53. | Junkyu's

704 40 19
                                    

_

Kahit sinasabi niya sa akin na hindi niya ako iniiwasan, hindi parin ako naniniwala dahil ilan linggo na niya ako iniiwasan pero hindi ko parin maintindihan kung bakit niya ginagawa yun. Tinignan ko yung oras 12:25pm na, 5 minutes nalang lunch time na pero dahil walang teacher edi pwede narin lumabas- kanina pa dapat ako lumabas pero kasi hinihintay ko lumabas si Kryzha...tinitignan ko lang siya dito nasa likod lang niya ako nakaupo. 

Maya maya lang tumayo na siya at lumabas na siya ng room kaya naman sinundan ko siya at  agad ko hinawakan yung braso niya at agad ko siyang hinila papunta sa may mini forest kung saan walang gaanong tao. 

"Kryzha, bakit mo ba ako iniiwasan?" Seryosong tanong ko sa kanya tapos siya naman nakayuko na..

"Ah hindi ah.. busy lang ako sa mga projects natin kaya kailangan ko muna mag focus. Alis muna ako may aasikasukin lang ako" Sabi niya at pinipilit niyang tanggalin yung kamay ko sa braso niya pero mas hinigpitan ko yun. 

"Wag ako kryzha, sabihin mo na kasi ang totoo. Hindi kita tatantanan hangga't hindi mo sinasabi sa akin yung rason" pagkasabi ko nun halata sa itsura niya na nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sa akin yun...

"Kasi..."

"Kasi ano Kryzha??"

"Kasi mahal kita! Mahal kita Junkyu naiintindihan mo ba? Matagal na kitang mahal kaya nga ang sama sama ko na sayo nung una kasi akala ko bakla ka- akala ko mag jowa kayo ni Kuya pero wala eh may feelings parin ako sayo kahit anong gawin ko. Galing mo eh pafall? ay ewan kasalanan ko rin naman kasi...kasi sinabi ko na pwede mo ako na ituring na parang kapatid akala ko naman tuloy mawawala na itong feelings ko sayo pero tngina Junkyu lalong lumala? mas lalo ako nahuhulog sayo" Napabitaw ako sa braso niya, Nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin. May feelings pala siya sa akin- I mean matagal na na niya akong mahal...hindi ko alam...Tinignan ko siya at napansin kong unti-unting namumuo ang luha sa kanya mga mata. Para naman pinipiga yung puso ko habang nakikita ko siyang umiiyak sa harap ko. 

"Kryzha..." 

"Kaya please lang Junkyu tantanan mo na ako. Sobrang sakit na." Sabi niya at tumakbo na siya palayo sa akin... 

_

Operation Love | Kim JunkyuWhere stories live. Discover now