THIRD SEAL

37 6 0
                                    

Chapter Nine

CROSS POV

Nagising ako na may kakaiba akong nararamdaman, napakakirot ng aking katawan nang mapalingon ako sa aking kaliwa may nakita akong kadena na nakatahi direkta sa aking braso tinignan ko din ang aking kanan pero ganun din ang aking nakita kadenang nakatahi maging ang aking mga binti at meron ding kadena hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Napatanong ako sa aking sarili na bakit kailangang mangyari sa akin ito wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao isa lang naman along tahimik na tao na mahilig manood ng anime ganito ba magwawakas ang buhay ko katulad ng mga anime na napapanood ko.

Napansin ko rin na tila ba nakalutang ako at hindi nga ako nagkamali ng hinala, nakalutang ako sa pagitan ng dalawang puno  ginamitan ako ng steel string para maiangat ako. Kinakabahan na ako ng todo dahil sa isang manekin sa aking harapan na may hawak na karit at nakalutang din ito.

MALA POV

Nandito ako ngayon sa likod ng isang malaking puno habang pinapanood si Cross na kumakawag kawag sa ere.

Mukha tuloy siyang isang ibon na may nakasabit na mabigat nabagay sa kanyang pakpak.

Matapos ko siyang gamitan ng orasyon agad agad ko siyang dinala sa isang masukal na kagubatan.

Nang makarating kami sa gubat hindi na ako nagpatumpik tumpik pa agad agad no siyang ininiksyunan si Cross ng napakaraming pampamanhid para kapag itinahi ko na ang mga kadena sa kanyang braso at binti at hindi siya makakaramdam ng kahit anong sakit.

Matapos kong maitahi ang mga kadena sa kanyang braso at binti kinabitan ko naman siya ng steel string para maiangat siya sa pagitan ng dalawang puno.

Isinet up ko na din yung manekin  na may hawak na karit sa harapan mismo ni Cross na siyang tatapos sa kanyang buhay.

CROSS POV

Takot ang aking nararamdaman ngayung nakasabit ako sa pagitan ng dalawang puno  habang may nakatahing kadena sa aking mga binti at braso.

Hindi pa dun natatapos ang nararamdaman kong takot dahil may isang manekin na nakasabit sa aking harapan at may hawak itong karit mukhang aatakihin ako nang biglang may nagsalita sa di kalayuan napakapanget ng boses niya parang yerong pinupunit ang sakit pakinggan ng boses niya makabasag eardrum.

Magandang gabi sa iyo Cross sabi nung boses yerong pinupunit.

Walang maganda sa gabi kung boses mo lang ang maririnig ko sagot ko naman sa kanya.

Tampalasan sigaw nung boses yerong pinupunit magsisisi ka sa ginawa mong pangaalipusta sa akin.

Pang aalipusta agad  Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ako ng totoo muling sagot ko sa kanya.

Tumahimik ka hindi na nakakatuwa yang  mga pinagsasabi mo sigaw nung boses yerong pinupunit.

Oh!!!!  Talaga lang ha!  sagot ko naman.

Mas mabuti pa simulan na lang natin ang laro ng iyong buhay sambit ng boses yerong pinupunit.

Laro ng buhay???  Duh!!!!  Wag no nga ako maisali sali diyan sa kabaliwang naiisip mo sigaw ko.

Tumahimik ka na lang Cross at simulan na natin ang laro madali lang naman ang mechanics ng laro kailangan mo lamang maalis ang mga kadenang nakatahi sa braso at binti mo sa loob lamang ng 30 segundo at kapag ito at hindi mo nagawa magwawakas ang iyong buhay dahil diyan sa manekin na may hawak na karit na nasa iyong harapan.

Simulan na natin ang countdown muling sigaw ng boses yerong punupunit.

30

29

28

27

26

25

Agad agad akong kumilos para tanggalin ang mga tahi sa aking braso ngunit napakatuso ng boses yerong pinupunit na yon.

Napakalalim ng pagkakatahi niya sa aking braso pero sa kagustuhan kong makaligtas ay walang pakundangan kong hinila ang kadena sa asking braso,  Oo napakasakit halos kita ang laman at patuloy ang pag-agos ng masaganang dugo dito.

24

23

22

21

20

19

Nakakadalawang tahi pa lang ang naaalis ko at may dalawa pang natitira sa aking kaliwang braso kaya naman agad kong hinila ang pangatlong tahi medyo nanghihina na ako pero kakayanin ko ito mabuhay lamang ako.

18

17

16

15

14

13

12

11

10

Hinila ko na yung huling tahi sa aking kaliwang braso at tuluyan ng bumagsak sa lupa yung kadena oras na para sa kanang braso naman.

Bumuwelo ako sabay hila sa tahi na nasa  kanang braso ko agad naalis ang tatlong tahi at dumaloy dito ang aking masaganang dugo.

9

8

7

6

5

4

3

2

1

0

Prrrrrtttt sabay pito nung boses yerong pinupunit.

Pasensya na hindi ka nagtagumpay kaya naman paalam na hahahaha tawa ng boses yerong pinupunit.

Kasabay sa pagtatapos ng countdown bumagsak sa akin pahalang ang karit na hawak nung manekin halos maghiwalay sa dalawa ang aking katawan.

Sumuka na rin ako ng napakaraming dugo sabay pagpikit ng aking mga mata paalam na aking mga kaibigan huling sambit ko bago tuluyan akong nalagutan ng hininga.

MALA POV

Sa pagtatapos ng buhay ni Cross bigla na namang uminit ang aking katawan at muling nagkaroon ng kulay itim ang ikatlong bahagi ng bituin na nasa aking kamay.

Three down two more left....

Ikaw na ang isusunod ko...

Wahahahaha

------------------------------------------------------

Ayan patay na si Cross sino kaya ang tinutukoy ni Mala na isusunod niya...

Abangan ang susunod na kabanata...

5 CHAPTERS TO GO + EPILOUGE NA THEN SISIMULAN KO NA ITYPE ANG BOOK 2 NG STORY NA ITO HEHEHEHE.....

LOVE LOTS....

MIDNIGHT0019

The Five Elite Students and the Transferee -- (COMPLETED) --Where stories live. Discover now