"Vhong.." pagkakita ni Vhong sa kanya ay nanlaki ang mata nito, halatang nagulat

"Annieka naman e! sabi ko sayo, itext mo ko!" pagmamaktol ni Vhong kay Anne pero imbes na mairita ay natawa nalang si Anne

"Ha? ano ba kasi yan?" napatingin si Anne sa inaayos na lamesa ni Vhong, may pizza, pasta, cake at dalawang frappe ang lamesa.

"Ayan.. nakita mo na.. di pa ako tapos eh, surprise dapat to!" naupo si Vhong at nag cross-arms habang naka pout pa! dahil don ay natawa naman ulit si Anne.

"Para kang bata! bakit ba kasi may paganito?" tanong ni Anne na nagpipigil pa rin ng tawa dahil sa itchura ni Vhong

"Wait lang, wait lang ha.." dali-daling umalis si Vhong, pagbalik nito ay may dala-dala na siyang salad.

"Upo ka na, Annieka.. kain na tayo"

Anne's POV

"Upo ka na, Annieka.. kain na tayo"

"Ay wait pala.. sandali lang ha, babalik lang ako" pag-alis ni Vhong, tinignan ko yung laman nung lamesa.. ang dami nanamang pagkain! pero di ko maiwasang mapangiti dahil kahit medyo na spoil ko yung surprise ni Vhong ay nasurprise pa rin naman ako.

"Kain na" pagbalik niya ay naka polo nalang siya, kaya pala umalis.. mukhang nagretouch pa haha! ang arte talaga nito kahit kailan, bigla tuloy akong na conscious, baka mamaya mukha ang haggard, nakakahiya!

"Para san ba to?" magsasalita pa sana ako pero biglang...

"Hep... wait lang.. For you, Annieka!" binigay ni Vhong sakin yung isang rose na gawa sa tissue

"Pa..pasensya ka na, di na ako nakabili ng bulaklak.. biglaan kasi eh.." napakamot siya sa ulo niya habang nageexplain sa akin, ang cute niya! para siyang batang hiyang hiya haha!

"Aw.. thank you, Dindin" I reached out for his hand at hinawakan ko iyon, mabuti nalang at wala gaanong tao ngayon sa cafe dahil tanghali palang naman.

"Si..sige na.. kain na tayo" inabot niya sakin yung pasta plate tapos ay pinaglagay ako ng slice ng pizza sa plato, after ko lagyan yung plato ko ay plate naman niya ang nilagyan ko.

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko.. bakit ba kasi may paganito ka?" tanong ko habang kumain kami, kanina pa kasi ako tanong ng tanong di naman ako sinasagot.

"Hmm.. pa thank you ko to sayo.."

"Ha? bakit?"

" Kasi inalagaan mo ko.. tska.. ang dami ko nasabi sayo nun.. napaiyak pa kita tapos.. tapos... natakot ka pa sakin" sa puntong yon, di ko alam kung paano ko itatago yung nararamdaman kong kilig, oa na kung oa pero.. sino ba naman ang di matutuwa kapag nalaman mong naappreciate yung ginagawa mo diba?

"Haha! ikaw kasi eh! di mo inaalagaan yung sarili mo kaya dapat may gumagawa nun para sayo!"

After naming kumain ay nagstay muna ako dahil ayoko pang bumalik sa office, medyo tinatamad pa ako actually. Si Vhong bumalik na siya sa trabaho niya, kung sipag lang ang paguusapan wala talaga akong masasabi sa kasipagan nitong lalaking to dahil talagang pinaghihirapan niya bawat perang kinikita niya para lang may pampaaral siya. Hanggang ngayon, never kong naisip noon na kayang gawin to ni Vhong.. sa tuwing tinitignan ko siya ngayon ang layo-layo na niya sa dating siya pero may isang bagay na di naman nagbago mula noon hanggang ngayon na kahit magkaibigan palang kami ay ramdam na ramdam ko na. Sweet parin si Vhong at effort kung effort. Kahit noon pa ganyan na siya although sutil talaga siya noon sobra.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now