Epilogue.

1K 51 39
                                    

_

Junkyu's 

Naglalakad ako palabas ng gate ng school nang bigla nalang may humarap sa akin at yun ay si Shuhua pero nagulat na lamang ako nang bigla niya akong sampalin. Mabuti na lamang at walang tao sa oras na ito. Galing kasi ako sa may library, may mahabang pagsusulit kasi kami bukas kaya kailangan mag-aral gusto ko rin kasi bumawi kay mama biruin niyo yun part rin pala si mama ng plano namin- wala manlang ako kaalam alam hmp. 

"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit kasama mo si kryzha kanina?" Tanong niya sa akin, kaklase ko yan maganda siya pero selosa. Inaano ko ba siya?! kasama ko si Kryzha malamang dahil girlfriend ko siya gulat kayo ano? paano ko siya naging girlfriend pagkatapos ko mag chat kay yedam nun chinat ko na agad si Kryzha kahit hiyang hiya ako at ayun nga wag ko na raw siyang ligawan dahil sinasagot na raw niya agad ako ayieeeee.

"Si Kryzha? babaeng kaibigan ko siya ばか/Baka" Nakakunot naman yung noo niya, ay lalong tumatanda si Shuhua wag niyang sabihin na 69 years old na siya? joke lang hehehe. 

"Anong baka? walang baka dito sa bukid meron" Napailing nalang ako sa kanya, nag jajapanese naman kasi ako. Saan ko natutunan yan? Syempre sa japanese friend ko na si Noa. Diba nga pumunta ako sa Japan nung panahon na maraming nag hahanap sa akin. 

"Nako naman Shuhua"

"Tumahimik ka nga Junkyu, mahal mo ba si Kryzha?" Agad naman akong tumango sa tanong niya at sinampal na naman niya ako. Ano bang problema nito?

"Bakit mo ba ako sinasampal alam mo bang ikaw ang kauna-unahan nakasampal sa akin. Anong karapatan mo hindi mo naman ako pinapalamon ah. Layas nga dyan" Sabi ko at umalis ako sa harap niya naririnig ko pang tinatawag niya ako pero wala akong pake nananampal eh. Bad siya! BAD!!! Pagkatapos ko magpakafriendly akala mo ba papansinin pa kita. 

Habang naglalakad ako pauwi.. nakita ko naman si Gon hyung, nangungulangot sa may poste tapos pinapahid niya. Hindi manlang ito nandidiri nangungulangot sa maraming tao, sayang gwapo pa naman siya. Nakita ko naman na nilapitan na siya si Seunghun hyung at hinihila hila niya ito kumbaga pinipigilan niya si Gon hyung sa kadugyutan pero ayaw naman ni Gon hyung.

Hay nako bahala sila sa buhay nila, patuloy na naglakad ulit ako nang nagpapanggap na parang walang nakikita.

"Junkyu" napatingin naman ako kung sino tumatawag sa akin ay si Kryzha lang pala nasa may gate ng bahay namin, ngumiti naman ako sa kanya at lumapit sa kanya. "Kryzhaaaaaaaa!!! namiss agad kitaaaaaaa" sabi ko sa kanya at niyakap ko siya, at niyakap niya rin ako 

"Namiss rin kita hmp. Nga pala kyu may gagawin ka ba bukas? Gusto lang sana kita ayain" Sabi niya at bumitaw naman ako sa yakap niya  at napansin ko na namumula siya hala. May allergic ba ito si Kryzha? "Kryzha, ayos ka lang ba? bakit ka namumula may sakit ka ba? halika ihahatid na kita sa inyo?" sunod sunod na sabi ko at hinila ko na siya papunta sa bahay niya na kung saan medyo malapit lang ang bahay niya sa amin. Binuksan ko agad yung gate nila at tinulak ko naman siya ng mahina. 

"Bukas nalang tayo umalis kailangan mo muna magpahinga namumula ka kasi. Paalam" Sabi ko at aalis na sana ako nang bigla niya hinawakan yung braso ko tapos siya naman nakabusangot na. Hala bakit? may nagawa ba ako???

"Nakakatampo ka na ah palagi nalang tayo busy mag aral! Tinatamad na ako mag aral gusto ko ng pampagana" nagtatampo pala girlfriend ko- ang cute niya talaga. Stop Kryzha baka hindi ko mapigilan sarili ko at ikiss kita dyan. 

"Wag ka na magtampo hmmm pampagana gusto mo, diba?" Tanong ko sa kanya tapos tumango naman siya. Lumapit ako sa sa kanya...and kissed her forehead bago ko ulit siya niyakap at niyakap niya ulit ako...

"I love you Kryzha, sobra" 

"I love you to---"

"HOY!!!" napabitaw kami sa yakap at napatingin agad kami sa nagsalita at ayun nga...si hyunsuk hyung lang pala "nakita ko yun ah, nako!" naramdaman ko naman na namumula na ako at alam kong si Kryzha rin...

"uhm...ano kryzha uwi na ako" 

"oo sige bukas nalang byebye" 

Agad naman sinara ni Kryzha yung gate nila tapos ako mabilis naman ako naglakad pauwi baka kasi sundan pa ako ng lalaking yun. Panira ka Hyunsuk Hyung pero kahit panira ka laking pasasalamat ko parin sa lalaking yan pati sa Operation Love na yan kundi dahil dyan hindi magiging akin si Kryzha ngayon. 

_

a/n; the end. sorry guys kung mukhang minadali ko siyang tapusin huhu pero gusto ko parin magpasalamat sa mga nag hintay na mag update ako / sa mga nagbasa nito thank you vvv much ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

S: 01 ╱ 04 ╱ 19
E: 03 ╱ 03 ╱ 19

Operation Love | Kim JunkyuWhere stories live. Discover now