3: Assistance

13.9K 666 66
                                    


"Jeandy! Jeandy!"

Nauulinigan ni Aisha si Ginang Marlene, ang sekretarya ni Ayder, na may tinatawag malapit sa puwesto niya pero hindi na lamang muna niya pinansin. Naka-concentrate kasi siya sa ginagawang reports.

Agad siyang napatingin nang tapikin nito ng mahina ang balikat niya.

"Kanina pa kita tinatawag. Masyado ka namang seryoso diyan," wika nito nang tingalain niya. Ngitian siya nito. Napakurap pa siya bago nag-sink in sa utak niya na Jeandy Seran nga pala ang gamit niyang pangalan.

"Pasensiya na po, medyo komplikado po kasi itong ibinigay sa akin," hinging-paumanhin niya. It was an alibi. Bakit ba kasi nawala sa isip niya na hindi siya si Hayiesha Halle Nares aka Aisha? She's Jeandy Seran. She must keep that in mind. Tumango lang naman ang ginang at ngumiti ng matamis.

"Napaka-hardworking mo talagang bata ka," komento nito. Napatawa naman siya ng mahina. Nambola pa ito.

"Bakit n'yo po ako tinatawag?" tanong niya. "May ipapagawa po ba si sir?" dugtong niya. She hid her excitement at the thought. Nang ngumiti ang ginang ay nabigyan siya ng pag-asa.

"Halika muna roon," anyaya nito sa kanya papunta sa reception desk nito. Nagpatianod naman siya. Ayaw siguro nitong iparinig sa mga katabi niya ang sasabihin. She understood it right away.

Pinaupo muna siya nito saka hinarap.

"Ganito kasi iyon," umpisa nito. Huminga ito ng malalim.

"Aalis si Ayder para bumisita sa mga hotel beach resorts ng VLF sa buong Pilipinas. Annual visit iyon at meeting sa mga branch managers at supervisors," saad nito. Alam niyang hindi nito sasabihin sa kanya ang bagay na iyon kung walang kinalaman sa kanya. She nodded. She was dying of excitement but she tried to remain clueless.

"Kagagaling ko lang kasi sa isang operasyon noong nakaraang buwan, hangga't maaari sana iiwasan ko muna ang magbiyahe-biyahe," pagtutuloy nito.

"Ikaw kasi ang inirekomenda ko kay Ayder na sasama sana sa kanya sa annual visits. Magri-record lang naman ng minutes ang gagawin mo doon, madali lang," saad nito. Napaawang ang labi niya.

"Bakit po ako?" she asked timidly. She didn't expect it. Tatanggi pa ba siya? Pagkakataon na niyang pasukin ang buhay ni Ayder.

"Sige na. Magaan kasi ang loob ko sa 'yo. Alam kong mapagkakatiwalaan kita kaya ikaw agad ang naisip ko," sambit ng matanda.

"Ano pong sabi ni sir, okay lang ba sa kanya?" tanong niya rito. Tumango naman ang ginang.

"As good as approved na iyon basta ako ang nagrekomenda." Ngumiti ito. Naku-konsensiya siya sa tiwalang ibinibigay ng ginang pero ito na ang pagkakataong hinihintay niya.

"Sige po," tugon niya.

"Naku. Salamat," saad nito. Napatango na lamang siya.

"Sabihan kita ng detalye sa trips, bibigyan kita ng itinerary para pagdating doon, talagang minutes of the meetings lang ang iintindihin mo," hayag nito. Ngumiti na lamang siya at tumango.




*****

Her heart was racing fast as she enters VLF airport. May malaki siyang luggage na kasya ng hanggang sampung araw na bihisan, magpapa-laundry na lamang siya kapag kinulang. Walo ang bibisitahin nilang branches –Zamboanga, Davao, Cebu, Bohol, Boracay, Palawan, La Union at Ilocos Norte. Bawat branch ay maglalaan sila ng dalawang araw na ocular visit at meeting, at isang araw na pasyal o rest day bago lilipat sa ibang branch. Halos isang buwan ang gugugulin nila. But she cared less, she saw that as an opportunity to enter his life and make him regret hurting her sister.

Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)Where stories live. Discover now