Napakamot ito sa batok. "Kasal sa papel lang tayo, ganoon?"

            "Yep!"

            Tinitigan ulit siya nito. "Ganoon ka kadesperada sa mana mo?"

            "Medyo," pag-amin niya. "Sino bang hindi gustong maabot ang pangarap? Makapagpatayo lang naman ng malaking-malaking bookstore, masaya na 'ko."

            "Bakit bookstore?" usisa pa nito. Pero alam ni Sapphire that Johann's just buying time. Pinag-iisipan nito ang proposal niya!

            "Mahilig akong magbasa ng libro, eh."

            "Magtayo ka na lang ng library. Tapos free reading sa mga kabataan na walang pambili ng libro."

            "May magiging ganyang area sa bookstore na pinaplano ko. May free reading area doon. Pero siyempre, para hindi rin ako lugi, magbebenta na rin ang ng books para sa mga may pambili." Wait, bakit kinukuwento niya ang mga future plans niya sa isang lalaki?

            Hayaan mo na, Saphi. Si Johann ang key sa future plans mo, so it's just okay to explain everything to him.

            "Okay."

            "Ha?"

            Nagkibit balikat ito. "Okay. No problem. Payag na 'ko maging asawa mo ng isang taon. Hindi naman ako masyadong busy sa buhay ko," he said in a very light tone.

            "OMG!" singhap niya at saka napatakip pa sa bibig. Maya-maya ay tumili siya ng malakas. Hindi niya na rin mapigilan ang sariling yakapin ito.

            Yes! Yes! Makukuha niya na ang mana niya! Ang bookstore niya, very soon na ang opening! Tama nga si Reeve at Agatha sa choice nang mga ito na si Johann ang gawin niyang first prospect. At bumigay agad!

            "Anong meron?" nag-aalalang tanong ni Agatha nang makita sila na magkayakap. "Narinig kong tumili si Sapphire." Napahawak pa ito sa malaking tiyan.

            "Oo nga, what happened?" pakiki-isyuso na rin nina Lavender.

            Masayang-masaya si Sapphire. Oh, she could jump for joy. At ginawa niya nga iyon habang pumapalakpak.

            Tumawa si Johann. "Ibang klase pala mapapangasawa ko kapag masaya."

            Natulala ang mga tao.

            "Mapapangasawa?" biglang singit ng pinsan nitong si Dylan. "Seriously?"

            "Ganoon na kabilis ngayon ang ligawan, after a few seconds pakasal na agad. Life is short. Kayo nga ni Lana, married overnight." Hinawakan siya ni Johann sa braso at pinakalma. "Ganyan ba talaga kasaya kapag maikakasal sa poging tulad ko?"

            Wala nang pakialam si Sapphire sa mga tao sa harap nila na hindi pa rin makapag-react. Wala na siyang time magpaliwang sa mga tao doon. Bahala na ang mga ito. Ang mahalaga ay makasal sila ni Johann.

            Walang papaalam na hinila niya si Johann paalis doon. At nagpahila naman ito.

            "Iuuwi mo na ba 'ko? Sandali, hindi ako prepared," biro nito nang pinasakay niya ito sa kotse niya.

            "No. We're going to celebrate. My treat." Ini-start niya ang makina ng kotse. Pagkuwa'y humarap siya rito. Dahil hindi siya pinahirapan ng lalaki, exemption na ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Let's be friends?" sabay abot ng palad rito

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now