48
                                    

Inip na inip na si Aisha sa nangyayari. Isang linggo na siya sa kumpanya pero ni hindi siya tinatapunan ng tingin ni Ayder. Akala niya ay nakuha na niya ang atensyon nito noong nagkita sila sa bar pero hindi pala. She was sure he recognized her. Bakit binayaran nito ang bill niya kung hindi siya nito nakilalang empleyado ng kumpanya? She was expecting him to remind her to pay off the amount but there wasn't any word from him.

Pumunta pa siya sa accounting office para itanong kung may nakaabang na deductions sa sahod niya. Nahiwagaan pa yata ang mga ito sa tanong niya dahil nangingiti nang sabihing walang deductions maliban sa mga mandatory ng batas.

Madalas din siyang magpaiwan kapag uwian na nilang staff pero hindi pa rin niya masabayan sa paglabas ang binata. Nagkukunwari siyang tinatapos ang trabaho pero lagi pa rin silang nauunang umuwi ng sekretarya nito. Nakagaanan na nga rin niya ng loob ang sekretarya nito dahil madalas silang magkasabay umuwi. Ayaw naman niyang magpaiwan dahil baka mapaghalataan siya.

"Kapag gano'ng uwian, puwede ka nang mag-out kahit hindi mo natapos ang ginagawa mong report. Ituloy mo na lang kinabukasan," saad ng sekretarya pagpasok nila ng elevator. She keeps reminding her that.

"Okay lang naman po," kunwari'y nahihiya niyang tugon. Napangiti naman ang matanda. Sometimes, she hates pretending in front of her. Mabait kasi ito. Nakakakunsensya na nagsisinungaling siya rito.

"Mukha po kasing istrikto si sir baka mapagalitan ako," she added. Natawa ng mahina ang sekretarya.

"Naku, mukha lang seryoso lagi pero mabait na bata 'yang si Ayder," tugon nito. She just nodded but her entire being disagrees. Saang banda naging mabait ang binata? He was the reason why her sister almost died.

Pareho silang natahimik hanggang sa makakuha siya ng buwelo na muling magsalita.

"Bakit nga po pala 'Nay ang tawag sa inyo ni sir Ayder? At hindi n'yo pa po yata siya ni minsan tinawag na sir?" tanong niya rito. She's been wondering about that since day one.

"Inalagaan ko siya hanggang 6 years old kaya nanay ang tawag niya sa akin," tugon nito. Nakangiti ito habang sumasagot sa tanong niya.

"Full time yaya niya ako hanggang two years old siya. Pagkatapos no'n ini-sponsor ako ng daddy niya sa kolehiyo kaya ako nakapag-aral. Ayaw ko naman na basta na lang ako pag-aralin kaya nagpatuloy ako sa pag-aalaga sa kanya kapag walang pasok sa eskuwelahan," kuwento nito.

"Noong nakapagtapos ako, kinuha na akong executive secretary ng daddy niya," pagtutuloy nito. There is glow in her face as she said it. She was surprised to hear that. Mabait naman pala ang ama ni Ayder. What happened to him? She smirked at the back of her. Maybe "like father, like son" don't apply on them.

"Type po siguro kayo ng daddy niya," biro niya. Tumawa naman ito ng mahina.

"Loka kang bata. Mabait lang talaga si sir Vander," sambit nito.

"Saka loyal sa asawa 'yon," dagdag nito. Natawa na lang din siya. Her inside is smirking. Hindi siguro talaga namana ni Ayder ang kabaitan ng ama nito.

She had so many things to ask. Mukhang close kasi ito sa pamilya ng boss nila pero nawalan na siya ng pagkakataon dahil nagpaalam na ito nang nasa lobby na sila. Naghihintay kasi ang asawa nito sa waiting area ng building.

She immediately opened her carpooling app and booked a ride when they part ways. Ayaw niyang dalhin pagpasok sa opisina ang sariling sasakyan dahil baka magtaka ang lahat.



Pagkauwi ay kinuha lang niya ang sasakyan sa garahe saka muling lumabas. She went to a shopping mall. Para kasing walang epekto ang mga damit niya. She has to dress down. Simple nga palang manamit ang kapatid niya. If Ayder used to like her sister maybe she needs to dress like her. That ever- virginal type of woman look.

Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)Where stories live. Discover now