CHAPTER 1

70 8 0
                                    


Kaizer's POV

Padabog akong Pumasok sa Kotse   dahil sa nakipag landian na naman si Shaina sa ibang lalaki.

She's my girlfriend for 3 years But now I don't care about her anymore. Cheating became her hobby, so now I'm done with her endless excuses and reasons.

Agad Kong pinaandar ang kotse at nag drive ng mabilis, hindi ko alam Kung saan ako papunta. Inaamin kung Nasaktan ako dahil sa Ginawa nya Pero kailangan Kona talagang sumuko at itigil ang pagiging tanga.

Nakarating ako sa madilim na daan at parang bilang nalang ang mga bahay na nakikita ko. Mabilis parin ang patakbo ko ng kotse. Nag vibrate ang cellphone ko at di ko alam kong sino ang tumatawag sa phone ko.

Inabot ko ang cellphone  sa kabilang upoan pero nahulog ito, Pilit kung kinuha ang cellphone ko.

Pag tingin ko sa daan. Napabusina ako ng biglang may tumawid na babae sa kalsada ngunit huli na ang lahat. Napapikit ako dahil sa gulat at Sa lakas Ng Impact.

Inimulat ko ang aking Dalawang mata at unti unting binuksan ang pinto ng aking kotse. Bumongad sa akin ang isang babae na Puno Ng Dugo at nakahandusay sa harap ng aking sasakyan.

Bumalik ako sa realidad Ng Makita ko ang mga Taong papalapit sa amin, agad kung Binuhat ang Babaeng Binalot na Ng kanyang sariling dugo.

"Shit! Out of my way! Call the fucking ambulance" sigaw ko sa mga taong naka palibot na sa amin.

Agad namang dumating ang ambulansya at agad kung Pinahiga ang babae sa stretcher at sumakay na Din ako.

Hindi kuna namalayan na Dumating na kami sa harap ng Hospital, agad na tinakbo namin ang babae papunta sa emergency room.

Nakarating kami doon at pinasok na sya samantalang ako ay na iwan Lang sa labas.

"Dont worry Mr.Gray I will do my best to Save her life" sabi Ni Doc. sakin

"Dont say it, just do it, save her life or else I'll fire you" pasigaw na May halong pananakot Sa kanya.

Ako rin naman ang may ari ng hospital Nato kaya dapat ay sundin nila ang pinapagawa ko.

Pumasok na sya Sa Emergency room at sinimulan na Ang pag Lagay Ng Kung anong Aparatos sa katawan ng babae

Pabalik balik lang ako sa labas, hindi mapakali at parang Lumulutang ang Aking isip sa Mga nangyayare.

Hindi ko namalayan ang oras, biglang bumukas ang pinto at iniluwal si Doctor Fernandez lumapit ako sa kanya para malaman Kung ano ang Resulta.

"Doc.! Kamusta ang lagay nya?" Medyo kabado kung tanong.

"Dont worry Mr. Gray She's fine now, hintayin nalang muna natin syang magising" sagot nya

" What do you mean?" Tanong ko.

" She's now under observation at medyo matatagalan pa sya dito dahil sa sugat na natamo nya sa kanyang ulo at sa lakas ng impact sa kanyang katawan"sagot nya "pede kanang pumasok at makita ang dalaga" dugtong pa nya.

Hind na ako nag pasalamat at iniwan na si doc. sa labas. Gustong kung makita ang kalagayan Ng babae. Alam kung dapat ay iniwan ko na lang sya At bayaran Nalang lahat ng makakita Na Manahimik Pero alam kung hindi ako patatahimikin ng aking konsensya.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto, agad kung nakita ang babaeng naka higa at puno Ng mga aparatos sa katawan, naka ramdam ako ng Awa Kasabay Ng inis sa aking sarili dahil Sa hindi ako nag ingat at May nadamay pa sa aking katangahan.

Lumapit ako sa kanya at ngayun Ko lang nasilayan ang maamo nyang mukha, Ang matangos nyang ilong at ang Perpektong Hugis ng kanyang labi.

Agad kong nilabas ang Cellphone ko at tinawagan ang kakilala kong imbistegador .

"Yes Mr. Gray! Ano ang maipag lilingkod ko Sa inyo" sabi sa Kabilang Linya

"May Ipa iimbistigahan lang ako sayong babae, isesend ko mamaya ang picture nya at alamin Mo lahat ang tungkol sa kanya" sagot ko

" Yes Mr.Gray e-send mo lang sakin At ako na ang bahala, tatawag agad ako if ever na maka kuha ako ng Mga Detalye sa babaeng tinutukoy mo" sagot sa kabilang linya

"Good" tanging sagot ko at pinutol na ang aming usapan, ayoko ng pahabain pa at dahil narin siguro sa pagod ako.

Iniwan ko muna ang babae sa Hospital pero Binilinan ko ito ng bantay at siniguradong ligtas, sinabihan Ko din ang aking secretary na kapag nagising Ang dalaga Ay agad akong tatawagan, hindi ko pa din alam ang kanyang pangalan dahil hindi pa tumatawag  si Luis Alcantara ang aking inutusan  na mag imbistega sa babaeng Nabangga Ko.

Tumawag ako kay manong na sunduin ako dto sa hospital Dahil ayokong gamitin ang sasakyan ko at iniwan nalang dun sa lugar kung saan ko nasagasaan ang babaeng hindi ko pa Kilala. At may mga pulis nadin duon at iniibistigahan ang mga nangyayare

Nakarating kami sa bahay ng hindi ko namalayan  lutang akong pumasok sa Kwarto para Maligo at mag Bihis Upang bumalik Sa Hospital.

Lumabas akong banyo At kinuha ang damit na susuotin ko, Biglang nag ring ang phone ko  nakita ko ang pangalan Ni Mr. Alcantara kaya agad kung Sinagot Ang Tawag

"Mr.Gray! Lahat ng impormasyon na gusto mong malaman ay nasa akin Na" sabi sa kabilang linya

" GOOD! mag kita tayo Ngayun,  E-sesend ko ang lugar at dun nalang tayo mag usap" nag mamadali kung sagot.

"Ngayun malalaman ko na kung sino ka talaga" bulong ko sa aking sarili

WHO?Where stories live. Discover now