CHAPTER 3

26 3 2
                                    

Krystel's POV

Minulat ko ang aking mata Kasabay ng pagkagulat ng makitang naka higa ako sa  ilalim ng puno. Pilit kung binuhat ang aking katawan upang maka upo ngunit laking gulat ko na nag iisa lang ang punong ito at napapalibotan ng makapal na Puting Usok.

Lumakas ang ihip ng hangin ng biglang nag iba ang klema. Nalagas isa isa ang mga dahon ng puno sa subrang lakas ng hangin, hangang ang dating makapal na puting ulap na nakapalibot sa nag iisang punong ito ay pinalitan Ng kadiliman.

Tumakbo ako dahil sa takot at kaba na aking nararamdam.

Bigla akong napahinto sa pag takbo ng nasilayan ko ang isang babaeng naka suot ng wedding gown? Aktong tatakbo pa sana ako papunta sa kanila ng Biglang may dumating na isang  babae, lumuhod ang babaeng naka gown sa kanya at wariy nag mamakaawa.

Napako ako sa aking kinatatayuan ng biglang may nilabas ang babae at tinutok sa babaeng naka gown ang bagay na alam kung maaring ikamatay ng babae sa oras na maiputok nya ang bagay na Iyun.

Napasigaw ako sa gulat at napaluhod bigla sa Lupa dahil ang bagay o Baril na hawak nya ay naiputok na nya.

Agad kung minulat ang aking mga Mata at napagtanto ko na isa lang palang panaginip iyon.

Iginala ko ang aking paningin sa Kaboohan Ng kwartong ito, nasilayan ko ang isang babaeng naka harap sa akin na naka ngisi.

"finally you're awake" sabi nya sa akin. Ngunit hind ko lang ito pinansin.

Nag sisink parin sa utak Ko Kung ano ang ginagawa ko dto at kung sino ang babaeng nasa harap ko.

Ginala ko ulit ang tingin ko sa Loob Ng kwartong ito. Tinigil ko ang aking tingin sa babaeng nakaharap sakin, napansin ko ang Taglay nyang kagandahan kahit na nakasuot sya ng nakapal na salamin, ang kanyang matangos, at pulang labi dahilan para ako'y matulala, pero agad namang nag iba ang aking pananaw na mabait sya dahil biglang kumunot ang noo nya sabay taas ng isang kilay.

Bumalik ako sa realidad ng maalala kung bakit ako nandito at kung sino ang babaeng ito.

"Where am I?" tanong ko sa kanya na ikinangiwi nya.

"hindi ba halata? Nasa Hospital ka, and Damn I dont know Who you are, but as A secretary Of Mr. Ken I will do what he commanded me."padabog nyang sagot At halata sa kanya ang pag ka irita.

Shit! umaandar na naman pagiging tanga ko halata naman na nasa hospital ako kasi may naka Lagay na dextrose sa kamay Ko at may Oxygen pa sa gilid ng Hinihigaan ko "such a stupid krystel" inis na sambit ko sa sarili ko.

Pero sino nga ba ang babaeng ito? At sino naman yung Sir Ken na pinagsasabi nya.

"at sino naman Si Sir Ken nayan?" pabalang kong tanong dahil sa nagsungit sya kanina sakin. Of course hindi ako mag papatalo kahit na mayaman kayo aba! Pantay pantay lang tayo ng karapatan.

"what!? You dont know him? Seriously?"

Agad kong tinakpan ang aking tenga  dahil sa nakakabinging pasigaw na sagot nya sakin.

Why is she acting so weird? Gosh! I really dont know who ken is, and I'm not interested too!, why does she can't answer me directly? Gigil na sambit ko sa aking sarili.

"Yes! So just answer my fucking question! WHO.THE.HEll.IS.KEN!?"

tanong ko ulit sa kanya na medyo napataas ang boses dahik sa bukod sa nakakairita sya ay mukang masungit pa.

"I am"

Agad namang naagaw ng atinsyon ko ang lalaking naka sandal sa pintuan ng kwartong ito wearing his poker face.

Nakita kong napangiti ang babaeng kanina pa ata nanggigil sakin dahil sa pasigaw nyang sagot kanina.

Lumapit sya sa lalaking nakasandal pa din sa pinto at agad naman naagaw ng aking pansin ang kanyang kagwapohang taglay, bakas mo sa kanyang katawan na alagang alaga ito at sa Kanyang subrang puting balat, katangosan ng ilong, medyo may pag ka nakapal na kilay, ang kanyang singkit na mata na hindi ko alam kung may lahi bang insik ito, ang kanyang labing mapula at sa taglay nyang katangkaran at hindi na  itatagong biniyayaan talaga sya ng Diyos ng Mala Adonis na katawan.

Nanigas ang aking katawan ng nakitang papalapit sya sa akin.

Hindi ko alam kung anong Nararamdaman ko ngayun, naiihi ako or natatae na ewan, pero ang alam ko papalapit sya sa akin.

Shit! Nag slow motion ang lahat ng aking nasa paligid at tanging naririnig ko lang ang mabilis na pag tibok ng aking puso.

Bakit  ganito ang epekto nya sakin? hindi kopa sya kilala ng lubusan pero bakit ganito na ang aking nararamdaman?

'Shit krystel! Kumalma ka okay, wag mong ipahalata na kinikilig ka, gwapo lang sya hindi mo pa sya kilala, kalma kalang please'

Sambit ko sa aking sarili at alam ko kung ano iniisip nyo, hindi ako baliw! Babae din naman ako kaya hindi nyo ako masisisi kung ganito nalang magiging reaksyon ko.

Naka tulala pa rin ako habang papalapit sya sa akin. Hindi ko namalayan na subrang lapit na pala ng mukha nya sakin.( sheemay)...

hindi ako makagalaw sa mga titig nya sa akin na wariy anong oras ay pwedi na akong matunaw.

"You call me hell?"

Medyo natauhan ako ng mag salita sya.

" I think you should know me first before you call me names.........STUPID" medyo may pag ka diin nya sa words na Stupid at dun napako lahat ng pananaw ko.

Ang kanina na sinabi ko na gwapo sya ay pinalitan ng isang pangit na zombie sa paningin ko. At putiks! I am not stupid like him.

"hoy mokong! Hindi ko naman sinasadyang sabihi-"

"shut up!"

Napa hinto ako bigla sa pag sasalita ng sumigaw sya sa mukha ko.

" wag na wag mokong sisigawan dahil wala kang karapatan, Oo alam ko mayaman ka! Pero lalaban ako! Hindi ako papayag na mag papa api lang kahit kanino lalo na-"

Hindi kuna pinatapos kung ano pa ang sasabihin ko dahil sa mga luha na nag uunahang lumabas sa mga mata ko.

Bigla kong naalala ang lolo na sanay sya ang nandito sa hospital hindi ako.

Aktong aalisin ko sana ang mga nakakabit sa kamay ko ng biglang pinigilan ako Ng lalaking Ken daw ang pangalan.

Niyakap nya ako ng mahigpit dahil ata sa alam nya nangailangan ako ng masasandaran ngayun.

Gumanti ako sa kanyang yakap at mas lalo ko itong hinigpitan at binuhos ko lahat bg akibg hinanakit atubusan na ngang nag uunahan ang aking luha dahil sa lungkot at sakit na aking nararamdaman.

Ilang minuto kaming nasa ganung posisyon pinaligiran kami ng katahimikan at tanging pag hikbi ko lang sumasalongat sa katahimikan.

Agad na lumuwag ang pag kakayakap nya sakin at tuluyan na kaming naka wala sa isat isat.

Iniharap nya ang aking mukha sa  kanya at pinahiran nya ang aking kuha gamit ang kanyang kamay.

"Everything will be alright" sambit nya na naka ngiti sa akin, dahilan para mabawasan ang kirot na aking nararamdaman.

----------------

Sorry for the late update Pero next time tatry kong agahan.

Pag may wrong spell or typos kayong nabasa Will sorry naman first time ehhh....Baka next time try kung hindi na mag kamali.

Support nyo lang ang story nato, have a nice day...

From:Ate_Lexx

WHO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon